Chapter 4: Choice.

Börja om från början
                                    

Napunta ang mga titig k okay Chris na ngayo’y parang walang pakielam sa nangyayari. He doesn’t care. Why would he, anyway?

Ngumiwi ako at humarap kay Louie. “S-sige.”

Weeks passed, ilang gig at ilang dates din ang naganap sa amin ni Louie. It was fine with me, kaibigan ko siya at sanay na ako na kasama siya. Kahit nga akbayan at hawakan niya ang kamay ko ay wala na akong paki. It all feels normal.

Hindi ako nakakaramdam ng tinatawag nilang kilig o touch.

Hindi dahil sa manhid ako at walang pakiramdam, but because I know exactly that it’s someone else whom I want to hold my hands. Hindi nga lang niya ako gusto. And I’m never going to be like him. I won’t chase him because I’m not pathetic like him. I don’t want to be like him.

“Bea, susunduin kita bukas, ah?” Muling paalala sa akin ni Louie habang kausap ko siya sa telepono. May klase na nga pala kami bukas.

“Okay. Louie, I’ll sleep na. Thanks for today. Good night.”

“Alright. Good night, Bea. I love you.” Hindi ako sumagot. Tahimik na ibinaba ko na lang ang tawag at niyakap ang unan ko.

Napahawak ako sa labi ko at pumikit. Biglang bumilis ang tibok ng puso nang maalala ko ang nangyari sa garden. That night, that mistletoe and that kiss. How can I forget such thing?

Kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising na lang ako nang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko sa akin at ang pagtalon niya sa kama ko.

“Ate, Ate! Wake up! Kuya Louie is downstairs na.” Nagmulat ako ng mata at walang ganang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo.

Kalahating minutos din ang ginugol ko para matapos ayusin ang aking sarili papuntang school. Pagbaba ko ay nandon na si Louie at kausap si Ysa na kumakain ngayon ng chocolates. Ngitian ako nito nang makita niya ako at kinuha ang gamit ko.

“Hindi ka na mag-aalmusal, Bea?” Tanong ng isa sa kasambahay namin.

“Hindi na po. Sa school na lang. Tara na, Louie.”

Nauna na akong lumabas sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan. Tahimik ang naging biyahe namin papuntang school. Siya lang ang nagkukwento at kapag naman tatanungin niya ako ay maiikli lang ang sagot ko.

“May inaya ka na sa Prom?” Umiling ako.

Sadie Hawkins nga pala ang tema ng prom ngayon. Babae ang mag-aaya sa lalaki. Dapat ko bang ayain si Louie? Or it would be unfair to him kung aayain ko siya dahil lang sa kailangang siya ang ayain ko.

“Louie...” Nakangiting lumingon siya sa akin at naglahad ng kamay. Tumikhim lang ako at hindi iyon tinanggap.

“I really like you, Louie. Pero hindi iyon katulad ng pagkagusto mo sa akin. I like you as a friend.”

“I know,” ngisi niya sa akin at kinuha ang kamay ko.

“Then why are you still doing this?” Bumaling ang tingin niya sa paparating na sasakyan na alam kong kay Chris dahil tanda ko ang plate number nito at modelo.

“Kung hindi ko ‘to gagawin, sino pa? Maraming tanga sa mundo. Gusto ko lang mabawasan.”

Hindi ko naintindihan kung anong ibig niyang sabihin, nawala na lang ang isip ko doon nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya at inakbayan ako, kasabay noon ay ang pagbaba ni Chris at Dominique sa kanyang sasakyan.

“Hello, Bea!” Tumango ako at napatingin kay Chris na parang walang napapansin sa paligid, nakahawak siya sa kanyang dibdib at malalim na bumuntong hininga tapos ay lumapit kay Dominique at kinuha ang gamit nito.

Pangs of pain pass through my chest.

‘I told you not to feel too much. It’s easier.’

Kung sana nga lang, eh. Kung sana ganon lang kadaling pigilan ang makaramdam. Pero dadating din pala talaga ang panahon na hindi maiiwasan iyon. To feel something is inevitable. And it’s something we can’t change.

“Masakit ba?” Tumingin ako kay Louie na hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi. “Don’t worry. Parehas lang kayo.”

“Bea, pakopya ako ng notes kanina sa calculus. Pwede? Ibabalik ko na lang bukas.” Tumango ako at binigay sa’kanya ang notebook ko at umalis na palabas ng classroom.

Dumiretso ako sa cafeteria at um-order nan g pagkain ko, at kung sinuswerte ka nga naman. Crowded ang buong cafeteria. Wala akong mapu-pwestuhan. Seriously, kasing laki ito ng halos sampung classroom na pinagsamasama pero napupuno pa din?

“Bea! Dito!” Sigaw ng isang boses sa akin. Si Dominique pala. Sinubukan ko pa ulit maghanap ng mauupuan pero wala na talaga kaya naman kahit ayaw ko ay doon na akong umupo.

“Yehey.” Masayang utas nit at pumalakpak pa.

Hindi ko na siya pinansin at tahimik na kumain na lang. Wala akong panahon para makiag-usap sa kanya. Wala ako sa mood na punahin ang lahat ng pangit na mapapansin ko sa kanya.

“Hindi ka man lang ba magpapasalamat?” Napatigil ako sa pagkain at tinignan si Chris na umiinom ngayon ng tubig.

“Para saan?” Taas kilay kong tanong.

“Dominique invited you to join us, you should be thankful.”

“Ayaw ko namang pumwesto dito, eh. Bakit ako magpapasalamat?” Pansin ko ang pagpapalit palit ng tingin sa amin ni Dominique ng nakakunot ang noo.

“Ayaw mo pero ginawa mo?”

“Because I had no choice.” Umismid lang siya at nag-iwas ng tingin.

“You always have a choice, Ysabella.”

Nginisian ko siya. "Why don't you apply that wisdom to yourself? You always have a choice, Chrisander."

Invisible (BLAIV: Jump Ball Spin-Off)Där berättelser lever. Upptäck nu