BO - Chapter 34

Start bij het begin
                                    

Pero agad siyang napabangon at hinawakan ang magkabilang pisngi nito nang marinig ang paghikbi nito. Nagsisimula na naman ito sa pagiging emosyonal nito.

"Hey, hey, what's wrong?" Malambing niyang tanong dito na may bahid ng pag-aalala. May basa na rin kasi sa pisngi nito kaya pinunasan niya gamit ang dalawang hinlalaki niya.

"K-kuya, kinakabahan ako." At saka ito tumingin nang diretso sa kanya. Napakuno't-noo siya at hinihintay ang karugtong ng sasabihin nito, ang dahilan kung bakit ba ito kinakabahan. "P-paano.. Paano kung magalit sa 'tin sila mommy at daddy? P-paano kung.." Huminga ito nang malalim at saka muling napayuko. "A-anong gagawin natin?"

Sa nakalipas na halos tatlong buwan na pananatili nila dito sa villa house niya, ngayon lang nito 'yun naitanong.

"Ssh. Huwag mo muna isipin 'yun, ah? Saka na natin isipin 'yan, okay? Basta love. Ang importante, you shall not leave me. You won't leave me." Mahinahon niyang saad at saka dinampian niya ng halik ang mga luha nito.

"Opo, kuya. H-hindi po kita iiwan." Saad nito na nagpangiti sa kanya.

Kaunti na lang.

Kaunti na lang at magiging akin ka na nang tuluyan. Naisaisip niya.

Hindi na ito nagsalita pa muli at humiga na at saka pumikit. Napangiti siyang muli bago humiga rin sa tabi nito. Saka niya ito niyakap at dinampian ng mabilis na halik sa labi.

Mabilis lang, dahil baka kung saan pa humantong ang halik na 'yun kung patatagalin niya pa.

-

"Hmm. K-kuya. Don't. Uhh.." Naalimpungatan si Darko nang maramdaman ang paglikot likot ni Dara sa tabi niya at nang marinig ang bahagyang pag-ungol nito na tila nasa masamang panaginip.

"Hey, Love, wake up." Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi nito upang gisingin ito pero nanatili itong nakapikit at naglulumikot ang ulo nito.

"N-no, kuya. Please!"

"Dara, Dara!"

"Kuya!" Medyo nagulat naman siya nang bigla itong bumangon. Sunud-sunod ang paghinga nito nang malalim at pinagpapawisan rin ito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "I'll just get some water for you to drink, 'kay?" Saad niya dito at saka siya akmang tatayo.

Pero napatigil siya at bahagya pang nagulat nang maramdaman ang biglang pagyakap ng isang kamay nito mula sa likuran niya, dahilan para kumabog nang malakas ang pintig ng puso niya.

"No, kuya Darko. D-dito ka lang. Don't leave me, please. K-kuya."

Napangiti siya at hinawakan ang braso nitong nakayakap sa baywang niya.

"Calm down, love. I won't leave you, okay? I'll just get a glass of water for you to drink." At pagkatapos ay dahan-dahan niyang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya pero mas lalo lang itong humigpit ng yakap sa kanya.

Huminga siya nang malalim at hinayaan na lang ito. Hindi niya rin maiwasang mapangiti sa mga kinikilos nito, sa mga paglalambing nito sa kanya.

"K-kuya, I-I have something to tell you." Napakunot ang noo niya sa pagtataka nang mahimigan ang kaseryosohan sa boses nito.

Hinawakan niya itong muli sa braso at saka siya umikot paharap dito. Pagharap niya sa dalaga ay napansin niya ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi nito at ang marahang pagkagat nito sa ibabang labi nito. Nakayuko ito na para bang nahihiya.

Ah. Cute.

Napangiti siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Pagkatapos ay iniangat ang ulo nito patingala sa kanya.

Brother's Obsession [EDITING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu