"Tanggap kong fiancé mo na si Grant, kahit na ang tangina ng balitang iyan. Kaso alam kong mahal mo talaga siya simula bata pa lang. Kaya sige, susuportahan kita. Doon ka kasi masaya. Gagawin mo talaga ang lahat para sa kanya, alam ko 'yon. Mas una mo siyang minahal kaysa kay Xyrene.

"Hanggang sa dumating sa puntong naging sila na ni Xyrene, ang kakambal mo. Dahil nga tanga ka, naunahan ka niya. Alam kong alam mo na si Xyrene ang nagbigay ng motibo sa kanya, kung ginawa mo rin sana iyon baka ikaw pa ang niligawan niya at hindi si Xy. Dahil nga tanga ka, pinagtawanan lang kita."

Natahimik siya saglit. Humugot nang malalalim na hininga. Ang kaninang pagsigaw niya, ngayon garalgal na ang boses. Napakagat-labi ako at muling pumikit. Ayokong makita ang expression ng kanyang mukha.

"Pero nang malaman ko ang ginawa niya sa 'yo, hindi kita magawang pagtawanan," pagpapatuloy niya at gan'on na lang ang kabog ng dibdib ko. Kahit na gustuhin ko mang ilihim ang bagay na 'yon, malalaman at malalaman niya. Alam niya 'pag may problema ako. "Dahil gusto kong umiyak, Xhai. Tangina! Gusto kong pumatay..." Narinig ko ang pagsinghot niya. Napadilat ako't napatingin sa kanya. Basang-basa na ang kanyang mukha. Hindi ko na rin napigilan ang mapahikbi.

"Bakit? Hanggang kailan ka magpapakatanga para sa kanya, Xhai? Alam mo namang wala kang pag-asa, 'di ba? Dahil hindi gagawin ng taong nagmamahal ang kababuyang ginawa niya. Nakakagago! Tangina niya. Sa oras na magpakita siya... papatayin ko talaga siya. Xhai, please, give up already—"

"Gel—"

"Tama na! I can't support you anymore. Stop being foolish. You've hurt yourself too much."

"N-no, Gel—"

"Kung hindi ka talaga titigil ako ang magpapatigil sa 'yo—"

"Ano ba, Angel!" sigaw ko. "Tumigil ka na—"

"Ikaw ang tumigil, Xhaiden! Mahal mo ba talaga si Grant?" malakas na sigaw niya.

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng klaseng tanong 'yan?"

"Oo nga naman." Tumawa siya nang pagak. "Bakit pa ako nagtatanong. Alam ko naman ang sagot." Bumuntong-hininga siya. "Pero may mali. Kaya mo ba siya hindi kayang iwan dahil kay Xyrene. Sa nangyari—"

"No! Don't use that as an excuse. I love Grant. Okay?" Nanggagalaiti ako. Ba't ba hindi niya ako kayang intindihin?

"Fine! If you can't leave him, ako ang iiwan sa 'yo!" bakas sa boses niya ang kaseryosohan. Naikuyom ko ang mga palad. Hindi nakaimik. Napatitig lang sa kanya nang kunot ang noo. "Okay, alam ko namang si Grant ang pipiliin mo." Tumayo siya't tinalikuran ako.

Seryoso talaga siya? Iiwan niya ako?

Naglakad siya palapit sa pinto. Napahawak sa ulo niya't umiling. Nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto kasabay nang pag-upo ko sa sahig.

Bakit ang lupit sa 'kin ng mundo?

Ilang sandali ang lumipas, narinig kong muling bumukas ang pinto. May yumakap sa 'kin nang napakahigpit. "As much as I want to leave you, I can't. Alam kong tanga ka kaya kapag nawala ako, paano ka na lang?" Hinimas ni Angel ang likod ko sabay bulong ng, "I'm sorry, ang tanga mo kasi, eh." Hindi ako sumagot. Ginantihan ko na lang siya ng yakap.

"Hindi ako bumalik para muli kang suportahan sa kagagahan mo. My decision is final. Kaya mag-empake ka na," maya-maya ay sabi niya nang mahimasmasan na kaming dalawa.

"A-ano?"

"Sa 'kin ka muna titira. Mga dalawa o tatlong araw lang."

"Bakit?"

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now