Chapter 5

5 0 0
                                    

Cedric POV

Nakaupo lang kaming anim habang naghihintay sa Prof.

"Hoy babae, Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong pagsagot-sagot sakin kanina ha?!" Tumayo c Abra at lumapit sa pwesto nang mga babae kanina.

"Ako ba kinakausap mo?" tanong nung babae sa harap ni Abra na tinuro pa ang sarili.

"Aba't! Ano ba sa tingin mo? Kuta kana sa akin ha?!" Talagang galit na si Abra. Pikonin kasi. Tsk.

"Tama na yan Abra." Sita ni Puma. Si Ace naman ay parang natutulog. Pagod siguro.

"Hindi pwede Puma. Wala akong paki kung bago palang tayo dito. Ang ayaw ko ay yung pamimilusupo nang babaeng ito!" Sabi ni Abra sabay turo sa babae na hanggang ngayon ay nakaupo parin. Iba din. Hindi man lang natakot sa galit ni Abra. Usually kasi pag beast mood na si Abra ay tumatakbo na ang mga babae at natatakot naman ang mga lalaki. Hmm

"Ano bang problema mo Mr.? Kung galit ka dahil lang sa nabangga kita kanina ay hindi ko na problema yun. Nakahingi naman na ako nang sorry, hindi ba?" Sabi nung babae na ngayon ay nakatayo na. At sinalubong ang mga titig ni Abra sa kanya.

"Hindi parin sapat yun! Ni hindi ka nga sincere sa paghingi mo nang tawad eh!"

"Hahaha sincere? Seriously Mr.? Ano ba ang alam mo sa kung sincere ba ang tao sa paghingi nang tawad o sa hindi?"Sabi nung babae na nakataas pa ang isang kilay. Tsk iba din.

Tahimik naman na nanunuod lang ang mga kaklase at may mga studyante narin na nakikinig sa labas. What a show. 😏
Magsasalita na sana si Abra nang may biglang pumasok na lalaki. Wait? Ito yung lalaki kanina na nambubog o hindi? Ewan. Kambal ata ang dalawa.

"Yvara kunin ko na sa----" Biglang nahinto sa pagsasalita ang lalaki nang mapansin niya na parang nagkagulo dito sa loob. "What's happening here?" Tanong niya nang makalapit na sya.

"Nothing Blue." Siya siguro si Yvara. Siya ang nagsalita eh. At may binigay kay Blue daw na isang libro or magazine? Tsk."Just don't mind them. They're having a little misunderstanding. *smirk*"

"Misunderstanding?" Tanong nung Blue na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Yvara.

Bigla naman na may pumasok na isang studyante at sinabing wala daw pasok sa una at pangalawang subject dahil may emergency meeting daw ang mga prof.

Greg POV

Naglalakad ako dito sa hallway papunta sa cafeteria dahil nga sa walang pasok dahil sa meeting ng mapansin ko na maraming studyante sa labas ng room nila Snow kung saan nandoon din ang mga transferee.

"Anong meron?" tanong ko sa isa sa mga students na nasa labas. Agad naman syang namutla nang mapansin na ako ang nagtanong. Tsk. "Ano? Titignan mo lang ba ako o sasagot ka?"

"A-a-ano... Nagkasagutan k-kasi si Shane at y-yung isang t-transferee." Sabi niya habang nakatungo. Tsk

Pumasok ako sa loob at agad naman nagbigay daan ang mga students na nakakita sa akin papasok. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko naman si Puma. Puma Montes, my cousin. Agad niya naman akong tinanguan ng magtama ang aming mga mata.

"Shane." tawag pansin ko sa babaeng nakasagutan ni Abraham o mas kilala sa short name na Abra. Kilala ko sila lahat sa pangalan. Ano pang gamit ng connection diba?

"Ano pang ginagawa niyo dito? At sinong nagsabi na manuod kayo?" Mga salitang binitawan ko na nakapag paalis sa mga students na nanunuod sa labas ng room. Tsk. Stupidents.



The Gangsters IN University Where stories live. Discover now