Prologue

15.8K 182 7
                                    


Prologue

Hindi mapakali si Logan habang naghihintay sa mga tauhan na naghahanap kay Abrianna. Pati mga kaibigan niya ay tumulong na rin, makita lamang agad ang minamahal. Gustuhin man niyang tumulong, ngunit hindi na niya kaya pang tumayo at maglakad. Tanging impit sa sakit na lamang ang kanyang magagawa. Hinang-hina na siya at marami na ring dugo ang nawala sa kanya.

"Boss!" humihingal na tawag sa kanya ni Mark.
Humaarap siya na may pagtataka. "N-nakita na po namin ang katawan niya, boss," nakayukong nitong sagot.
"W-what do you mean?" kinakabahan niyang tanong. Sa tono ng pananalita nito, may kakaiba na.

"I'm sorry, boss. P-pero, p-patay na po si Ms. Rian."

Parang bomba na sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. Nagulantang ang buo niyang pagkatao. Hindi makapaniwala at wala siyang plano maniwala. Kailanman, ayaw niyang nakikita ang minamahal na nasasaktan. Hindi bale ng siya ang mhirapan at masaktan, huwag lamang ito. Ngunit, ano itong narinig niya? Patay? Niloloko ba siya?

"N-nagpapatawa ka ba, Mark," hilaw siyang tumawa, "a-alam mong hindi pa siya patay, 'di ba?" kandautal-utal niyang sabi. Nagsimula na rin manginig ang kanyang mga kamay.

"P-patawad po, bo--."

"Sinabi ng hindi totoo 'yan! Punyeta! Buhay siya Mark! Buhay!" hindi na niya napigilan ang sarili at sinigawan ito.

Nagpupuyos siya sa galit. Hindi maaari. Hindi totoo ang kanyang narinig. Binibiro lamang siya ng mga ito. Putangina! Ano ba ang sinasabi nito? Hindi ba nila alam, makitang nasasaktan lang ang minamahal ay dobleng sakit na iyon para sa kanya?
Ito pa kaya? Kailanman hindi pumasok sa utak niya na mawawala ito. Hindi si Abrianna. Hindi ang babaeng sobra niyang minahal. Hindi ang kanyang mag-ina! Putangina!

"Bro," dinig niyang tawag sa kanya.
Nag-angat siya ng paningin.

Mukha nina Gavin at Killian ang nakita niya. Malungkot na umiling ang mga ito sa kanya.

"Noooo!" Sobrang sakit man at nanghihina na, pinilit niyang tumayo mapuntahan lang ang babaeng pinakamamahal.

Walang pumigil sa kanya dahil ramdam ng mga ito kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Hinayaan lamang siya na makapunta kung nasaan ang sinasabing katawan ni Abrianna. Hindi na niya ininda ang sobrang sakit ng katawan. Wala na siyang pakialam kung malagutan man siya ng hininga ngayon. Mas ikakatuwa niya pa iyon.

"Tabi! Tumabi kayo!" sabay hawi niya sa ibang mga tauhan na nakapalibot sa pinangyarihan.

Pakikiramay. Iyon ang nakikita niya sa mukha ng mga ito habang nagsitabihan.
"Mga putangina! Huwag niyo akong tingnan ng ganyan!" Kulang na lang pumutok ang mga ugat niya sa leeg dahil sa sobrang galit na nararamdaman.

Mas lalo siyang nagimbal nang makita ang nasa kanyang harapan. Hindi na ito makilala dahil sa sunog ang buong katawan pati mukha nito. May ilang parte din ng katawan nito ang sobrang naapektuhan ng pagsabog.

"H-hindi, h-hindi si Abrianna 'yan," walang lakas niyang sabi habang umaatras palayo sa kanyang nakikita.

"Bro," sabay lapit sa kanya ng mga kaibigan para alalayan siya. Galit na tinabig niya lamang ang kamay ng mga ito.

"May kwintas siyang suot, bro, isang diamond ring ang pendant. Tingnan mo ito kung sa kanya ba.

