Aim 2"ROS Game"

825 54 19
                                    

"Lara! Anak! Gising na" sigaw ni mama sa labas ng pinto ko habang marahang itong kinakatok. Kaya napakamot nalang ako sa ulo ko habang nag u-unat ng katawan ko.

"Andyan na po!" Sigaw ko rin pabalik kaya nahinto na sya sa pagkatok."Anak bilisan mo dyan hinihintay ka na ni Jace kanina pa." Kaya nagtaka naman akong napatingin sa pinto.

Anong araw ba ngayon? Kamot ko sa ulo at sinulyapan ang kalendaryo sa side table ko. Oh no! Kaya dali dali akong lumabas at sinulyapan ang wall clock sa kwarto ko.

At naabutan ko si Jace na prenting nakaupo sa sofa ng bahay namin. Tung batang to talaga.

"Oh 6:50 palang naman ah" bungad ko sa kanya. Habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Ang sabi ko 7am tayo gagayak hindi dadating sa bahay nyo. Bespren naman eh!" Reklamo nya pa kaya napailing nalang ako. Excited talaga tong mokong na to  sa larong iyon.

"Oo na po, bibilisan na" sagot ko nalang.

"Aba! Dapat lang naman kasi sa pagkakaalam ko may malapit dito sa atin na Game store at 500 copies ang meron sila since 5,000 copies ang na distribute dito sa Pinas." Dada nya pa pero di ko na sya pinansin at dumiretso na sa banyo at naligo. Nangongonsenya na naman tong palakang to eh.

                             ✡✡✡

Pagdating namin sa game shop nato grabe na ang naabutan naming pila sa sobrang haba. Pasalamat nga kami na may covered walk dito kaya di kami naiinitan. At ang masaya pa dun ay 1pm pa kami e-entertain ng game shop since inaayos pa.

"Grabe ang haba na bespren!" Sigaw pa nya kaya tinanguan ko nalang sya. Well 'di ko sya masisisi kasi boung byahe namin ang ROS lang ang bukang bibig nya. And I think ,for sure napanaginipan narin nya ang larong to sa sobrang pagka game freak nya. Ugh!

"Kung hindi sana tayo na late sana mas maaga pa tayo ngayon."pangongonsensya na naman nya kaya binatukan ko na sya kanina pa eh. Baliw na bata.

"Aray naman bespren, Ang sakit Kaya" kamot kamot pa nito sa ulo nya kung saan ko sya nabatukan.

"Eh kanina ka pa eh!" Pero natawa lang sya. Baliw na bata sana matuluyan ka. 'di joke lang. Baka pag nagpalibre ako tatawanan Lang ako eh. Haha.

Pumila na agad si kami ni jace nang may babaeng nagtanong saamin.

"Nakapila po ba kayo?" Tanong ng babae sa amin pero Jace na Ang sumagot.

"Ako lang po ang bibili pero kasama ko po syang bibili" ano daw? Lokong batang to talaga. Ang tanong sa kanya kung nakapila ba pero Ang sagot ay bibili? Baliw. Kaya tinignan ko nalang ulit ang babae. At nakangiti na ito ngayon. At may sinabi sya na talagang nagpatayo ng balahibo ko 'grr.

"Bagay po kayo" at natawa pa ito na parang kinikilig. Langya si Jace at ako? Nah nevermind magkapatid lang turing namin sa isat isa . Kaya never in my dead body na magkakatuluyan kami ni Jace.

Well di ko naman sya masisisi gwapo naman talaga si jace baliw nga lang.

At natawa lang naman ang loko sa tabi ko at napahawak pa to sa tyan nya. At umakto npa na parang nasusuka Ew. Ang O.A.

Kahit kailan talaga mas malala tong lalaking to sa akin.

"Ah, tatakan ko lang po kayo para maiwasan natin ang siksikan" at tinatakan nga nya si Jace na ngayon ay pang 482 na makaka avail ng copy at nakaabot nga ang loko.

Kaya mas lalo syang na excite dahil naka abot sya sa makakaavail. Kapag na sold out kasi ang mga copies dito sa pilipinas nung ROS ay next week pa ulit magkaka-restock. Inaasan nila na mauubos agad ang mga kopya rito in just a day. 

Dahil sa likas na madaldal ang bespren ko. Ang dami nyang sinabi tungkol sa kung gano sya kagaling sa
Ros nung naglalaro pa sya sa PC. Kahit kailan talaga pag sa laro ang tali-talino at ang galing galing pero pag dating sa klase palaging pasang awa. Kaya napabuntong hininga nalang ako.

Napakahaba ng pila rito samantalang
Alas otso palang ng umaga at mamayang ala-una pa ng tanghali ang bukas ng game store na to.

Alas cuatro ng hapon ng makabili si Jace ng Rules of survival Vrmmorpg version. Hindi mawala  ang ngiti kanyang  mukha habang pinagmamasdan ang larong noon ay pinapangarap lang nya at ngayon ay nasa napasakamay na nya ang ini excite nya.

"Shit I'll definitely play this game tonight! Lara salamat sa pagsama ha!" Inakbayan nya ako at ginulo ang buhok ko.

"Jace ano ba? Ang bigat ng kamay mo  and one more thing diba sinamahan kita dahil ililibre mo ako!" Pangwestyon ko pa sa kanya kaya natawa nalang sya.

Dinala nya ako sa mall at pumunta sa 'DD' Dunkin donuts at umorder ng isang box. Kaya nagning ning naman Ang mata ko. I really love donuts. Yum. Nagutom ako bigla kaya pina order ko pa sya ng isang box na kakainin namin sa daan at ang isa naman ay para na sa bahay. Worth it din naman pala ang pagsama ko kay Jace.

Well Wala syang magagawa dahil malakas ako sa kanya given ng bespren kami at gusto nya rin naman.

Pagdating ko sa bahay nagmano muna ako kay papa at mama na saktong naghahanda na ng hapunan.

"Ginabi ka yata ngayon?" Tanung ni papa, as always, Ang strict ni papa.

"Sinamahan ko po si Jace sa pagbili nung game sa game store yung sikat na game na madalas pong binabalita" Pagpapaalam ko kay papa. Kampante naman si papa kapag si Jace ang kasama ko. Dahil kilala ni papa Ang mga magulang ni Jace at kilala na rin nya si jace. Best friend ko si Jace at alam nya yun.

"Halika na at para makakain na" aya pa ni mama, kaya sumandok na ako ng kanin.

"Tingnan mo nalang ang box dun sa sala kung kasama dun yung hinihingi mo sa tita sylvia mo" and again nararamdaman kung nag twinkle twinkle nanaman Ang mga mata ko kaya binilisan kona ang pagkain at nang matapos dumeretso na ako sa sala.

At nakita ko nga dun ang balikbayan box na hinihintay ko.eiyy!.

Binuksan kuna ang box at agad na kinuha yung isang box ng sapatos na nike. Wow! Ang gondo ng Makita ko na Ang cover nito.

Pero ang pinagtataka ko ay meron pang isang box. At ito yung laro na binili ni Jace kanina.

Ang Rules of survival Virtual reality Game.

Pero di ko nalang pinansin at umakyat na sa taas. Iniwan ko nalang ang larong yun sa baba bukas ko nalang itatanong. At ibinagsak ko na ang katawan ko at dun ko naramdaman ang pagod sa katawan ko sa kakatayo boung araw para lang sa larong yun.

 Rules Of Survival Online (Complete)Where stories live. Discover now