Chapter 1

6 0 0
                                    

"Eunoia" nanaramdaman ko na parang may yumuyugyog sa akin kaya napamulat ako ng mata.  Medyo inaantok pa ako kaya kinusot ko ang mata ko upang makita ng malinaw kung sino ang may gawa nito

"Eunoia gising kana,  kailangan mo magmadali" kitang kita ko ang maamong mukha ni mama at bakas dito ang pag aalala

"Ma,  bakit po?" tanong ko dito.  Naguguluhan ako sa nangyayari.  Nang makita ko ang wall clock ay 2 am palang. Ang aga naman yata nnya akong ginising para sa klase.  8 am pa ang klase ko

"Anak,  may pupuntahan tayo.  Dalian mo na" nagmamadaling sabi nya.  Nagtataka man ay sumunod nalang ako at nagpalit nalang ng dami.  Wag na daw ako maligo dahil wala nang oras. Sinuot ko narin ang contact lense ko pero sa isang mata lang.  Hindi kasi magkamukha ang kulay ng mga mata ko. Sa left eye gold,  sa right eye naman ay jet black. Ayoko namang matakot ang mga tao sakin kaya kailangan kong takpan ito.

Paglabas ko sa kwarto ay may isang maletang hawak si mama

"Ma-" di na nya ako pinatapos at walang sabing hinhinila palabas kasama ang maleta.  Dali dali nya itong isinakay sa likod ng kotse pagkatapos ay sumakay na din,  ako naman ay nandito sa shotgun seat.

"Ma ano bang nangyayari bakit nagmamadali tayo?  Saka ang aga aga pa ma san ba tayo pupunta? " takang tanong ko. Napatingin naman sya sakin at ngumiti. Maganda si mama,  her smile is like light. Blinding. Hindi ko nga alam kung paano nakakatagal si papa at mama sa isa't isa. They are opposite. Mama is bright,  papa is dark.

"Anak magpahinga ka na muna,  malayo layo pa ang pupuntahan natin" sabi nya habang nakatingin sa side mirror pagkatapos ay tinapunan ako ng tingin. Napakaamo ng mukha nya,  no wonder why papa's in love with her. Napangiti ako na sya naman nyang ikinatigil sandali at hinaplos ang mukha ko

"Eunoia" sabi nya habang nakangiti at nakatingin ng diretsyo sa daan

"A good and well balanced mind,  a good spirit" napatingin ulit sya sakin at alam kong di ako namamalikmata, her eyes turned gold.

"You are good Eunoia,  you'll always be" napatango ako at para akong nahihipnotisma ng mata nya

"Rest now darling" yun ang huli nya sinabi bago ako nakatulog.

—-—

Napamulat ako ng mata at tumambad sakin ang nagtataasang mga puno.  Para syang gubat pero bakit nandito kami?

"ma?" tawag ko kay mama na patuloy lang sa pag dadrive.  Medyo madilim parin

"Gising ka na pala. Ayos ka lang?" nakangiti nyang tanong

"Yes po. Where are we?" ngumiti lang sya at biglang pinahinto ang makina ng kotse

"We're here" nagtaka akong tinignan ang paligid.  Dito kami pupunta? Sa gitna ng gubat?

Nagtataka man ay sumunod ako kay mama sa pagbaba ng kotse.  Kinuha pa nya ang maleta sa likod nito ako naman ay nagtatakang tumingin lang sa palagid

"Ma anong ginagawa natin dito sa gubat?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako nang biglang may bumukas na parang portal. Si mama ang may gawa nito.  Yes,  we're not ordinary people pero nasa mundo kami ng mortal.  Since i was little they have been telling me that we're no ordinary.  We are gifted

"Happy Birthday anak" bati nya at saka ako niyakap ng mahigpit kaya niyakap ko din sya kahit naguguluhan ako. Bimitaw naman sya at inabot akin ang isang kwintas. Simple lang ito pero ang pendant nya ay pabilog at sa loob nito ay parang black stone na mayroong ginto sa pinakagitna.  Alam kong hindi ito pangkaraniwan

"Poprotektahan ka nang kwintas na yan.  Alam kong nagtataka ka sa nangyayari ngayon anak pero maiintindihan mo rin.  Kailangan mong pumasok sa portal nayan.  Ligtas ka sa pupuntahan mo at alam kong malalagpasan mo ang lahat ng pagsubok" naluluhang sabi nya.  Hindi ko mapigilan ang aking sarili at kahit di ko maintindihan ang sinasabi nya ay naluha na rin ako

"Ma ano bang sinasabi mo.  Pano ka?  Pano si papa?  Ba't ako pupunta dyan?"

"Your papa is not your papa anymore.  Any time they will come and get you.  Make sure you'll never get caught" huh?

"I don't have time to explain everything anak. All you need to do now is to enter that portal" sabi nya at binigay sa kamay ko  ang maleta.  And isa ko namang kamay ay hawak ang kwintas na ibinigay nya.  Pinahid nya ang luha ko.  This is the very first time I've ever seen her like this.  Mom is always bright,  I can see her aura,  it's one of my abilities. That's what he said,  my papa.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Nagtataka man ay wala akong nagawa kundi ang sundin sya. 

"You are Eunoia.  You are good,  no matter how dark you are" that's the last thing she said bago ako lamunin ng kadiliman

Para akong pinapaikot ikot habang papabagsak kung saan.  Ilang sandali pa ay napaaray nalang ako ng tumama ang pwet ko sa lupa

"ouch" ingit ko sa sakit at pinilit tumayo saka nagpagpag ng pwetan.  Napanganga naman ako ng mapunta ang attention ko sa malaking gate sa harap ko.  Para itong gate ng palasyo.  Nasaan ba ako?

"Wow" napalingon ako sa katabi ko.  Nakatingin din sya sa malaking gate na parang hindi makapaniwala sa nakikita.  Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang madaming tao.  Sa tingin ko ay nasa kasing edad ko lang din sila.  At tulad ko, may hawak hawak silang maleta

"Attention students,  welcome to Knight Academia.  The school of powers and ability "

Eunoia: Goddess Of The GiftedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora