Copyright © 2012 IHeartFoods
Author's Note: Dedicated ito sa kaniya kasi siya ang unang nagcomment sa story ko. Wow naman! Gumagano'n na ako! Lels. Shige po. Yun lang! Thank you! :* <3
PROLOGUE
KASALUKUYAN akong nag-aayos ng mga gamit ko para pumunta sa conference room at i-ready na ang presentation ko. May mga bumabati sa akin na mga ka-officemates ko ngunit ginantihan ko lamang sila ng isang matamis na ngiti (dahil busy din ako sa paghahanap). Tss. Mga plastic lang naman ang mga 'yan. Alam ko iyon dahil palagi ko silang naririnig na sinisiraan ako at sinasabihan akong gold-digger behind my back. Psh. Mga pakitang tao. Pwe!
Nagring naman ang phone ko. Hindi ko na lang sana papansinin iyon dahil sa pagmamadali at pagkataranta ko kasi nawawala yung USB ko! My ghaad! Saan ko ba kasi nailagay yun? Bwiset naman, oh. Mamaya na yung meeting, sheeet.
Hindi pa rin tumitigil sa kakaring ng phone ko. Nakakairita kasi ang tunog. Lalong nagpapastress sa buhay ko ngayon. Ugh. Kaya no choice na ako. Sinagot ko na lang ng walang anu-ano kahit hindi ko pa tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" May halong pagkairitang sagot ko rito. "Who's this?" Tanong kong muli. Shala ang lola niyo! Umi-ingles na! LOL.
"Hi, babe, miss me? 'Cause, I miss you na." Napataas naman ang kilay ko doon. Ang landi talaga nitong fiancée ko. Kalalaking tao. Aish! Istorbo sa trabaho ko.
Tinignan ko naman ang screen ng phone ko at hindi nga ako nagkamali, bago na naman ang cellphone number niya! Nako, nako! Beltok sa akin ito mamaya. Gastasero talaga. At saka kakatawag niya lang kanina, tumawag na naman siya ngayon na iba na naman ang sim. Putek na 'yan. Asar! May ibang babae yata ito, e!
"Baaabe, mamaya ka na lang tumawag. Busy ako ngayon. I'll call you later, promise. And yeah, I miss you na din. Kish kita mamaya. You have my wooords!" Tugon ko. Alam kong sisigaw na naman 'yan sa tuwa kaya inunahan ko na siya. "But! Lagot ka na naman sa akin. Bakit ba papalit-palit ka ng sim?! Ang gas-"
"Oo. Ang gastasero ko talaga! Alam ko ba'ng mahirap umipon ng pera, ha?! Gusto ko ba'ng mabeltukan mamaya?" Natawa naman ako dahil doon. Oo, ako na unli! E, kasi siya, e! Tch. Ang kulit-kulit kasi niya masyado. Porket mayaman siya e, puro gastos na lang siya. Ang hirap kaya ipunin ang pera! 'Di ba?!
"Buti alam mo!" Narinig kong tumawa rin siya sa kabilang linya. Napangiti na lang ako. "Ms. Chan, 15 minutes na lang po bago magstart ang board meeting." Napatingin naman ako dun sa secretary ko.
"Darn it," I grumbled. "Okay. Thanks, Mae." Sagot ko sa secretary ko. "Babe-"
"Opo. I heard it. Bakit kasi kailangan mo pang magtrabaho? Mayaman na kaya tayo!" Bigla akong sumimangot sa sinabi niya.
"Hoy, hindi pwedeng palaging nakaasa tayo sa magulang mo. Malapit na tayong makasal. Ano 'to? Inampon niyo ako. Nakakahiya kaya!"
"Ano'ng nakakahi-"
"Babe."
"Alright, I lose. Palagi naman, e." Nangiti naman ako.
"Good. See yah later na lang. Bye, babe!" Ibababa ko na sana kaso...
"Wala ba'ng I love you diyan?"
"Bukol you want?"
"I love you lang naman, e!"
"Bayiieee!"
"WAIT LANG, BABE!"
"Ano na naman ba? May hinahanap pa ako! Mamaya ka na lang sabi tumawag, e. Magkikita pa naman tayo pag-uwi ko. Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?"
"Never akong magsasawa sa 'yo, babe. Papakasalan ba kita kung nakakasasawa 'yang pagmumukha mo?"
"Bwisit ka." Pinapakilig mo ako. LOL. Hahaha!
"Ano ba yung hinahanap mo? Baka may alam ako." Bigla ko na naman naalala yung tungkol sa USB ko. Waah! LIFEEE!!!
"Yung USB ko nawawala! Nandodoon pa naman lahat ng files and documents ko na sobrang importante sa akin! Nandoon din nakasave yung presentation ko para sa board meeting mamaya! My goosh! Naloloka na ako!" I whined. Grabe, naiiyak na ako. I don't care kung pinagtitinginan na ako. Gusto kong ilabas itong stress ko! Ano ba!! Pinagpuyatan ko yun, e!
"Ah... babe, nakalimutan mo sa work room mo yung USBing sinasabi mo. Yung color pink at may halong ocean blue na kulay na USB, tama ba?" Bigla ko namang naalala na ginawa ko nga pala kagabi yung presentation. Aaah! Oo nga pala! My goosh! Sobrang makakalimutin ko na! Argh!
"Kung gusto mo, ihatid ko na lang sa 'yo diyan ngayon na. I'll be there in thirty minutes!" Napabuntong hininga naman ako. Thirty minutes? E halos dalawang beses na yun ng fifteen minutes, ah?
"Okay. But, kung pwede babe, as much as possible bago magfifteen minutes please? Please, please, please babe. Kailangan ko lang talaga." Narinig ko pa siyang umungot ng mahina at bumuntong hininga. "Alam kong imposible. Pero sana magawan mo ng paraan. Kahit lumipad ka na lang papunta rito, magpakasuperman ka na kung kinakailangan o magteleport ka na lang, babe. Pleaseee?"
"Okay, babe. Basta may bayad ito, ah?" Sinasabi ko na nga ba, e! Aish.
"Ano yun?"
"Gumising ka mamaya. Midnight. Aight?" Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"WHAT THE?!"
"BYEEE!"
End call...
UGH! Ano 'yon?! ARGH! Bwisit siya! Bwisit! Bahala siya! Ang kulit niya talaga kahit kelan. Hindi naman ganiyan 'yan noon. Ang laki-laki talaga ng pinagbago niya simula nung naging kami. Parang hindi na siya yung fiancée ko na masungit at self-conceited. Pero syempre, mahal ko pa rin siya kahit ano man ang maging ugali niya.
Yes, fiancée ko yung katawagan ko kanina. Kakatawag niya lang nung dumating na ako sa office tapos tumawag siya ulit. Hello? Nasa trabaho kaya ako. Busy na.
Oh, wait! Ano nga pala ang sadya niyo dito? Ay, oo nga pala. May utang pala ako sa inyong kwento. Aaah! I forgot. Andami ko kasing iniisip ngayon. Alam niyo naman. Work. Aish!
At dahil diyan, mamaya na lang or bukas ako magkukwento. May meeting kasi ako, 'di ba? Tapos kung mamaya naman, pag-uwi ko, pagod na ako. Tapos kukulitin pa ako nung lalaking yun pag-uwi. Aish! STRESS OVERLOAD!
Sige, hihintayin ko na lang muna si babe. Haaay... sana makaabot siya. Please, LORD! Huhuhu! Kaiyak.
YOU ARE READING
I'd Lie --ONGOING--
Teen FictionHere's Monique. Ang old fashioned na babae na probinsyana na pumunta sa Maynila para doon mag-aral ng college. May pagkasuplada pero open siya sa lahat ng bagay na pwede niyang matutunan. Sensitive siya kapag iniinsulto ang pagiging probinsyana niya...
