Wizard's Tale 2: Chapter 3

164K 3.7K 255
                                    


(Alyanna POV)


Tinahak na namin 'yung pagkahaba-habang tulay. Naku-curious pa rin nga ako kung para saan 'yung kabilang tulay. Hinihintay ko kung anong kababalaghan na naman ang pwedeng maganap.

Hindi rin nagtagal, nakarating kami sa isang tower. Manghang-mangha ako pagpasok namin sa loob nun! Pero bigla naman akong tinabihan ni Vander at may ibinulong siya sa akin. "Yana, Yana, Yana, maghanda ka. Malalaman mo na kung para saan 'yung kabilang tulay. Kumapit ka kay Master Brylle kung ayaw mong—basta kumapit ka na lang!"

Natakot ako sa banta ni Vander kaya sinunod ko siya at kumapit kay Brylle. Pero malaman-laman ko lang na pinagti-tripan lang pala ako ng lamang-lupang Vander na 'to, humanda siya sa akin!

"Anong problema mo, Yana?"

"Ha? Eh kasi si Vander, nananakot!"

Tiningnan ni Brylle si Vander, nagtataka siya kung ano bang sinabi sa akin ng Elemental Guardian niya. Pero itong si Vander, nag-peace sign lang! Tapos patago pa akong kinindatan.

"Ano ba kasing mangyayari ngayon?"

"Panoorin mo si Master Lorcan." Tumingin ako sa direksyon ni Lolo at nakaharap siya ngayon sa isang pader. Gamit ang tungkod niya, pinukpok niya ang ilang nakalitaw na bato at bigla na lang nagsigalawan ang mga ito. Parang may sino-solve siya na puzzle at alam na alam niya ang ginagawa niya.

Habang ginagawa 'yun ni Lolo, ipinaliwanag na sa akin ni Brylle ang sistema nila rito. "Ang Twin Walls ay ang defense zone patungong Auserwalt Palace. Walang ibang daan bukod dito. Kahit pa lumipad ka ay ililigaw ka ng hangin. Sa bawat tower naman na madadaanan pa natin, may secret combination na tanging mga pinagkakatiwalaang Luxurian lamang ang nakakaalam. Kapag mali ang combination, mali din ang direksyon ng tulay. At kapag tama—"

Hindi na natuloy pa ni Brylle ang paliwanag niya dahil natapos na ni Lolo ang secret combination para sa tower na ito. Nakaramdam kami ng pagyanig ng lupa at kitang-kita ko kung paanong humiwalay yung tower sa tulay.

Yung dalawang tulay ay sabay namang gumalaw at nagbago ng direksyon. Para itong may mga paa na naglipat ng pwesto. Tama ngang nakakakapit ako kay Brylle dahil aatakihin yata ako sa puso sa nasaksihan ko.

Nang tumigil na rin sa paggalaw ang kinatatayuan naming tower, sa ibang direksyon na ang tungo nito. Akala ko talaga nasira na 'yung Twin Walls kanina pero ngayon, parang walang nangyari!

"Humihinga ka pa ba, Yana?" Bulong sa akin ni Brylle. "Marami pa tayong towers na madadaanan."

Tingnan mo 'tong wizard na 'to! Talagang natutuwa siya kapag nagmumukha akong tanga! Kita na ngang in state of shock pa ako, nakuha pang mang-asar! Pero ilang towers pa nga ba ang dadaanan namin? Kung sino man ang nagtayo ng Twin Walls na 'to, ano kayang pumasok sa isip nila at ganito kakumplikado bago mo marating ang palasyo?

Mga fourteen siguro, or fifteen or sixteen towers pa ang dinaanan namin. Sa sobrang dami, nalimutan ko na! Idagdag mo pa 'yung papalit-palit na pwesto ng mga tulay at towers, at syempre ang nakaka-nosebleed na secret combination na ginagawa ni Lolo Lorcan!

When we finally reached the end of the bridge, isang mabatong bundok naman ang nasalubong namin. Ito na lang daw ang nag-iisang harang bago namin marating ang palasyo. Lumapit pa kami at may nakita na akong malaking tarangkahan. Excited na akong makita ang Auserwalt Palace kaya nauna na akong humakbang sa may hagdan kaso biglang may humarang!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon