Simula

1 0 0
                                    

Sumalubong ang liwanag sa pagmulat ng aking mga mata. Naninibago pa rin ako sa bago kong kwarto. Kahapon lang kami lumipat dahil dito nadestino si papa. Isa siyang pulis, sa totoo niyan noong bata ako, tinuruan niya ako ng self defense. Dapat kaming dalawa ni Bianca ang tuturuan niya kaso ayaw ni Bianca dahil masasaktan lang daw siya at mapapagod.

Tumayo ako at nagsimula nang mag-ayos. Pagbaba ko ay bumungad sa akin ang aking lola na nakatutok sa binabasa niyang dyaryo habang nagkakape sa hapag.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa" napalingon ako nang magsalita ang aking mama. Hindi ko maintindihan kung bakit tila palagi akong mali sa paningin niya, parang palagi siyang galit sa akin.

"Pabayaan mo na ang bata Stephanie" pagsaway sa kanya ni lola. Parang may kumurot sa aking puso nang makita ko ang pag-irap niya. Sa halip na pansinin ay binalewala ko nalang ang nakita ko. Siguro ay hindi lang maganda ang gising.

"Magandang umaga apo" ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Mag almusal ka muna" alok niya. Sinulyapan ko ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Mayroong pandesal, itlog, hotdog, at bacon. Napagpasyahan kong kumuha nalang ng pandesal at nagsimulang humakbang palabas.

"Babalik din po ako kaagad" paalam ko at nagpatuloy sa paglabas.

Ipinasak ko sa aking tenga ang earphones at tinodo ang volume nito. Naisipan kong tumakbo para maging pamilyar sa lugar. Ibang iba ito sa bahay namin sa Zambales, doon ay mas payapa ang lugar at tinatakbuhan. Pero wala naman din sigurong mawawala kung bibigyan ko ng pagkakataon ang lugar na ito.

Pagkatapos kong magjogging ay dumeretso na ako sa bahay at kaagad na naligo. Laking pasalamat ko na madali kong natandaan ang mga lugar na dinaanan ko at hindi ako naligaw sa pagbalik. Matapos kong tumulong sa mga gawaing bahay ay nagbihis na ako. Nagsimula na rin ang bakasyon namin noong nakaraang linggo at naayos ko na ang mga papeles ko sa iskwela para sa paglipat ko dito sa pasukan kaya wala na akong iintindihin. Dahil wala naman akong pagkakaabalahan sa bahay naisipan ko na ring maghanap ng trabaho at para na rin makaipon.

Nagtungo ako sa bayan upang humanap ng trabaho. Nakailang subok na ako sa iba't ibang kainan dito ngungit wala pa ring tumatanggap sa akin. Ganito ba talaga kahirap humanap ng trabaho. Sa di kalayuan ay may nakita akong isang cafe. Victoria. Ang weird naman ng pangalan pero mukhang mamahalin. Pumasok ako dito at nagbaka sakali. Sana naman matanggap na ako.

"Excuse me. Pwede ko bang makausap yung manager?" tumango naman yung staff at kaagad na umalis sa harapan ko. May lumabas na isang babae sa pintong pinasukan ng staff na kinausap ko kanina. Sa palagay ko ay nasa 40's na siya pero mapagkakamalan mong nasa 30's lang siya. Maganda siya at maayos manamit, kulay lupa ang kanyang buhok, ang mga mata niya ay kulay itim na gaya ng sa mga manika, matangos ang kanyang ilong at maliit ang kanyang labi.

"Goodmorning! I'm the owner of this cafe. How can I help you?" napatulala ako sa kanya.

"Miss?" nabalik ako sa aking sarili sa pagtawag niya sa akin. Kaagad akong tumayo at yumuko.

"I'm sorry Maam. Nagandahan lang po ako sa inyo" yumuko ako at itinago ang mukha ko sa kahihiyan.

Tumawa naman siya at inanyayahan akong umupo.

"Magandang umaga po Maam–"

"Amelia" sabi niya at ngumiti. Napangiti din ako at inabot ang kanyang kamag. Ang ganda niya talaga at mukhang mabait pa.

"Maam Amelia. Uhm. Nagbabaka sakali lang po ako kung pwede po akong makapagtrabaho dito. Ngayong summer lang naman po, eto po yung resume ko" sabi ko at iniabot sa kanya ang resume ko. Kinuha niya ito at binasa.

"With high honors. Impressive" kumento niya. Ngumiti ako at tumango. Buti pa siya napansin niya yung mga achievements ko. Yung sarili kong ina hindi.

"16 ka pa lang 'no" sabi niya, tumango naman ako at nagpatuloy siya sa pagtingin sa resume ko.

"Kaya mo bang magtrabaho gaya nung mga staffs ko rito?" tanong niya. Tinignan ko naman ang mga staffs niya. Sa palagay ko ay kayang kaya ko naman ang mga ginagawa nila. Sanay naman akong magtrabaho dahil may raket naman ako sa bar dati.

"Opo. Marunong naman po akong gumawa sa bahay at tumutulong po ako sa bar ng tiyahin ko" sagot ko. Sana matangap ako please.

"Okay. You can start today" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Yes! Natanggap ako!

"Thank you so much Maam! Hindi niyo po pagsisisihan ang pagtanggap sakin" tuloy tuloy kong sabi. Natanggap ako!

Nagpatawag ng meeting si Maam Amelia at ipinakilala ako sa lahat.

"Everyone, this is Tori, our new staff. Please be nice to her" ngumiti ako sa kanila at yumuko.

"Dismissed"

Naging madali lang para sa akin ang pagtatrabaho. Mababait ang mga staffs dito at madaling pakisamahan. At natutunan ko agad ang mga patakaran at pamamalakad dito.

Kumatok ako sa pintuan ni Maam Amelia upang magpaalam at magpasalamat.

"Uhm. Maam Amelia. Gusto ko lang pong magpasalamat sa pagtanggap po sa akin" yumuko ako at ngumiti.

"Wala 'yon Tori. Nakikita ko naman na masipag kang bata" sabi niya at ginantihan ang ngiti ko.

"Sige po Maam mauuna na rin po ako" paalam ko sa kanya. Tumango siya at nagpaalam din.

Lumabas ako ng may ngiti sa aking mga labi. Magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro dahil mabait siya. Oo, baka nga dahil mabait siya.

Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay lola at tinabihan siya. Kinamusta niya ang paghahanap ko ng trabaho at masaya kong ikinuwento ang mga nangyari sa akin sa trabaho.

"I'm home!" masiglang bati ng aking ama. Kaagad akong lumapit sa kanya at nagmano.

"Tori" yumakap siya sa akin at hinalikan ang aking noo. Natawa naman ako. Kahit kailan talaga, sobrang sweet ni papa.

"Daddy!" masayang pagtawag sa kanya ni Bri. Si Briana yung bunso kong kapatid. Anim na taong gulang pa lang siya at napakalambing. Si Bianca naman yung pangalawa. Speaking of– lumabas siya sa kwarto niya at humalik sa pisngi ni papa. Tumingin naman siya sa akin at pasimpleng umirap. Kagaya ni mama ay mainit din ang dugo sa akin ni Bianca. Sa kanya ay parang kompitensya ang lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo niya sa akin gayong siya naman itong nasusunod ang luho.

"Nandito ka na pala Eduard" bati sa kanya ni mama at humalik sa kanya. Naglakad ako patungo sa kusina at nagsimulang maghain ng pagkain.

Sa hapag ay masaya silang nagkkwentuhan. Kinuwento ni papa ang mga nangyari sa kanya sa estasyon. Tahimik akong nakinig sa mga kwentuhan nila at hindi na sumali pa. Matapos ang hapunan ay nagligpit na ako at naghugas. Pagbalik ko sa kwarto ay kaagad akong nahiga sa pagod.

"Wait for me! Vince!" mas binilisan ko ang aking paghakbang upang makahabol sa kanya. Kumalabog ang aking puso nang mapansing unti-unti na siyang nawawala sa aking paningin.

"Vince! Where are you?!" sumigaw ako nang sumigaw ngunit hindi siya sumasagot. Nasaan ka na ba Vince? Natatakot na ako.

"Run! Victoria! Faster!"

"Run! Victoria! Faster!"

"Run! Victoria! Faster!"

Napabangon ako at hinabol ang aking hininga. Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib kaya't tumayo ako at bumaba para kumuha ng tubig.

"Panaginip lang pala" pero bakit parang totoo? Sino si Vince? At sino si Victoria?

Missing PieceWhere stories live. Discover now