"Itinaas iyon ni Gavin gamit ang sanga ng kahoy.

Halos hindi na siya humihinga nang lumapit. At nang makita niya ang singsing na nakasabit....doon na nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi niya matanggap na sa ganitong pangyayari mawala ang babaeng minamahal.

"Abriannaaaaaaa!"

Lalapitan na sana niya ito nang mapigilan siya ng mga kaibigan. Nagpupumiglas siya. Pilit na kumakawala. Gusto niya mayakap ito. Ang mag-ina niya. Sa isang iglap lang nawala ang dalawang taong minahal niya ng higit pa sa sarili niya. Ang dalawang taong inalalayan ng buhay niya. Bakit sa kanila ito nangyari? Bakit sa mag-ina pa niya? Bakit?!

Ang singsing na iyon. Ang ibinigay niya rito dalawang araw pa lamang silang magkasintahan. Ang lagi niya hinihintay araw-araw na baka isinuot na nito. At ngayon nga, nakita niya. Ngunit, kasabay naman nu'n ay ang makitang walang buhay na ito at sa karumaldumal pa.

"Bitawan niyo ako! Putangina kayo!" ginamit na niya ang natitirang lakas para lang makawala.

Ngunit, sadyang malakas pa rin ang mga ito, kumpara sa kanya na sugatan pa. Namamanhid na ang kanyang katawan sa sobrang dinulot ng mga tama ng bala. Mas lalong kumikirot sa tuwing gumagalaw siya.

"We're sorry, bro. But, we need to do this," pagkasabi sa kanya nu'n ni Gavin ay naramdaman na lamang niya ang matulis na bagay na itinusok sa kanyang balikat. Hanggang sa nawalan siya ng malay.

Hindi mapakali si Gavin at ang ibang mga kaibigan habang naghihintay sa paglabas ng doctor na nag-oopera sa kaibigan nilang si Logan. Mag-dadalawang oras na silang naghihintay. Hindi pa rin sila makapaniwala na nangyari ito sa kaibigan nila.. Alam nila kung gaano kamahal nito ang kasintahan. Saksi sila kung paano ito nagbago nang dahil sa pagmamahal nito para rito. Kung sa kanila nga nasasaktan na sila sa pagkawala ni Rian. Ano pa kaya ito? Masakit at malungkot, dahil sa ganitong paraan pa nawala sa kanila si Rian. Naging kaibigan na rin nila ito simula ng magkakilala ito at si Logan.

"Gavin! Nasaan ang anak ko? Si Rian?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Tita Camelia ang ina ni Logan, habang humahangos papalapit sa kanila.

Hindi pa man siya nakasagot ay nagsunod-sunod na ang tanong sa kanila ng mga mahal sa buhay ng kanilang kaibigan.

"Si Rian, nasaan siya? Gusto ko makita ang anak ko." Tita Cassandra.

"Walter, ang kaibigan namin?" Isabella, na mababakas ang takot sa mukha.

Tumingin siya sa mga kaibigan. Tumango ang mga ito na nagpapahiwatig na siya na ang magsabi. Bumaling siya muli sa mga tao na nasa kanilang harapan.

"Nasa operating room pa po si Logan, Tita, Tito." saad niya sa mga magulang ng kaibigan.

"Diyos ko, ang anak ko!" Tanging nasabi na lamang ng ina ni Logan habang umiiyak at yakap-yakap ng asawa nito.

"Ang anak namin, hijo?" sabat ng ama ni Rian habang inalalayan ang asawa nito.

"Sumunod po kayo sa 'kin," saad niya at nanguna sa paglalakad.

Sumunod agad ang mga magulang ni Rian, ganun din ang mga nag-aalalang kaibigan nito. Nasa tabi naman ni Isabella si Walter habang nakasunod rito.

"W-wait. W-why you have brought us here?" kandautal-utal na tanong ng ina ni Rian habang nagtataka sa lugar na pinagdalhan sa kanila.

I'm His Possession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon