“Ano bang gusto mong palabasin ha?” Seryoso ngunit may kapilyuhang sabi nya. Shit talaga! Nanginginig ako sa pinaggagagawa ng Storm na ‘to eh!

“AAng gusto ko lang, ppalabasin mo na aako.” I was stuttering, oh my gosh!

 

“Sorry, but sorry.” He said huskily. Nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko siyang palapit nanaman sa ‘kin.

 

“Hohoy teka! Ano, tteka?!” Hindi  ko mabigkas ang gusto kong sabihin dahil nilalamon ako ng tensiyon ko. Paking tape naman talaga oh! Bakit ba nakakatense si Storm?

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at sapilitan nya akong kinaladkad paupo sa couch na kanina lang ay inuupuan nya, at saka nya ako kinulong sa mga bisig nya. Tinitigan nya ako ng matagal, matagal na matagal. Hindi ko alam, pero parang may gusto siyang sabihin pero hindi nya lang masabi.

“Kapag may ginawa kang hindi maganda sasapakin talaga kita” Nangangatog ang kamay ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon maging ang boses ko ay nangangatog din.

Hindi ko alam, siguro nakakakaba lang talaga kapag nasa harapan mo mismo ang campus hottie na mahal ng lahat na EX mo na ngayon. Siguro nakakakaba lang talaga kapag konting agwat na lang ang pagitan ng mga labi nyong dalawa. Siguro nakakakaba lang talaga kapag nasa malapit na ‘yung taong gusto mong nasa malapit lang sa ‘yo. Siguro gano’n nga.

Mas inilapit nya pa lalo ang mukha nya kaya napasandal ako sa sandalan ng couch, halos nakahiga na ako do’n habang si Storm naman halos daganan na ako. Gustuhin ko mang kumawala, hindi ko magawa dahil nakaharang sa magkabilang gilid ko ang mga kamay nya.

“Storm, promise. Sasakalin talaga kita kapag hindi ka pa umalis sa harap ko.” Banta ko. Nasu-suffocate na kasi talaga ako sa presensiya nya. Ang guwapo kasi talaga eh! Putek!

Hindi siya sumagot, at parang wala talaga yata siyang balak sumagot dahil kahit anong sabihin ko wala siyang reaksiyon na pinapakita. Si Storm nga talaga siya. Si Storm na mahirap basahin ang nasa isip.

Tatahimik na sana ako at hindi na sana muling magsasalita pa, kaya lang si Stom na loko loko may ginawa nanamang nakapagpataas ng balahibo ko! Tumabi ba naman sa akin at saka ipinatong ang ulo nya sa lap ko! Loko loko talaga! Ano ba kasi ang gusto ng lalaking ‘to?

“Storm ano nanaman bang binabalak m?!” He cut my words by his words.

“I want to confess” Sabi nya habang nakapikit. Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko, may importante siyang sasabihin.

“There’s something in you that makes me so crazily attracted to you”

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, at pakiramdam ko bumalik ang lahat sa amin. Pakiramdam ko bumalik kaming muli sa simula, sa simula kung saan magulo kami pero maayos pa ang lahat. Naalala ko bigla ang kahapon, ang nakaraan naming dalawa. Nung mga panahong halos patayin ko na siya sa utak ko, nung mga panahong kinamumuhian ko siya. Naalala ko bigla nung unang beses nya akong hinaikan sa kwarto ko, nung pareho kaming hindi makatulog dahil nasa iisang kwarto kami, nung inaaasar nya ako at napipikon ako, nung inaaway ko siya at sinisigawan, naaalala ko lahat. Pati ang paghiga nya sa lap ko dati nung hindi siya makauwi sa kanila dahil may bagyo, pati ang pangaasar nya sa ‘kin ng flat chested tandang tanda ko pa.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now