8 [I'm in Trouble!]

41 1 0
                                        

Chapter 8.

"I'll explain to you when we get there, okay? For now, relax. Hindi ako masamang tao at mas lalong hindi ako magnanakaw. So, please?" Inalok niya ang kamay niya sa akin. Isasayaw ba ako nito? Tss.

Inilahad ko rin ang kamay ko sa kaniya. "Pitaka ko muna," may kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay ito sa akin. Tinignan ko ang laman nito.

"Bakit kulang 'to?" Napakamot siya sa batok niya. Huwag niyang sabihing...

"Pera ko ang pinambayad mo?!" Hindi ako makapaniwala. Napakawalanghiya niya! Ipon ko 'yoooon!

"Don't worry! I'll pay you. Kung gusto mo, akong bahala sa tuition mo this year?" Pangugumbinsi niya pa. Pero hindi iyon ang ipinupunto ko!

"Talaga?" Sayang, e! At saka kasalanan naman niya.

"Wow, ha. Parang inampon mo lang ako." And in an instant, nabawasan ang bigat na nadarama ko. Syempre, naiinis pa rin ako sa ginawa niya.

"Ganun talaga." Sabi niya. Inakbayan niya ako at naglakad na kami pabalik.

***

Habang naglalakad kami, sinabi na niya sa akin ang lahat ng nangyari kung bakit napunta sa kaniya ang pitaka ko. E, kasalanan naman pala ni Camille ang lahat, e! Amp. Nahulog pala yun nang hindi ko namamalayan.

"Nasaan na kaya sila?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya pagdating namin a harap ng simbahan. Kinakalikot ko na rin yung selpon ko. Bigla itong tumunog.

Message not sent.

"Aaah! Wala na akong load!" Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?

"Ano ba'ng number niya?" Lumapit siya sa akin habang may kinakalikot siya sa selpon niyang MALAKI.

"Teka, titignan-" Tumunog ulit ito. Bumungad sa akin ang pangalan ni Camille. SA WAKAS!

"Monique! Nasaankanaba? Kaninaka pa naminhinahanap. Akala ko ba mag-ccrkalang?"

"E, kasi...kasi ano, e. Naligaw ako! Oo, tama. Hindi ko mahanap yung banyo dito, kaya ayun. Buti na lang may mabuting taong nagbalik sa akin sa simbahan. Nasaan ba kayo?"

"Sinungaling." Iiling-iling na sabi ni Pogi. Tinignan ko siya ng masama.

"Nandito lang din ka-MONIQUE!" Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko.

"Uy, Camille-Oh, my God! Itago mo 'ko! Itago mo 'ko!" Nagtago ako sa likod ni kuya pogi habang hawak ko yung damit niya. Waah! Si Chinito kasi... KASAMA NILA!

"Bakit na naman?" Tumingin siya sa tinitignan ko. May tinawag siya, "Steve, pare!" Nanlaki ang mga mata ko. Kilala niya si Chinito?! DAPAK!

"Eric? Nandito ka rin pala?" Boses ni Camille yun. Magkakakilala sila? Ano ba'ng nagawa ko para ganituhin ako ng tadhana?

"Yah, actually, magkasama kami ni Steve pumunta dito. Ikaw?"

"Nagsimba lang din kami. Nagkataon na nagkita kami ni Steve KO sa simbahan. Meant-to-be talaga kami, 'no?" Tapos tumawa si Camz. Mukhang napansin na ako ni Camille. "Niques, anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago?" Wala! Wala na talaga! Buking na ako. Buking na buking.

Lumabas na ako pero itinakip ko ang buhok ko sa mukha ko. "Para kang ewan. Anyare sa 'yo? Binagyo ka?" Natatawang tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot bagkus hinila ko siya bigla palayo sa kanila.

I'd Lie --ONGOING--Where stories live. Discover now