Aim 34 "Medic Girl"

193 19 3
                                    

"Takbo!" He shout. Kaya napatakbo naman ako, he even holding my hands pero di ko nalang pinansin.

Baliw kasi tong lokong to napiling pagdiskitahan ang legendary Mob dito sa South Forest, actually isa itong water dragon and yes it was the same mob na nakita namin ni Sakura nung papunta kami sa mermaid forest.

Sabi nya kapag natalo daw namin tong Mob na to paniguradong makakakuha kami ng rare item tsaka malaking ExP para sa pagpapa level namin. And I really wish for that, pero mukhang mahihirapan kami nito.

"Ikaw baliw ka talaga! Sabi ko sayo mahirap yan eh!" I exclaimed habang tumatakbo parin kami at ang dragon ay patuloy lang sa pag habol sa amin.

"Wag ka ngang mag reklamo! Ikaw na nga tung tinutulungan eh!" He shout back dahilan para matawa ako,simula talaga nung naging kami sa laro, he never shout at me bagkus ay he always give me the sweetness he have and it's irritating honestly. I want him to be himself if he was with me. Kaya masaya ako ngayon dahil mukhang bumabalik na sya, kailangan lang pala inisin.

"Hoy panget! Maghiwalay tayo!" I yelled at him and I was shock dahil binuhat nya ako at dinala sa isang kweba.  And he put me in the top of the rock in front of us. Na para bang ang gaan gaan ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ayokong makipag hiwalay sayo," he said seriously kaya di ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko. " I'm sorry kung sinigawan kita kanina I don't meant it promise!  it just that...just tha--- aray naman babe, sadista ka talaga." Reklamo nya pa kaya binatukan ko nga baliw e.

"Anong pinagsasabi mo?" I said and trying my self to calm down.

"Sabi mo makikipaghiwalay ka eh!" He exclaimed.

"Eh bakit ka sumisigaw?!" I yelled back. Dahilan para mapayuko sya at magalabas ng buntong hininga and I can see na parang nahihiya sya. Luh anong meron.

"A-ayaw ko kasing makipaghiwalay sayo," he said. Pero napataas ang kilay nito ng bigla akong tumawa ng malakas.

"Sinong nagsabi na makikipag-hiwalay ako sayo?" I asked pero natatawa parin his face was epic.

"Y-you?" He said unsure about his words.

"Luh, Wala akong sinabi ang sabi ko lang maghiwalay tay--" I pause at napaisip, oh baliw ka talaga lara for sure na mis interpret nya yung sinabi mo, urgh! I need to read books for best choice of words in a çonversation.

"Sorry yelo ha, what I mean sa sinabi ko kanina na maghiwalay, it's not about our relationship ang ibig kong sabihin dun ay maghiwalay tayo para malito Ang Mob," I explained. At mukha naman syang nabunutan ng tinik. He even act relieved.

"So di ka galit dahil sinigawan kita kanina.?" He asked full of hope.

"Nope, actually I want you to be true to yourself, be yourself, kasi mas gusto ko yung ikaw" And I feel that I'm turning red again habang sinasabi ko yun and when I looked at him he look stunned, pero Maya maya lang ay ngumisi ito ng nakakloko.

"So.. was that mean--na miss mo ang dating ako?" He asked teasingly.

"Huh? Feeling mo! Wala akong sinabing ganoon." I exclaimed.

"Whatever babe!" He said at hinila ulit ako palabas and then I saw the dragon na ngayon ay palinga linga sa paligid. Kaya huminto kami.

"Sige I stick to your plan. Maghiwalay muna tayo pero promise me na magiging tayo ulit" He said at kumindat pa saakin.  Feeling ko namumula na naman ako at nakaramdam ako ng kunting kilig? Kunting kilig lang ba talaga? I don't know pero ang bilis makatibok tung puso ko eh.

"Hoy babe! Wag ka ngang tulala dyan. I know that I'm handsome pero uunahin muna natin to para makapag-level ka." And he holds my hand at hinalikan ito at tumakbo na sya sa left kaya ako naman ay nabalik sa ulirat. Grabe ang lakas na siguro ng Tama ko sa kanya.

 Rules Of Survival Online (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon