Kabanata 1

1 0 0
                                    

Maaga akong naghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Pinaalam ko na kay mama na may summer job ako. Ngunit imbis na matuwa ay pinagsabihan pa niya ako.

"Ma, nakahanap po ako ng summer job doon sa may cafe sa bayan" sabi ko at bahagyang ngumiti. Nagpunas siya ng kamay at humarap sa akin.

"Buti naman at naisipan mong maghanap ng trabaho kaysa nakatunganga ka rito sa bahay" sarkastikong kumento niya. Dinaanan niya ako at iniwang mag isa sa kusina. Nabura ang ngiti sa aking mga labi at naramdaman ang pagtutubig ng aking mga mata. Pinalis ko ang ilang mga luhang tumutulo at inayos ang aking sarili. Hindi pa ako nasanay. Nagpatuloy nalang ako at pumasok na sa trabaho.

Pagdating ko sa cafe ay may ilang staff ang nauna sa akin. Nagwawalis sila at nag aayos ng mga gamit.

"Hi! Ako nga pala si Adele" bati sa akin ng isang staff. Tinignan ko naman siya at nginitan. Inabot ko ang aking kamay at nagpakilala.

"Tori"

Mabait si Adele at madaldal. 19 years old na siya at kumukuha ng kursong Architecture. Iskolar siya sa isang sikat na kolehiyo dito. Nagkakasundo kaming dalawa sa mga hilig namin. Isang bagay na ngayon ko lang naranasan. Ang may makasundo, ang magkaroon ng tinatawag na kaibigan. Sa totoo niyan, wala talaga akong kaibigan. Kahit nung high school ako. Sa tuwing susubukan kong makipagkaibigan wala namang nangyayari. Lumalayo lang sila sa akin dahil ayaw nila sa gulo, ayaw daw nila madamay sa galit sa akin ni Bianca na wala akong ideya kung saan nagmula.

"Ano ba 'yan ang aga aga chismisan nang chismisan" napalingon ako sa nagsalita. Sino ba to?

"Si Claire" bulong ni Adele. Kinwento niya sa akin na ganon daw talaga ang ugali ni Claire at kagaya niya ay 19 years old na ito. Tinignan ko naman si Claire at umirap siya sa amin. Problema nito.

Pinagmasdan ko ang mga taong pumapasok sa cafe at nag aantay ng magiging customer. Ilang sandali lang ay may pumasok na dalawang makisig na lalaki na mukang nagmula pa sa Gresya ang kagwapuhan. Napatitig ako sa isang lalaking kakapasok lang. Ang mga matang iyon. Pamilyar sa akin ang mga matang iyon. Parang nakita ko na, hindi ko matandaan. Napahawak nalang ako sa ulo ko nang makaramdam ng kirot dito.

"Miss okay ka lang?" tanong nung lalaking tinitignan ko kanina. Muli ko siyang tinignan at ganon din siya sa akin, kaagad kong iniwas ang aking tingin at umayos ng pagkakatayo.

"Uhm. Okay lang sir salamat" pamilyar sa akin ang mukha niya. Saan ko ba siya nakita? Pilit kong inaalala kung saan pero wala talaga.

"Ako nga pala si Vincent but you can call me Vince" ngumiti siya at naglahad ng kamay. Inabot ko naman ito at pilit na ngumiti.

"Tori" bulong ko, sakto lang para marinig niya. Biglang nag-iba ang kinang ng mga mata niya, parang naging malungkot na hindi ko maintindihan pero sandali lang ay bumalik ulit sa dati. Tumango siya at ngumiti. Sumenyas siya na pupunta na sa kasama niya at kumaway. Vince. Sandali parang pamilyar din sakin yung pangalan na iyon.

"Uy ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Adele. Tumango naman ako at ngumiti. Medyo masakit pa rin yung ulo ko pero ayoko namang intindihin pa niya ako. Siguro ay dala lang ng init ito.

"Sigurado ka ah"

"Oo, ayos lang ako" pagkukumpirma ko sa kanya. Ang sarap din pala sa pakiramdam na may nag-aalala sayo.

"Ang gwapo talaga nila 'no?" sabi niya. Tumingin ako sa kanya habang pinagmamasdan niya yung dalawang lalaking pumasok.

"Kilala mo ba sila?" tanong ko. Sa tingin ko ay kilala niya yung dalawa. Matagal na rin naman siyang nagtatrabaho dito.

"Oo. Yung lalaking nakausap mo, yun yung anak ni Maam Amelia, si sir Vince at yung naka asul naman si sir Ethan. Magkaibigan 'yang mga yan. Palagi ko sila nakikitang tumatambay dito" tuloy tuloy niyang kwento.

