82 (beaddie moments)

Start from the beginning
                                    

"Eh sa gusto ko eh." mataray kong sagot. "Saka wala ngayon si mama at yung kapatid ko sa min. Pupunta daw sila sa cdo." semi pagsisinungaling ko.


Totoo ring aalis talaga ang buong family pa cagayan de oro pero next week pa yun. At ginive up ko yun para nga sa babaeng to.


"Sige na kase, samahan mo lang ako." balik ko sa topic talaga namen.


Nakatitig sya sa kin. Inaarok kung nagsasabe ba ako ng totoo. Kaya kahit naiilang ako na makipag titigan sa kanya eh ginawa ko. Kahit feeling ko nalulusaw ako sa mga tingin nyang yun sa kin.


Para di masyadong halatang ilang ako eh nag puppy eyes ako sa kanya at nag make face pa sa harapan nya.


"Mag eenjoy ka rin for sure." dagdag ko.


Napabuntong hininga si bea at tumayo. Sinundan ko lang sya ng tingin, tumungo sya sa bathroom nya.


"Bei---"


"Stop." putol sa kin ni bea. Nilingon nya ko. "Eto na nga oh, maliligo na ko. Para masamahan ka na po."


























"Lets go." excited kong sabe sa kanya. At saka bumaba sa sasakyan nya.


Ilang segundo din akong nakatayo na sa labas pero di pa rin bumababa sa kotse nya si bea. Kaya umikot ako at kinatok ang salamin neto. Binaba naman ni bea ang salamin.


Sumungaw ako. "Tara na." aya ko sa kanya.


"Kala ko naman sa mall lang tayo." si bea.


"Naisip ko kase na wala tayong masyadong magagawa pag sa mall tayo gagala kaya naisip ko...." naeexcite kong ani. "Sa amusement park na lang tayo para mas masayaaaaa..."


Nilingon ako ni bea at binigyan ako ng poker face look.


Unti unting nawala ang pagkakangiti ko. "Ayaw mo?"


"Mads ang init." si bea.


Past 10 am na ng makarating  kame dito sa enchanted kingdom.  Mataas na ang araw at tirik na tirik na to. Knowing bea, ayaw na ayaw netong nabibilad sa arawan. Madali itong mairita.


"Alam mo minsan, kelangan mong magpa araw." ako. "Hindi rin kaya maganda yung lage mong tinataguan si haring araw ah. Tingnan mo nga balat mo, hindi ka na maituturing maputi talaga, maputla ka na."


Hindi kumibo si bea at tumingin na lang sa ibang direksyon.


"Okay. Sabe ko nga." at napabuntong hininga ako.


Mukhang di ko mapipilit si bea kaya umikot ako hanggang sa driver seat ng sasakyan nya. Malungkot akong sumakay muli, nagseatbelt na ko at bubuhayin ko na sana ang makina ng kotse ng magsalita si bea.


"Anong ginagawa mo?" si bea.


"Eh di magsstart ng makina at aalis na." nilingon ko sya saglit at muling itinuon sa pag on ng makina ng sasakyan.


Mabilis na kinuha ni bea ang susi sa kin. Napakunot noo naman ako sa ginawang yun mg babaeng ito. Nakatingin lang ako ngayon sa kanya na seryosong nakatingin ng diretso sa harapan ng sasakyan.


Gusto kong basahin ang nasa utak neto pero di ko sya mabasa talaga. Maya maya ay may kinuha sya sa harapan nya. Pinagmamasdan ko lang sya sa mga ginagawa nya, hanggang sa makuha nya ang sunglasses at isinuot agad.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now