Kabanata V

7 3 0
                                    

Dahil araw ng linggo, napagpasyahan ni Trina na magsimba sa isang malapit na simbahan sa kanilang lugar. Napagdesisyunan niyang kumain na lang sa labas dahil natatamad siyang kumilos. Hindi pa rin niya nakalimutan ang pagtawag ng isang babae noong nakaraang gabi.

Hindi niya hahayaang may makapasok na namang miyembro ng pamilya ng isang taong sinusumpa niya. Kaysa magkulong sa kwarto, napili niyang lumabas na lang at baka maisip pa niyang magpakamatay sa labis na kalungkutan at pighati.

Nang makagayak, inilock muna niya ang apartment at nagtungo sa isang maliit na carinderia. Hindi man kagandahan tulad ng kainan na palagi niyang pinupuntahan, masarap naman ang pagkain. Naiinis pa rin kasi ang babae sa inaasal ni Walter. Sa katunayan, palagi na lang siyang naiinis dito.

Hindi rin siya nagtagal doon dahil hindi niya gusto ang mga tinging pinupukol ng mga kalalakihan sa kanya. Naiilang siya sa mga tinging nagbibigay kilabot sa kanya. Para siyang hinuhubaran sa klase ng mga titig nito lalong-lalo na ang mga kalalakihang kumakain sa mesang katapat ng kaniya. Hindi naman lahat ngunit nababahala pa rin siya.

Pagkalabas, nagpara siya ng isang tricycle na una niyang nakita at sumakay kaagad. "Sa simbahan po Manong."

Mula sa labas na nadaanan nila, nakikita niya ang mga maliliit na bahay at mga taong nag-uusap. Hindi man maituturing at sakop ng squater area ang tinitirhan ni Trina, makikita mo pa rin ang ang mga taong palaging sabik sa tsismis at mga batang minsa'y nanlilimos.

Nang makarating sa destinasyon, nagbayad siya. "Salamat po." Kaagad siyang pumasok sa simbahan nang makababa. Kasisimula pa lamang ng misa. Nakapuwesto siya sa likuran dahil puno na ang mga upuan sa harap.

'Madali lamang na matatapos ang misa,' nasaisip niya. Nakikinig lamang siya sa mga salita ng Diyos na binibigkas ng nagsasalitang pari hanggang sa malapit nang matapos ang misa. Hindi nga niya napansing patapos na ito dahil bukod sa pakikinig ng pari, may tinitingnan siyang babaeng nakabalot ng scarf sa ulo at leeg. May sunglasses pa itong suot sa mga mata na parang naiinitan talaga. Nahihiwagaan siya sa kilos ng babae. Halata kasing may hinahanap ito dahil ang likot ng mga mata nitong hindi mapirme.

Naguguluhan man si Trina, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Hindi niya malaman sa sarili kung tungkol saan ang kabang nadarama nang tingnan niya ang direksyon ng babae kanina.

Nag-iwas siya ng tingin nang bigla itong tumingin sa kanyang kinaroroonan. Napabuntung-hininga siya ng natapos na rin sa huli ang misa.

Lumabas siya kaagad dahil hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Mabilis ang tibok ng puso niya.

Pumunta muna siya sa gilid ng simbahan at nagtirik ng mga kandila matapos makabili. Nagdasal siya saglit at pumunta sa isang stall pagkatapos. Natatakam niyang tiningnan ang mga kakaning nakita niya sa harapan.

"Miss Beautiful, bili na po kayo. Masarap po ang bibingka namin at meron rin po kaming biko na kaytamis-tamis."

Napatawa si Trina sa tinuran ng bata na maganang nagsalita habang iminuwestra ang mga tinda. Naisip niyang asarin ito. 'Buti na lang wala pang ibang bumibili sa mga paninda ng batang lalaki baka makaabala pa siya.'

"Lalanggamin ba 'ko kapag kumain ako niyan?" Tinuro pa ni Trina ang biko.

"Ay naku Miss Beautiful, sobra pa ang katamisan nito sa mga pick-up lines na binabato ng ex niyo!"

Natawa na naman si Trina. Hindi niya alam ngunit bigla na lang napalitan ng kasiyahan ang kabang naramdaman niya kani-kanina lamang. Naalala niya ang mga alaalang pilit niyang tinatakasan. Gustong-gusto niya ang mga bata lalong-lalo na ng matupad noon ang pinangarap niya. Ngunit alam niyang hanggang doon na lamang iyon. Hindi na iyon matutupad kahit kailan.

Secrets Behind the CurtainWhere stories live. Discover now