Napatingin ako sa mga lalaki na nakatingin pa sa taas kaya binato ko sila ng unan mabuti naman umayos sila. Napatingin ako ulit kay Trev na ngayon ay nasa harap ko na.

"Bakit ba?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Aba- demonyo, hindi mo ako matatalo! Tinaasan ko din siya ng kilay. Akala mo ikaw lang? Hmpph.

"Hindi nga kasi maganda kung sinisigawan mo sila.", sabay tingin niya sa stik-o na nasa maliit na mesa sa sala.

"Hoy- demonyo ka! Akin 'yang stik-o!"

Kinuha niya kasi ang stik-o ko at kinain kaya naman pilit ko 'tong kinukuha pero pinapataas niya lalo! Demonyo! Gusto ko siyang gawing taong yelo pero naalala kong Master ko pala ang demonyong ito kaya wag na lang.

"Demonyo ka talaga! Ba't mo inubos!?", sabi ko at napatingin sa platong wala ng laman.

HUWAAA! ANG BABY STIK-O KOOOO!

"#lq_ng_KrysTrev."

"Away mag-asawa! Alis na tayo dito, pars!"

"Langya 'to, bruh! Naunahan tayo ni Trev magka-lablayp!"

"Sweet niyo!"

"Makipagbati kana kasi kay Yejie!"

"KrysTrev FTW!"

"I see love~ I see love around me~ from a river to a flood~"

Napatingin kaming dalawa sa kanila.

-_____-

Kalahi sila ni Rev, 'no? Parehong mga demonyo ampupu. Psh. Wala kang mapapala kapag pinatulan mo sila Kryst! Kalma ka lang.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Seriously? Hintayin niyo na lang kaya nga kapares niyo, ano?", blankong sabi ko kaya naman mahina silang natawa.

Seriously anong nakakatawa?

"Ahem-"

Napatingin kami sa taas at nakita si Jing.

O_O

Bakit ba ang ganda niya? Syempre, kapatid ko 'yan eh! Hoooo! Go, sistah! Alabyu to the moon and back!

Napatulala kaming lahat sa kanya pero kj si Rev kaya winawagayway niya ang kamay niya sa harap ko. Masama ko siyang tinignan. Anong problema mo, demonyo ka!?

"Mikee~ andyan na pakner mo!"

"MiJie is sailing!"

"Winter Queen ka nanaman, Jie!"

"Bakit ba ang tagal ni Zee? Ang hirap ba magmukhang tao? Ish!"

Imbes na pagsalitaan ko pa si Rev ay tumingin na lang ako sa mga susunod na bababa.

Sunod ay si Zee na nakataas ang kilay kay Chase. Ay, mga demonyo. Infairness, mukhang tao na si Zee!

\(^O^)/ \(^O^)/ YAY!

"Woo! Zeeara, mukha kang ng tao! Yie! #Kilig_pwet_mo!"

Natatawa ako habang sinasabi sa kanya 'yun pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Napatingin ulit ako sa taas nang makapunta na si Zee kay Chase. Ish. Syempre, hampasan nanaman ito.

"Nikeeeee! Ang ganda mo! Notis me, krass!"

Napatingin kami kay Kyo na sinasabi 'yon habang naglalakad pababa si Nike. Maganda naman talaga si Nike ih! Frens kong nga demonyo talaga, ang ganda nila pero ako talaga ang pinakamaganda! NYAHAHAHAH!

Tsaka bumaba na si Tori at last naman si Syne. Of all the girls here, si Syne ang nag stand-out para sa akin. No offense, Jing. Pero si Syne muna ang star tonight <3

Reaper Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें