""Paano mo nalaman na magkapatid tayo?""Tanong ko sa knaiya.

Ngumiti siya sa akin""Nong unang punta ko sa bahay niyo kaya ginawa ko ang lahat para patunayan na kapamilya ko nga talaga kayo""Pagpapaliwanag niya sa akin.

""So,paano nalaman ni Mama?""

""Noong unang pagkikita palang daw namin iba na yung kutob niya kaya yun nagpa-DNA siya kaya yun nalaman""

""Ahhhhh""Napadaing ako ng kumirot yung sugat ko kaya mabikis namang lumabas si Brie para tumawag ng doctor.

Tumutulo na yung dugo sa bawat sugat ko.Pagkapasok ng Nurse pumasok rin silang lima.

Nilinis ng Nurse yung sugat ko at may nilagay rin siyang gamot para hindi ito kumirot.

""Kumikirot pa ba Nak?""Tanong ni Mama ng makalabas yung Nurse.

Umiling ako sa kaniya""Hindi na""

""Labas muna kami tita""Pagpapaalam ni Hales.

Bago sila lumabas lumapit si Dark sa akin at may kinuha sa tagiliran niya""Just in case na may mangyari""Sambit nito at sekretong nilagay ang baril sa ilalim ng unan ko.

Pagkalagay niya umalis narin silang tatlo.

Hinaplos ni Mama yung buhok ko.Si Brie naman nakahawak sa kamay ko""Sa sobrang gusto kong makuha mo yung hustisya sa Papa mo hindi ko alam na nasasangkot ka na pala sa mga illegal na gawin...Pasensiya na Nak..""

Magsasalita na sana ako ng pumasok si Viel na natataranta na may hawak na baril.

""Ano nangyayari?""tanong ko sa kaniya.

""Kailangan na nating umalis sa Hospital na ito""sambit nito habang tinututuk ang baril sa pintuan ng kwarto.

""P-pano yung lagay ni Nikki""Nagpapanic na sabi ni Mama.

Sobrang kinakabahan na si Mama kaya hindi niya na alam kung anong gagawin niya.Agad agad niya namang kinuha si Leigh na natutulog.

""Kaya ko Ma""Sambit ko at kinuha yung baril sa ilalim mg unan.

""Nikki""suway sa akin ni Brie na umalalay sa pagbangon ko.

Kahit masakit yung sugat ko kinalas ko agad yung mga gamot na nakakabit sa katawan ko.

""Tara na Ma""sambit ko habang nakahawak sa braso ko na nagdudugo na ngayon.

""Niks yung braso mo nagdudugo""si Brie.

""Wag niyo ako aalahanin""sambit ko at naunang lumabas.Bago ko sila pinalabas chineck ko muna kong may kalaban na nag-aantay sa amin.

Kahit nakahospital gown pa ako lumabas nalang ako sa kwarto na pinapagalingan ko.

Pagkakita ko sa guard kinuha ko yung baril niya at binigay kay Brie yung isa""Gamitin mo to""bigay ko sa kaniya pero tinapon niya naman iyon kaya nainis ako sa ikinilos niya.

""Diyan muna kayo""turo ko sa gilid ng may nakitang kalaban.

Pagkalingon ko nakatutuk yung baril ng kalaban sa akin kaya binaba ko yung baril ko na hawak,at itinaas yung kamay na parang sumusuko.Naghahanap lang ako ng tyempo na maagaw iyon sa kaniya,kaya ng makahanap ako ng tyempo sinipa ko yung hawak niyang baril tsaka pinagsusuntok hanggang sa di na siya makatayo.Ng makita kong nanghihina na yung lalaki pinagbabaril ko ito ng ilang beses.

""Tara na""Pagyayaya ko kay Brie na nasa sulok tsaka si Mama na umiiyak na hawak yung kapatid ko na umiiyak rin.

""Nikki sa likod mo""sigaw ni Brie kaya umikot ako,Nagpaputok yung lalaki kaya buti nalang natulak ko sila Mama tsaka dumapa ako,pagkadapa ko binaril ko yung lalaking yun.

Im Living Up With My Legendary Title (COMPLETED under EDITING)Where stories live. Discover now