"Mga? Dalawa lang naman sila ah?" nagtataka kong tanong.

"Ah. Tatlo talaga silang magkakaibigan. Si sir Gio yung isa kaso nasa United States ata nagbabakasyon" kwento niya. Napaisip naman ako sa itsura nung Gio na sinasabi niya, katulad din kaya nung dalawang mukhang griyego?

"Siya ang pinakagwapo" sabi ni Adele. Paano niya nalaman na ganon iniisip ko? Marunong ba siyang bumasa ng isip?

"Sira. Hindi ako marunong magbasa ng isip, halata lang talaga sa mukha mo na ganon ang iniisip mo" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napahawak ako dito at tinakpan ang mukha ko. Nakakahiya! Ganon lang pala ako kadali mabasa.

Naglakad ako papalapit sa kanila upang kunin ang mga order nila.

"Goodmorning. I'm Tori and I'll be your servant for today. Can I get your order?" masigla kong bati. Ngumiti naman sa akin si Vince at ngumiti rin ako pabalik.

"Iced Coffee, Blueberry Cheesecake and a side of you" sabi niya at kumindat, sa pagkakatanda ko Ethan ang pangalan nito. Sinulat ko ang kaniyang order at hindi pinansin ang huli niyang sinabi.

"Cafe’ Au Lait and Cookies" sabi naman ni Vince at ngumiti. Gumanti ako ng ngiti at naglakad palayo sa table nila para ihanda ang mga order nila. Hindi ko maintindihan pero parang magaan ang loob ko kay Vincent. Doon kay Ethan? Nako wag niyo nang itanong.

"Iced Coffee and Blueberry Cheesecakep, Cafe’ Au Lait and Cookies"

"Thanks Tori" tugon ni Ethan. Tumingin naman ako sa kanya at bahagyang ngumiti. Hindi naman pala siya mayabang, mukha lang.

"I'm Ethan" sabi niya at naglahad ng kamay. Pinalo naman ito ni Vince at tumingin sa akin.

"Wag mo nalang siyang pansinin, ganyan talaga yan" sabi niya at nakipaglabanan ng tingin kay Ethan. Iniwan ko na silang dalawa ay bumalik na sa counter.

"Nakita ko 'yon. Ikaw ha" uminit ang pisngi ko sa pang-aasar ni Adele. Tinawanan ko lang siya at pabirong inirapan. Baliw talaga.

"Alin yon?" tanong ko.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito" pang-iinis niya. Aba. Kumanta pa. Pero maayos naman boses niya, in fairness.

"Shh! Anak ng boss yon, sira ka ba? Magtrabaho ka nalang nga diyan" saway ko sa kanya. Sumulyap ako sa pwesto nila at napansing nakatingin sila dito. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at inabala ang aking sarili. Mas nakakahiya tuloy.

"Lalalalala" napangiti nalang ako kay Adele at pabirong inirapan siya.

Pagkatapos ng trabaho ay agad akong nagligpit ng gamit. Napagdedisyunan namin ni Adele na sabay kami uuwi gayong magkalapit lang ang aming bahay at nangako siyang ililibot niya akong sa lugar.

"Ready ka na?" tanong niya, ngumiti ako at tumango. Sa totoo lang excited talaga akong maglibot dito. Mas lalo kong makakabisa ang mga pasikot sikot sa lugar na ito.

Una naming nilibot ang pamilihang bayan. Malaki ito at malawak. Sinabi sa akin ni Adele ang mga pwesto na binibilhan niya ng mga isda, karne, gulay at prutas. Sunod naming pinuntahan ay ang parke kung saan may magagandang ilaw daw kapag gabi. Mayroon itong magandang fountain at mga mauupuan. Napangiti ako nang makakita ako ng ilang pamilya na nagppicnic sa ilalim ng mga puno. Bumalik sa akin ang mga ala-ala namin sa Zambales.

"Dahan dahan lang Bianca" sigaw ni mama. Masaya kaming nagtatakbuhan paikot sa puno ng mangga.

"Taya" sabi ko nang mahabol ko si Bianca. Mas binilisan ko ang pagtakbo para di niya ako maabutan. Hindi gaanong mabilis tumakbo si Bianca kaya madali ko lang siya mataya.

"Pwede ba akong sumali dyan?"

"Papa!"

"Daddy!"

Sabay kaming yumakap sa kanya ni Bianca at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Gumawa naman siya ng tunog na parang monster kaya tumili kami at tumakbo palayo sa kanya.

Anong nangyari sa amin? Bakit kami humantong sa ganito?

Missing PieceWhere stories live. Discover now