Chapter 5

4.6K 140 15
                                    

Dinampot ko ang bag ni MK na nandito sa computer lab at nagdesisyong bumalik sa may clinic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dinampot ko ang bag ni MK na nandito sa computer lab at nagdesisyong bumalik sa may clinic. Nang makababa ako sa main floor ay bumuhos ang malakas na ulan. Ginamit ko ang jacket ko para ipambalot sa backpack ni MK. Tatakbuhin ko na sana ang patungong clinic nang may tumawag sa pangalan ko.

"Kyle, totoo bang nasa clinic si Marie?" Tanong ni Paul. Marie? Ah, si MK. Noong nasa may kainan din nila ako ay Marie ang itinawag nila kay MK.

"Yeah. Bag niya." Inabot ko agad kay Paul ang bag pero hindi niya iyon tinanggap.

"Ikaw na lang ang magbigay. Sigurado akong hindi siya magiging komportable kapag nakita ko siyang ganoon." Lumambot ang boses ni bansot.

"Akala ko ba magkaibigan kayo?" 

"O-oo naman! Kaya nga mas lalong hindi---ah, basta! Iba kasi si Marie---este MK." Parang kabadong sabi niya.

"Umiyak siya kanina." Nasabi ko bigla. Agad na nanlaki ang mga mata ni Paul. 

"U-umiyak? Whoaw. Umiyak." Sabi nito at parang nag-iisip pa siya. O baka talagang nagulat lang siya. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay nakita kong tumatakbo si Akie patungo sa direksyon namin. 

"Paul, nasaan bag ni Marie? Ihahatid ko na siya pauwi, gusto mo bang sumabay?" Tanong ni Akie kay Paul. Itinuro naman ni Paul ang bag na hawak ko. Automatic kong inabot ang bag kay Akie.

"Totoo bang umiyak si Marie?" Tanong ni Paul na parang nakabawi na sa pagkabigla sa sinabi ko kanina. They call MK Marie. But they call her MK in front of others. Weird, like they're trying to hide a secret.

"Umiyak nga ba siya?" Tanong ni Akie sa akin. Tumango ako.

"Ano ba kasi ang nangyari? Si Denver ba? Anong ginawa ni Denver?" Ngayon naman ay galit na ang boses ni Paul. Aalis nalang ako kaysa sa tumayo dito at makinig sa isang bagay na hindi ko naman naiintindihan.

"Una na ako." Paalam ko sa dalawa pero itong si Paul, hinarang ako.

"Paano na ang intermission sa Monday?" Sabi ni Paul.

"Ako ang papalit kay Marie. Practice bukas sa bahay, anong number mo? Ititext ko sa'yo ang address." Sabi ni Akie sabay abot ng phone niya. Agad na kumunot ang noo ko?

"Fuck no. Duet o solo, ibig sabihin, puwedeng ikaw lang." Sabi ko agad.

"Don't be a coward." Sagot agad ni Akie. Umalma ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya.

"Oops. Teka, huwag naman kayong magsagutan ng ganyan. Hintayin nalang natin ang sasabihin ni MK. Relax lang mga bruh." Pumagitna si Paul sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong problema nitong Akie na 'to pero gusto ko rin siyang suntukin. Kung kaibigan nga talaga niya si MK, sana'y hindi niya hinayaang umabot sa ganito na nasaktan si MK.

Wait, why do I even fucking care?

"Babalik na ako sa clinic." Tinalikuran kami ni Akie at tumakbo na nga papunta sa direksyon ng kabilang building. Panay naman ang pagbuntong-hininga nitong si Paul. Tuluyan namang dumulim ang paligid at bumuhos ng malakas ang ulan. 

Stuck On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon