TANONG KO LANG
Nasa aklatan lang ako nung nilapitan mo ako
hindi kita pinansin dahil hindi naman kita kilala kamo
Pero nagsalita ka bigla at sa aki’y nagpakilala
Tanong ko lang, isa lamang ba ‘yung dula?
Hindi kita sinagot at iniwan kita roon
ngunit hindi mo ako nilubayan pagkatapos nun
At ginawa mo ang lahat malaman lang ang aking pangalan
Tanong ko lang sa’yo, ako mo lang ba’y pinagtripan?
Di nagtagal, sinabi ko rin ang pangalan ko
dahil sa oras na’yon ay may gusto na ako sa’yo
At pagkatapos ay ang “Oo’ ko naman ang gusto mo.
Tanong ko lang, ikaw ba nun ay seryoso?
At ginawa mo na naman ang lahat
bigay ng tsokolate, bulaklak t’saka ng sulat
sulat mo roon, ikaw sa akin ay karapatdapat
at tanong ko lang, ikaw ba’y nung oras na iyon ay tapat?
Gusto mo ako at gusto rin naman kita
kaya sinagot kita, wala na kasing problema.
Napatalon ka sa tuwa at ako’y sobrang masaya
pero tanong ko lang, ikaw ba noon ay masaya talaga?
Naging masaya naman ang sumusunod na mga araw, linggo at buwan
pinakita mo talagangng ako’y mahal na mahal mo man
pero dumating ang ating unang taon at wala ka.
Tanong ko, sa panahon na iyon ay nasaan ka?
Isang linggo na at hindi ka parin nagparamdam
tinext kita’t tinawagan pero wala, di ko na alam
Bakit nawala ka nalang bigla na parang bula?
Tanong ko lang ulit, sa oras na iyon tayo ba’y tapos na ba?
Pinuntahan pa talaga kita sa inyo nun
nagbabasakaling may sakit ka kaya nangyari yun.
Nakita mo ako pero nakita rin kitang may kahalikan na iba
kaya tanong ko lang, ako’y minahal mo ba talaga?
Umuwi ako at sa loob ng kwarto’y umiyak
Hindi mo ako sinundan kaya ako’y mas napaiyak
“Bakit? Anong nangyari bigla sa amin?” sabi ko
at natanong ko nalang, “anong mga pagkukulang ko sa’yo?”
Sa pagkakaalam ko, wala akong naging pagkukulang sa iyo,
kaya huling tanong ko lang, ginawa mo lang ba akong isang gago?
YOU ARE READING
Love For Poetry
PoetryMidnight thoughts. Poetic skills occurred during boredom. Feelings flow out along the pen and hands. Enigmatic imagination of unforeseen scene. Love of peotry has always inside the man. It only awaits for the push and muse to let it all out.