82 (beaddie moments)

Start from the beginning
                                    

Lalo akong napakunot noo ng lumabas sya sa kotse. Di pa nya tuluyang isinasara ang pinto kaya nagawa pa netong silipin ako sa loob.


"Ano pang hinihintay mo dyan mads?" si bea. "Tara na."


Biglang napunit ang labe ko sa pagngiti. Di na ko nagtanong pa sa kanya. Dali dali akong lumabas na rin ng sasakyan.


Hindi na ko nag aksaya pa ng oras, hinila ko sya kung san san. Nagtry din kameng sumakay ng mga rides, kahit natanggi si bea ay di ako tumigil na pilitin sya hanggang sa pumayag na lang dahil sa kakakulit ko or ginagamitan ko sya ng pagddrama ko. Effective naman eh.😜😊


"Ano?" ako ng makaupo kame sa isang bench dito. Katatapos lang namen sumakay sa roller coaster. "Di ba sabe ko naman sayo na mag eenjoy ka."


Nilingon ko sya sa tabe ko at natawa ako dahil di maipinta ang mukha neto. Parang masusuka pa nga eh. 😂😂😂


"Anong mukha yan?" tas natawa na kong tuluyan.


Nilingon din ako ni bea at sinamaan ng tingin. "Sige tawa pa." tas inirapan ako. "Sabe ko naman sayo na ayokong sumakay sa roller coaster."


"Pero sumakay ka pa rin." ako at nginitian ko lang.


"Duh...Pano ako di sasakay eh hinila mo kaya ako." si bea.


"Nagpahila ka naman." sagot ko sa kanya.


"Pini pilit mo kaya ako." sagot naman ni bea sa kin.


"Okay. Sige na." pagtatapos ko ng usapan namen ng damulag na to. "Para di ka na mabadtrip sa kin....." tumayo ako at humarap sa kanya. "Tara. Kain tayo."


"Tingin mo makakakain ako ngayon?" si bea.


"Ang sungiiiiittt!" ako.



















"Oh okay na ba yan?" tanong ko sa kanya.


Tulad ng sabe ni bea kanina hindi nga naman sya makakakain ng maayos. Kaya naisip kong mag ice cream na lang kame, saka maapula ng maaga ang nag sisimula ng maginit ng ulo ang damulag na to.


Hindi kumibo ito, panay lang ang kain ng ice cream neto. At sa tingin ko, success yung naisip ko. Hindi man sya kumibo, ramdam kong lumalamig na ang ulo neto.


"Nag bago ka no?" wala sa loob kong naitanong sa kanya.


"Hmm?" si bea at nilingon ako.


Nilingon ko din sya. "Nag iba ka. Hindi ka na tulad ng dati."


Natawa ng onte ito. "Ang issue mo no?" at napailing iling ito.


"Alam mo bang nakiusap sa kin si tita det...." sa tinuran kong yun ay nakita ko sa peripheral view ko ang muling pag lingon nya sa kin. Nagpatuloy lang ako. "Nag aalala na masyado si tita sa mga nakikita nyang pagbabago sayo. Kaya nga di ako nagdalawang isip na bumalik dito kase gusto kitang tulungan."


"I knew it!" si bea. "Si mommy talaga." nailing pa.



"Nag aalala lang si tita sayo." depensa ko kay tita det. "Nag iba ka na raw eh. And tama nga si tita, may nag iba sayo."



"Okay lang ako." tipid na sagot ni bea sa kin.



"No. Hindi ka okay, bei." mabilis at maingat kong sagot. "May iniinda ka."


"Wala akong sakit, mads." sagot naman nyang ulit sa kin. 


"Meron." mabilis kong pag salungat sa kanya. "May masakit sayo...."


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now