Kabanata IV

5 2 0
                                    

"Maya? Ano na naman ba ito? Di ba sinabi ko ng magreresign na 'ko!" Hindi mapigilan ni Karen ang sumigaw dahil sa kakulitan ng manager.

Ipinagsawalang-bahala lamang ni Maya ang pagsigaw ng alaga sa kanya. "Sinabi ko naman sa 'yong hindi ako susuko, di ba? At saka kailangan ang napakaganda mong mukha sa industriya ng modelling."

"Arrghhh!" Naiirita na talaga si Karen dito. Hindi na lamang niya ito pinansin at pumasok sa loob ng bahay niya.

Nakita niya itong nakatayo sa labas ng bahay habang nagdidilig ng halaman. Hindi man niya nais makausap ito dahil alam niyang kukulitin lang siya nito sa big offer ika nga bagkus pinuntahan pa rin niya ito sa harap ng gate at pilit na pinapaalis.

Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, nagbihis siya ng isang simpleng white T-shirt at maong short. Pinarisan na lamang niya ito ng isang kulay itim na flat sandals. Napagdesisyunan niyang bisitahin saglit ang botique kahit wala namang trabaho dahil araw ng linggo at napag-isip-isip na pupunta na lamang ng mall pagkatapos para hindi siya maburyo.

Pagkalabas ng bahay sakay ng kotse, nakita ni Karen na nakatayo ang hindi inaasahang bisita na makikita niya. Wala na ang manager ngunit napalitan naman ito ng isang mukhang baliw na tao na parang nakalunok ng megaphone sa tindi ng sigaw na lumalabas sa bibig nito.

"KAREN!" Pumunta ito sa kanyang harapan at katok nang katok sa bintana ng kanyang itim na kotse.

Napilitan si Karen na lumabas dahil nag-aalala siya sa kanyang sasakyan. Alam niya kung gaano kafreak ang taong nakatayo pa rin ngayon sa gilid ng kotse at patuloy na kumakatok na parang babasagin na ang bintana.

Napabuntung-hininga si Karen at hinarap ang taong nasa harapan na niya. "Naman oh! Ano na naman ba ang ginagawa mo dito? Kailan mo ba talaga ako titigilan? Saka sinundan mo pa talaga ako dito ha!" Mas lalo lamang siyang naiinis dahil dumagdag pa ito sa problema niya.

"Babe, could you please speak in English? I CAN'T UNDERSTAND YOU!" Sinigawan na naman ng babaeng nakalunok ng megaphone ang kawawang babae.

Nafrufrustrate na talaga si Karen. Isa na lang talaga at sasabog na siya. "How dare you! Pwede ba, leave me alone. May kailangan pa 'kong puntahan. Don't worry, I will talk to you one of these days." Pumameywang siya, "Got it, Andrea?"

Nagngingitngit sa inis si Andrea dahil sinabi naman nito ang kinasusuklaman na pangalan niya. "Karen, don't you dare..."

Hindi na tinapos ni Karen na pakinggan ang babae dahil kaagad siyang pumasok sa kotse at pinaandar ang sasakyan palayo kay Andrea na hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin.

Alas kuwatro na ng makalabas si Karen sa isang mall na pinuntahan niya. Ilang taon na rin mula ng huli niyang apak sa isa sa mga mall sa Pilipinas. Kauuwi lang niya noong nakalipas na buwan. Ngayon lang siya nakakapagrelax ng husto. Pumunta siya sa isang parke. Nakabuti sa kanya ang pagmomodelo sa ibang bansa dahil halos hindi na siya nakilala ng mga tao dito sa Pilipinas. Matagal na panahon na rin nang sumikat siya dito sa bansa bilang isang modelo.

Bumili siya ng sampung tempura balls at nakisuyo sa nagtitinda na ilagay na lamang ang mga ito sa isang plastic cup at isang pineapple juice na nakalagay rin sa isang plastic cup.

High school pa lang siya nang nahiligan niyang kumain ng street foods. Kahit naman ipinagbawal iyon ng kanyang mga magulang, sige pa rin siya ng sige.

Pumili siya ng mainam na lugar sa parke at hindi naman siya nabigong makakita. Umupo siya sa isang bench habang kumakain ng binili niya. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga batang naglalaro na mukhang hindi pa rin napapagod sa paghahabulan.

'Sana, bata na lang ako.' Naisaisip na lamang niya.

Hindi niya napansin ang isang butil ng luha na umalpas sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Pinahid niya ito gamit ang likod ng palad niya.

Secrets Behind the CurtainWhere stories live. Discover now