"Anong bang ginagawa mo rito? Mag-a-alas diyes na, a."

Nagpalinga-linga ito sa paligid niya. "Hmm. Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa'yo na birthday ni Daddy sa Saturday. And may party na magaganap sa bahay."

"Diyos ko naman, Khai. Pwede mo namang sabihin sa'kin 'yan bukas. O kaya i-text mo na lang."

Tinaasan siya nito ng kilay pero hindi sa paraang nagmamaldita ito. "Bakit ba?" Lumabi ito. "Eh, sa bored ako sa bahay,e." hinubad naman nito ang sapatos pagkatapos humiga sa kama niya.

"So, okay lang na istorbohin mo ang tulog ko?" yamot niyang sabi. Namaywang siya sa harap nito.

"I'm sorry, okay? Tsaka, I want to sleep here!" excited pa nitong sabi.

"No!" hiyaw niya na ikinawala ng ngiti nito.

Iisipin pa lang niyang dito ito matutulog, paano makakalabas si Marcos?

"Bakit ba? Sanay naman akong matulog dito, a?" Napaupo ito sa kama niya.

Nahilot niya ang sentido. "Oo, alam ko. Pero Khai, please 'wag muna ngayon. Sobrang pagod ako kailangan kong magpahinga." arte niya.

"Hindi naman kita kukulitin,e. Tsaka, what's that smell?" sumisinghot-singhot pa ito na parang aso.

Nanlaki ang mga mata niya. Lumapit pa siya sa kaibigan. Magaan niya itong hinawakan sa braso at pinatayo. "Alis na, Khai, please. Gusto ko na matulog. Kahit sabihin mong hindi mo ko kukulitin, alam kong hindi mangyayari 'yun. Gusto kong matulog ng walang istorbo ngayon, please?"

Tumalima naman ito. "Fine." nakasimangot nitong sabi. "Pero pa-Cr muna. Naiihi ako." akma itong tatakbo sa Cr ng pigilan niya ito sa siko.

"Hindi!" maagap niyang sabi.

Nalukot ang mukha nito. "What? Pati Cr ibabawal mo sa'kin?"

Alam niyang kabastusan na itaboy agad ito ngunit wala na siyang pagpipilian.

Binitawan niya ang siko nito at nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Hindi sa gano'n, okay? Sa inyo ka na mag-banyo."

Tiim siya nitong tinitigan. "Hoy, Natasha Gail! Wala ka namang itinatago, hindi ba?"

Natigilan siya. "A-ano namang itatago ko?"

"Malay ko. Besides, common itong boardinghouse niyo. Baka may itinatago kang lalaki!" dinuro pa siya nito.

Kunwari'y nagpakita siya ng inis sa kaibigan. "Khai, ano ba?!"

Itinaas nito ang kamay na waring sumsuko. "Okay. Okay. Fine. Aalis na po."

Sinuot na nito ang sapatos na hinubad. Pagkatapos ay inihatid niya ito palabas hanggang sa hagdan.

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang pababa na ito ng hagdanan. Dali-dali siyang umakyat papuntang kwarto niya at binuksan ang pinto ng banyo.

Napatili siya ng hilain siya ni Marcos papasok. Isinandal siya nito sa pader. Hindi pa man siya nakapagsalita ay hinatak na nito ang batok niya at mapusok na ginawaran ng halik sa kanyang labi.

Namigat naman ang mga talukap niya at pinikit ang mga mata. Napakapit siya sa hubad na balikat nito habang mainit silang nagpalitan ng halik. Paminsan-minsan ay napapa-umgol siya kapag masyadong malalim ang halik nito. Ang isang kamay nito ay nasa kanyang batok at ang isa ay nasa pang-upo niya, lumalamas.

"Marcos." sambit niya ng hubarin nito ang mga suot niya. Una ay ang makapal niyang T-shirt pagkatapos ay isinunod nito ang pajama niya.

Kapagkuwan tinamnan siya nito ng maliliit na halik sa kanyang leeg. Walang anu-ano'y pinangko siya nito. Pinaupo siya sa lababong naroon.

RODEO UNO: MARCOS SIMON EVANGELISTA (The Enigmatic Professor) - On GoingWhere stories live. Discover now