Chapter 3

4 0 0
                                    

"Yukoooo" bigla akong napayuko nang may narinig akong sigaw. Pagkatapos non ay nakarinig ako ng malakas na pagbagsak.  Pagkakita ko ay may halimaw na nakahandusay sa likod ko pero mukhang buhay pa ito.

"Sorry" sabi ng babaeng may gawa nito at nag peace sign pa sya.  May hawak syang hammer na parang ang gaan gaan lang dahil walang hirap nya itong dala. Nagulat nalang ako ng bigla syang lumitaw sa harap ko

"At buhay ka pa huh!  Etong sayo.  Haaaaa!" sabi nya at walang hirap na pinatama ang hammer nya sa ulo ng halimaw at nagkalasog lasog ito.  Pagkatapos non ay pinunasan nya ang noo nya at napangiting humarap sakin.

Ako naman ay manghang manghang sa ginawa nya

"Pinagod ako ng halimaw na to.  Sobrang bilis tumakbo" natatawang sabi nya habang hinahagod ang dark blue nyang buhok.  Kung titignan ay para itong black.  Napansin ko din na dark blue ang mata nya. She's beautiful

"Okay ka lang? " tanong nya at bahagya akong tumango

"By the way I'm lucy" magiliw nyang sabi

"Eunoia" pakilala ko

"Wow nice name!" masayang sabi nya at tinapik ng bahagya ang balikat ko

"uhh thank you" nahihiyang sabi ko

Bigla namang may lumabas na rabbit sa kung saan at humilig ito kay Lucy kaya napatawa  sya dito.

"Oh- where's your saccii?" tanong nya nang mapansin na wala akong pet.  I shrugged

"uhmm wala akong saccii. Wala kasing pet na lumapit sakin kanina so... Siguro wala akong saccii" paliwanag ko. 

"huh? Bakit wala? Lahat tayo dapat may saccii.  So ibig sabihin nilalabanan mo mag isa ang mga monster? " tanong nya na di ko din alam ang sagot. Napailing ako at kinwento sa kanya ang nangyari kanina.  Nagtaka naman sya bigla

Pagkatapos kasi kanina ng nangyari ay sobrang nahilo ako pero agad naman din akong nakabawi kaya lakas loob akong naglakad muli kahit hindi ko alam kung pano ko lalabanan ang mga ito

Ilang minuto rin ako naglakad at pasalamat nalang ako dahil wala akong nakasalubong na halimaw except nalang sa halimaw na pinatay ni Lucy

"Saccii is our ally.  They give us extra strength at tumutulong para malabanan ang mga monster.  Tulad nyang si Dex" turo nya sa rabbit

"He can move fast at dahil don binibigyan nya ako ng ability to move fast too kaya mabilis ako nakarating mula don hangang dito" paliwanag nya at tinuro pa ang pinanggalingan nya kanina. Ang galing!

"Ang weird naman.  Ikaw ang ang nakilala ko na walang saccii. Sumama ka nalang samin since wala kang saccii.  Baka mahirapan ka sa paglaban" sabi nya kaya napatango ako at nag thank you. 

Nagpatuloy kami sa paglalakad at bawat halimaw na makakasalubong namin ay walang kahirap hirap na napapatumba ni Lucy

Habang naglalakad kami ay kinakausap lang nya ako.  Nang siguro ay wala na syang masabi dahil di rin naman ako masyado nagsasalita,  ang rabbit nya na si Dex naman ang kinausap nya.  Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako ng pagod at medyo bumagal na rin ang paglakad ko.

Maya maya ay may narinig akong inggit ng isang tuta at sa tingin ko ay para itong nahihirapan kaya agad kong pinakiramdaman kung saan uto nanggagaling at nakita ko sya malapit sa isang puno.  Parang katulad ng pwesto ko kanina nung hinampas ako ng halimaw na unggoy sa puno

"Lucy—" pagbaling ko sa likod ko ay wala na si Lucy.  Hinanap ito ng mga mata ko pero hindi ko na sya nakita

Napatingin ako muli sa tuta pero nagulat ako nang biglang may halimaw sa harap nya kaya wala man sa loob ko ay agad akong kumuha ng bato at inihagis ko sa ulo ng halimaw.  Napaharap naman ito sakin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eunoia: Goddess Of The GiftedWhere stories live. Discover now