Chapter 1

7 0 0
                                    

Snow POV

Nandito ako ngayon sa labas ng convenience store habang may hinihintay na kaibigan.

Ba't ang tagal ng gagang yun? Tss.
Habang nandito ako sa labas nakaupo ay may napansin akong grupo nang kalalakihan na papasok sa store. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero base sa nakikita ko ay alam kong hindi sila kagaya nang ibang grupo. May iba sa kanila. Yun ang sinisigurado ko.

Tumingin sa gawi ko ang lalaking nasa huli na parang sinusuri ako. Agad ko naman binawi ang paningin ko at sa daan nalang tumingin. Whew!
Anong oras naba? Ba't ang tagal ng isang yun? Badtrip!
Mga ilang minuto rin ay lumabas na ang mga lalaki at sakto namang dumating ang hinihintay ko.

"Sorry Snow, natagalan ako. May 'Traffic' kasi." sabi ni Yvara sa akin habang hinihingal. Tinanguan ko lang sya kasi alam ko namang ibang 'Traffic' ang sinasabi nya.

"Traffic? May traffic ba?" Tanong mung lalaki na may kulay dilaw ang buhok. Parang sa anime lang. Hindi namin sya pinansin ni Yvara at umalis na.

"Anong nangyari sayo? Ba't natagalan ka?" ako habang naglalakad kami papunta sa condo. May sarili kasi akong condo kung saan doon ako umuuwi sa ngayon. Regalo ito nang Papa namin nung nag sampung taon kami. May condo din si kuya pero madalas sa bahay sya umuuwi.

"Ayun nakasalubong ko lang naman ang grupo nila Thalia. Pisting babae talaga yun. Talagang naghahanap ng sakit sa katawan." Gigil na sabi niya habang nandito na kami sa lobby ng condominium.
Talagang galit na galit sya sa grupo nila Thalia. Schoolmate namin sila pero talagang si Yvara lang ang inaaway nila. May gusto kasi ang boyfriend ni Thalia kay Yvara at si Yvara ang inaaway kasi nilalandi niya daw ang lalaki. Tss.
Ewan ko ba kung bakit hindi nya ako sinasali sa galit nya kay Yvara. Ganyan kasi ang nakikita ko sa mga movie, dinadamay nila ang kaibigan ng kalaban nila. Siguro sa takot na kalabanin ako o baka hindi nyo lang gustong masali ako. Tss.

"Ano namang ginawa mo sa kanila? Buhay pa naman siguro sila diba?" Ako habang papasok na kami sa unit ko.

"Unfortunately buhay pa ang gaga. Aish! Dapat kasi ang boyfriend niya ang inaaway niya at hindi ang magandang si ako. Gaga talaga! Nakooo! Pag ako talaga hindi nakapag-timpi, patay sa akin ang babaeng yun." sya habang pabagsak na umupo sa sofa. Bahala sila sa buhay nila." Uy salamat Snow ha at pumayag ka na dito muna ako matutulog."

" Hmm ok lang. Una na akong matulog sayo. " Ako at pumasok na sa kwarto ko. Alam naman niya kung saan sya matutulog. Tutal hindi naman na sya bago dito sa unit ko.

Pasokan na pala bukas. At 4th year HS na kaming lahat. Hahay..

😪😪😪

The Gangsters IN University Where stories live. Discover now