Chapter 3

51.1K 1K 10
                                    

Katrina Kalif as Abrianna Del Fuego in multimedia---->>>>

Adore you- Miley Cyrus-->>>>>

Chapter 3

Kumakain sina Rian kasama ng mga kaibigan nang biglang naghiyawan ang mga estudyanteng babae dito sa loob ng cafeteria.

"Kyaahhh!"

"Oh my God, girls!"

"Why his here? Ang gwapo-gwapo talaga niya! My god!"

"Ang hot niya, grabe. Ano kaya ang pakiramdam na mayakap ang katawang na 'yan."

"At ang yummy pa! Ang sarap lang niya,  grabe!"

"Ehhh!"

"May artista ba?" Mika sabay tingin sa kanila.

Kibit balikat na sinagot nila Rian ito dahil maging sila, hindi nila alam kung ano ang nangyayari. "Iwan," aniya.

Napatingin na lang din sila sa entrada ng cafeteria. And there, he saw Logan roaming the room with his two bodyguard. Bakit kaya nandito ito?
Tss! Hindi talaga nakapagtataka kung bakit ang daming nagkakandarapa na mga babae rito. Wearing his business suit now, he looks like a Greek God from the olympus. Nagsusumigaw sa ka gwapuhan at kakisigan ang lalaking ito. Sa tangkad nito na six feet and two inches at katawang mala adonis? Talagang papangarapin ng kahit sinong babae na kahit mapansin lamang nito. Kahit hindi ngumingiti at nakakunot ang noo, hindi pa rin nakabawas sa kagwapuhan nito iyon. Yuyuko na sana siya para ipagpatuloy ang pagkain nang napatingin ito sa kanilang deriksyon. Shit! Shit! Shit! Oh! God please, huwag sana dito. Abot langit na pakiusap niya sa itaas.

Ngunit, mukhang hindi niya ata swerte ngayon dahil narinig niyang nagsalita si Naveen.
"Oh my God, sissies! Be prepare dahil papunta dito sa atin si Mr. Yummy!" pabulong na sabi nito na kinikilig pa.

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito. Tss! What she said? Mr. Yummy? Pati kaibigan niya pinagpantasyahan na rin ito. Iba talaga kamandag ng lalaking ito.

"Hi girls!"

"Shit!" mura niya sa pakabigla nang marinig ang malamig na boses nito. Nandoon na naman ang pamilyar na kaba sa kanyang dibdib. Oh! stop it Abrianna! Kastigo niya sa sarili. Nanatili siyang nakayuko.

"H-hello po, Sir," sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan na nauutal pa at titig na titig rito. Tsss! Halata masayado ang mga gaga.

"Hi, baby!" anito saka siya hinalikan sa pisngi.

What the hell! Tinawag na nga siyang baby sa harapan ng mga kaibigan, hinalikan pa siya sa pisngi at dito pa talaga sa maraming estudyante. Hindi siya nakakilos agad at parang umurong ang dila sa matinding pagkagulat.

"Oh my god! Sila ba ni Abrianna?"

"Kapal talaga ng babaeng 'yan! May tinatago rin palang landi sa katawan. "

"Nasa loob din pala ang kulo ng babaeng yan, e."

"Ang swerte naman ni Abrianna. Iba talaga pag maganda, noh? Nagkakagusto sayo lahat."

"Sinabi mo pa. Kaya nga maraming nanliligaw sa kanya dito, eh. Kahit naman kasi sino, magkakagusto talaga sa kanya, bukod sa napakaganda na ang bait pa."

Natauhan si Rian nang marinig ang mga bulungan ng mga babaeng estudyante sa paligid.

"Sorry, baby. Nabigla pa ata kita," bulong nito sa kanyang tainga.

Nagsitayuan ata lahat ng balahibo niya sa katawan sa pagka dikit ng labi nito sa kanyang tainga. At ang gago, hindi pa nakuntento dinilaan pa nito. Buwesit! Nagsimulang mamuo ang inis niya rito. Talagang sinusubukan siya nito!
Napatingin siya sa mga kaibigan na alam niyang nasaksihan ang ginawa nito. Hindi nga siya nagkamali dahil ayon, parang namatanda. Shocks are written to their faces. Nakanganga pa.

I'm His Possession [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon