Aim 38 "2nd battle Royale "

199 20 10
                                    


RoS Online World


"Ang tagal mo!" Singhal agad ng lalaking nakapamewang na nakatayo sa harapan ng spawning area. Tch! Sinabi ko bang hintayin nya ako, excited nya masyado.

"Hindi pa naman nag-sisimula Eh," Sabi ko at hinawakan nya naman yung kamay ko pero hinayaan ko nalang. Kaya naka holding na kami ngayon habang naglalakad.

"Hindi pa nga, pero naghihintay Kasi ako," mahinahong Sabi pa nito kaya napangiti ako.

"Sa susunod wag mo na akong hintayin, para di ka mainip." Bahid sa boses ko ang pag-kaasar pero pinagtri-tripan ko lang talaga sya.

"Luh! Ui babe sorry na, pramiss di na ako maiinip" natatarantang Sabi pa nito nang mapansin nyang naiinis ako.

"Hindi wag na, satingin ko nasasayang ko lang oras mo," I said. Kaya mas lalo syang nataranta, tinanggal ko pa ang kamay ko sa kanya para mas lalong bumenta ang pag-iinarte ko. Pero hinigpitan nya lang ito masyado.

"Binibiro lang kita, next time promise di na mauulit," Panunuyo pa nito, halata talaga sa pagmumukha nya na nagmamaka-awa sya. Kaya di ko na napigilan ang matawa, mas lalo lang syang gumagwapo sa paningin ko. Urgh! This guy.

"Ok, fine" at kinurot ko ang cheeks nya. At Napa Buntong hininga naman sya na para bang nabunutan ng tinik, grabe ganon ba talaga sya ka inlababo saakin? I can't imagine."Tara!" Yaya ko pa sakanya at tahihimik naman itong sumunod sa'akin habang nakahawak kamay.

Huminto kami sa harap ng Igloo ko at agad na pumasok. Nakita ko ang nakakalokong pagtingin nito saakin. Dahilan para magtaka ako pero di ko nalang pinansin,  nang marating ko ang kwarto ko ay dun na sya nagsalita.

"Ohh, your too Fast-- I like it" At kumindat pa ito saakin at taka akong nilibot ang lugar at napagtanto kong iba ang iniisip nito. Kaya pinalo ko nga.

"Landi!" Sigaw ko pero natawa lang ito kaya lumundag na ako sa kama at nahiga at sya naman ay naupo.

Inikot nya muna ng tingin ang kabouhan ng kwarto ko tsaka sya tumingin saakin at nasalita.

"Stress?" Tanong nya dahilan para mapatango ako. Sa totoo naman kasi . This past few days maraming nakakalokang nangyari sa buhay ko.

"Sino naman pinoproblema mo?" Grabe may tinutukoy agad, di pwedeng bagay yung pino problema ko pero tama naman sya tao nga naman talaga Ang  problema ko.

"Yung panget naming leader sa MathSCi challenge, lagi nya nalang ako inaasar. Bipolar din Yun eh" Asar na wika ko pa at napatigil nalang ng mapagtanto kung seloso pala tung kasama ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Sure ka panget sya?" Tanong nito kaya napaamang ako.

"Ah--eh Oo gwapo sya,  kaso bipolar." Sagot ko pero pagtingin ko sa kanya nakangiti na ito. Tch! Baliw. Isa rin to eh BIPOLAR.

A text box appeared in front of me.

"The game is about to start in 5 munites all players who received this message must gather in the main temple, asap! Thank you"

"Naka recieve ka?" Tanong nito sa'akin kaya napatango ako.

"Tara na" yaya ko sa kanya sa labas at akmang tatayo na ng pigilan ako nito.

"Wait! Magpalit muna tayo ng damit, ito oh!" Sabi nya sabay abot saakin ng isang damit. Isa syang Venus Dress na Black, Backless ito Kaya makikita ang likod ko na walang saplot at may mga gold na lining at design ito na hanggang tuhod isa ito sa  mga nagandahan kong supreme supply sa store, waahh. Exclusive to ah!

 Rules Of Survival Online (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