LAST NA TALAGA
Nagising ako dahil sa isang ingay,
bumigat bigla ang aking hinihinga.
Itong tunog na noon sa'kin inalay,
at sa isipan, hinding hindi mabura.Mga araw at buwan naming dalawa
ay puno masyado ng pagmamahalan.
Ngunit isa na lamang 'yung alaala,
ang away-bati, tampuhan at tawanan.Bumisita na naman itong si sakit,
'tsaka sumabay pa talaga si lungkot.
Sadyang ang damdamin ay hindi mapilit,
parang puso lang natin, sobrang malikot.Sinasabi ko sa sarili na 'wala na'
pero ito ako ulit, nagdudusa.
Sinasabi ko rin na, 'last na talaga',
pero sa huli dito parin ang punta.Ayaw ko na makaramdam ulit nito,
pag nagtagal, nakakapagod rin pala.
Ako lang ang kawawa sa sitwayong 'to
kaya sa araw na'to, last na talaga!Magmo-move on na talaga ako nito!
Promise, last shout-out ko na talaga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/168837153-288-k375238.jpg)
YOU ARE READING
Love For Poetry
PoetryMidnight thoughts. Poetic skills occurred during boredom. Feelings flow out along the pen and hands. Enigmatic imagination of unforeseen scene. Love of peotry has always inside the man. It only awaits for the push and muse to let it all out.