8 [I'm in Trouble!]

Bắt đầu từ đầu
                                        

"Aray ko ha? Makahila. Oh, bakit ba?" Tumingin ako sa kaniya ng nagmamakaawa.

"Please Camille, umalis na tayo dito. Ilayo mo na ako dito. Sige na..." At dun niya lang narealize kung bakit ako nagkakaganito.

"Oo nga pala!" Tampal sa noo. "Nakalimutan ko. Osige, sige. Mauna ka na sa kotse. Susunod na kami. At may kailangan ka pa'ng ipaliwanag sa akin." Tumango na lang ako. Bumalik na siya at ako naman tumakbo na.

Sa totoo lang, nakalimutan ko kung saan nga ba nakapark yung kotse ni Hanz pero bahala na. Hahanapin ko na lang.

Steve's POV

"Ah, guys. Nauna na si Monique sa inyo. Sorry daw kung hindi na daw siya nakapagpaalam. Nababanyo na daw kasi talaga siya." Sabi nung babae, na pangalan daw ay Camille, pagbalik niya. Tatakasan na naman ako ng probinsyanang iyon. I won't let her leave again. Never again.

And one thing that bothers me. Bakit magkasama sila? They know each other right before I met her?

"Excuse us but, we really have to go. I have my photoshoot today. I'm in a hurry, right Eric?" Walang atubiling sabi ko. Tinignan ko si Eric na nagsasabing sakyan na lang niya yung trip ko.

"Ha? Wala naman-Ay, o-oo nga pala." Kokontra pa, e.

"Ay, aalis ka na, Steve? Akala ko ba mamamasyal pa tayo?" Tumingin ako dun sa matandang babae na sa tingin ko ay nanay nitong Camille. Pero aaminin kong may itsura pa rin naman yung nanay niya.

"Opo. There will be next time." Magalang na sagot ko. Tinignan ko naman yung lalaki na kasama nila. Napapansin kong kanina pa siya nakatingin ng masama sa akin. At kung makaabay dun sa babae akala mo aagawin ko. Tss. Girlfriend yata. Panay naman ang hawi nung babae. Nag-away pa yata.

Sure, she's pretty but, she's not my type.

"Talaga?! Sabi mo 'yan, ah. Sige na nga. Babye, ingat ka, ah-Ay, kayo pala. Hihi." I nodded. Tinanguan ko si Eric at nagmadali akong umalis kaso...

"SANDALI!" Tinginan ko si Camille. "A-ah... kumain muna tayo! Nakakapagod din ang maglakad-lakad, hindi ba? Hindi ba?" Tumango-tango naman yung nanay niya.

"No, thanks. I'm full." Tumalikod ako ulit at tumakbo na.

"WAIT!" Sigaw niya pero hindi ko na lang siya pinansin. May pakiramdam ako nakasabwat siya ng probinsyanang iyon.

***

I looked for her where she is possibly hiding but fck, I found nothing! Ugh.

"Where the hell is she?" Pagalit kong bulong.

Hindi pa nakakalayo yun. Siguro nasa may tabi-tabi lang siya. Maybe she's in a comfort room? Yeah right!

I went where possibly the comfort room is but to my disgust, I failed. Ugh. Saan ba pwedeng mag CR ang babae? Hindi naman siya pwedeng kung saan-saan lang tulad ng mga tambay na lalaki. Jeez-

Wait... Is that a fast food chain? Oh, right! She'd maybe there!

Papasok pa lang sana ako nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Bro, saan ka pupunta?" Takang tanong niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Where do you think I'm going?" Tumingin siya sa taas para tignan ang pangalan ng fast food chain na papasukin ko. Tumingin ulit siya sa akin.

"Seryoso ka ba pare? Fast food chain ito. Ano namang gagawin mo dito? Manlalait?" Natatawang tanong niya. Ako naman walang maisip na palusot.

"I'll take the comfort room." Natawa naman siya bigla. Seriously? Ano ba'ng nakakatawa sa sinabi ko? Hindi ba pwedeng valid reason yun?

"Bro, alam ko at alam kong alam mo na hindi ka nagbabanyo sa mga public toilets. Never pa, 'tol." Ngingiti-ngiti niyang tugon na wari'y hindi makapaniwala.

"Bawal ko ba'ng subukan?" Masungit kong tugon.

"Hindi naman sa gano'n pare pero-" Biglang tumunog ang cellphone niya. "Wait. Maghintay ka diyan. Huwag kang aalis. I'll just take this call." Sabi niya pa bago lumayo para sagutin yung tawag.

Sus! Inuutusan ba ako ng mokong na yun? Tss. Bahala siya diyan.

Naglakad akong muli at tinahak ko na ang entrance ng restaurant na ito. Ang daming tao. Saan ba pwedeng magtanong dito?

Kinalbit ko yung unang babaeng nakita ko. "Uh, miss, can I ask you something?" Tumingin naman ito sa akin.

"What is it, sir?" crew pala nila ito dito.

"May nakita ka ba'ng babaeng mahaba ang buhok, ganito katangkad, tapos nakajeans?" Paliwanag ko.

She shook her head. "Hindi ko po napansin. Sa dami po ng taong nagpupunta dito, hindi ko po alam kung sino sa kanila ang hinahanap ninyo. Sorry sir, pero hindi ko po kayo matutulungan. Excuse," Suplada. Hindi niya kasi kilala kausap niya. Tss.

Ugh. Where the hell did she go?!

Hinawakan ko sa balikat yung babaeng dumaan sa harapan ko at nagtanong, "May nakita ka ba'ng-"

"Wala! Wala po akong nakita! Hindi ko po siya nakita!" Todo tanggi niya habang winawagayway at umiiling pa. Hindi ko pa nga natatapos tanong ko, e!

Siguro...Aha!

"Tell me where-" Napatingin ako sa humawak sa balikat ko. Ugh. Ang epal talaga nitong si Eric.

"Pare, sabi ko naman sa 'yo, hintayin mo ako, e," Tumingin siya dun sa babae. "Pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha? Hindi pa kasi siya nakakainom ng antibiotics niya." Tinignan ko siya ng masama. G-ago ng putek! Kung hindi ko lang ito kaibigan, kanina ko pa siguro 'to nabingwasan.

Naglakad na kami palabas ng fast food. "Tinatakot mo naman yung babae pare. Tara na nga. Tumawag si Manager Kim," aniya. Napairap na lamang ako.

"No. Ayoko."

"Don't act like a child, Steve. Act on your age," uminit ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

"Don't dictate what I'm going to do with my messed up life, Eric! Who are you to command me? You know what, you're just like my mom. Dictating me and telling me that act on my social status and it's so fcking annoying!" I bursted. I turn my back and walk away.

Why do people keep telling me to act that I'm not? Hindi na ba ako pwedeng maging g-ago dahil artista ako? Bwiset na araw!

Monique's POV

"Ate, salamat talaga, ah! Hinulog ka talaga ng langit. Maraming salamat!" tinignan niya ako at ngumiti.

"Hindi naman," sabi niya tapos isinukbit niya ang buhok niya sa tenga niya. Hindi naman sa pag-aano pero masasabi kong, wala siyang taste sa pagdadamit. Mukhang kailanman hindi rin niya binalak na magsuklay ng buhok niya. Grabe, ang sarap niyang ayusan! Ano ba 'yan, nahahawa na ako sa ugali ng Camille na yun! Haist.

"Ah, sige ate alis na ako, salamat ulit," paalam ko at ngumiti ako sa kaniya. Nginitian niya din ako. Bungi din pala si ate.

Siya kasi ang tumulong sa akin na sabihin kay chinito na wala ako dito sa restawrant na ito. Ba naman, hanggang dito ba naman susundan akong mokong na yun? Ugh. Grabe talaga siya.

Naglakad na ako pabalik sa-Teka, saan ba ang daan pabalik sa simbahan? PATAY AKO! AAAAH! Ang hirap naman dito sa Maynila, ang daming pasikot-sikot! Tss. Bahala na nga.

Kinuha ko yung cp ko. Papaload na lang muna ako tapos tatawag ko si Ca-

"AAAH-UHMM!!"

I'd Lie --ONGOING--Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