Kabanata 3

0 0 0
                                    

Inunat ko ang aking braso at naramdaman ang pananakit nito. Nakatulog pala ako kagabi. Pinagmasdan ko ang nagawa kong scarf. Hindi pa ito tapos kaya't kailangan ko itong madaliin para maibigay ko mamaya. 8:07. Marami pa akong oras.

Pagkaraan ng ilang oras ay natapos ko na ang scarf. Inilagay ko ito sa isang box at tinalitan ng ribbon. Kinuha ko ang aking twalya at dumeretso na sa banyo upang maligo.

Pinagmasdan ko ang kulay puting dress nasa aking harapan. Bumalik sa akin ang mga masasayang ala-ala na iniwan ni lolo.

"Tori halika dito" sabi niya at sinenyasan akong maupo sa tabi niya. Ginawa ko ang sinabi niya at ngumiti.

"Bakit lolo?" pagtatanong ko.

"May regalo ako sayo" sabi niya at ngumiti. Naexcite naman ako sa regalong sinasabi niya. Sana ay libro o kaya naman ay bola. Nilabas niya ang isang bistidang puti. Simple lang ito pero magandang tignan. Kaagad ko itong kinuha at sinukat. Pinakita ko ito sa kanya at umikot-ikot. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpasalamat.

"I love you lolo" sabi ko at hinagkan siya.

"Mahal din kita apo"

Napangiti nalang ako ng mapait sa ala-alang iyon. Naaalala ko pa yung mga mata niyang nangniningning sa tuwa habang pinapakita ko sa kanya ang bistidang binigay niya sa akin. Hay. I miss you lolo.

Naglagay ako ng foundation at nilagyan ko rin ng mascara ang aking pilikmata. Pinahiran ko ng lip tint ang aking mga labi at tinignan ang aking itsura sa salamin. Good job Tori. Natutunan kong magmake up noon dahil kailangan sa trabaho ko sa bar. Wala akong maraming pera upang ipambili ng mga mamahaling make up kaya't pinagtsatsagaan ko nalang ang iilang nabili ko noon sa isang kilalang brand na may murang presyo.

Pagkatapos mag-ayos ay nagtungo ako sa bahay nila Adele. Napagkasunduan namin na sabay na kami pupunta sa hotel. Kumatok ako sa pintuan ng kanilang bahay. Bumungad sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay nanay niya.

"Hello po. Ako po si Tori, kaibigan po ni Adele" bati ko.

"Adele nandito na ang kaibigan mo" sigaw niya. Bumaling siya sa akin at inanyayahan akong pumasok sa bahay. Ngumiti ako at sumunod sa kaniya.

"Maupo ka muna iha. Gusto mo ba ng maiinom? Tubig? Juice?" alok niya.

"Hindi na po. Salamat po" magalang kong sabi.

Sakto naman ang paglabas ni Adele sa kanyang kwarto. Nakasuot siya ng kulay pink na sleeveless na dress. Tamang-tama ito sa contour ng kanyang katawan. Maganda rin ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Bumagay ang pearl na clip niya sa pagkakakulot nito. Ang kanyang mukha naman ay may kolorete at mas lalong nahighlight ang kanyang cheekbones.

"Sis! Ang ganda mo" sabi ko sa kanya. Para akong fan girl sa tono ng boses ko.

"Ano ka ba Tori! Hindi naman" sabi niya tsaka umaura. Natawa naman kami pareho sa ginawa niya. Sira talaga.

"Tara na nga" aya ko.

"Ma, alis na kami" paalam niya. Lumabas naman ang nanay niya sa kusina at lumapit sa amin.

"Una na po kami tita..." nag aalalangan kong paalam. Di ko alam kung anong pangalan niya. Di ko naman din natanong si Adele.

"Adriana" sabi niya.

"Sige na ma, aalis na kami babye" paalam ni Adele at hinatak ako palayo.

Namangha kami sa laki ng hotel na paggaganapan ng celebration ni Ma'am Amelia. Maganda ang mga furnitures dito at ang chandelier... breathtaking. Pagpasok namin ay kaagad naming nakita ang table ng mga staffs sa Victoria. Ibang iba kami sa mga tao dito sa loob ng bulwagan. Makikita mong mayayaman ang mga nandito base sa kanilang mga suot. Bigla akong nahiya para sa aking sarili. Hindi ako nababagay dito, kahit kailan ay hindi ako babagay sa mundong ito.

"Tori" narinig kong pagtawag sa akin. Lumingon ako para hanapin ang tumawag sakin ngunit sa dami ng tao ay hindi ko siya nakita.

Lumitaw naman sa harapan ko si sir Vince kasama ni Ethan at ng isang lalaking ngayon ko lang nakita. Hazel. Iyan ang kulay ng kanyang mga mata na natatakpan ng mahahaba niyang pilikmata. Makapal ang kanyang kilay pero hindi ito sabog, malinis ito. Matangos ang kanyang ilong at mayroong mapulang labi. Maganda ang korte ng kanyang panga. Perfect.

"Done checking me out?" tanong niya. Uminit ang pisngi ko sa hiya. Ano ba 'yan Tori nakakahiya ka!

"Huh"

"I said, are you done— wait you look familiar" sabi niya. Pinagmasdan niya ang mukha ko. Bigla tuloy akong naconscious sa itsura ko. Sana naman wala akong muta.

"Parang nakita na kita before" dugtong pa niya. Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakatingin niya sa akin. Dear lupa, eat me now!

Lahat kami ay nakaabang sa sasabihin niya.

"Saan bro?" tanong ni Ethan. Gaya ko ay naiinip na rin siya sa sasabihin nung lalaki.

"Right! Ikaw yung nakita kong nagtitinda ng shell sa dalampasigan" sabi niya. Pilit ko namang inaalala yung sinasabi niya. Hindi ko naman siya nakita nung nagtitinda ako. Tinitigan ko lang siya habang pinoproseso ang sinabi niya sa isip ko. Tumitig naman siya pabalik. Hindi ko tinanggal ang pagkatitig ko dahil umiral ang pagiging competitive ko at ganon din siya. Ilang sandali lang ay naluluha na ang kanyang mata. Yes, mukhang mananalo ako. Bingo!

Umirap naman siya.

"Diyan nagkatuluyan yung lolo at lola ko eh" pang-iinis ni Adele. Sumali naman sa pang-iinis si sir Vince at si Ethan.

"Ew" kumento ni Mr. Loser. Hindi ko alam pangalan niya eh bakit ba? Tutal talo naman siya sa staring contest namin.

"Wow maka-ew ka diyan! Kala mo naman kung sino kang gwapo" kumento ko. Sa totoo niyan, gwapo talaga siya kaso ugali naman naku!

"Gwapo naman talaga ako" pagmamayabang niya.

"Sino nagsabi? Mama mo?" pambabara ko. Umirap naman siya at hindi na ako pinansin.

Masaya ang birthday party ni Ma'am Amelia. Nakakaenjoy panuorin ang mga taong nagkakantahan at nagsasayawan. Ang ilang kasamahan ko ay nakisali sa sayawan at kahit ako na hindi magaling sa pagsayaw ay nakisali rin dahil pinilit ako ni Ethan at sir Vince.

"Maraming salamat sa pagsama sa akin sa pagcecelebrate ng kaarawan ko. Kung wala kayo ay hindi magiging ganito kasaya ang araw ko. Lalong lalo na sa mahal kong asawa, Albert, thankyou love" lumapit sa kanya ang lalaki at hinalikan siya. "At sa aking anak, Vince" sabi niya at ngumiti, lumapit din sa kanya si sir at hinalikan siya sa pisngi.

"Psst! Tori" tawag ni Adele.

"Bakit?"

"Parang kahawig mo si Sir Albert" puna niya. Tumingin naman ako sa sinasabi niya at napansing parehas kami ng mga mata.

"Ang layo 'no" sabi ko. Malabo naman kasi yung sinasabi ni Adele. Ako? Kahawig si sir Albert? Imposible.

"Oo nga tignan mong mabuti" sabi niya.

"Gutom lang yan Adele, kumuha ka nalang ng makakain" tumayo naman siya at sinunod ang sinabi ko. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang magandang pamilya ni Ma'am Amelia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing PieceWhere stories live. Discover now