Kinabukasan ay sabay na sila ni Nana Puritang nagpunta sa mga Fortezza. Sa mansion na rin siya bumaba dahil iyon ang unang dadaanan bago ang patungo sa resort at sa kabilang panig ay nalaman niya mula sa kwento ng matanda na ekta-ektaryang manggahan, niyugan at palayan.
Sinabi rin nito na kagustuhan ni Gabriel at ng Lolo Jacobo nito na coincidence na nasa Europa din at may negosyo doon ang pagdedevelop ng beachfront ng hacienda. Naeengganyo daw ito sapagkat maraming resort na sa parting iyon ng Laiya, Batangas ang unti-unting nakikilala dahil sa pinong puting buhangin ng dalampasigan nito.
Hindi na siya nagpahatid pa sa sinakyan nilang tricycle patungo sa resort sapagkat wala pa namang beinte minutos na lakaran iyon.
Ang daan patungong resort mula sa mansyion ay sementado na bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turista doon sa pagbubukas. Malayo pa siya ay tanaw na niyang nasa main entrance ng resort si Gabriel at agad kumaway ng makita siya. At nagulat pa siya ng tapikin nito ang kausap na tauhan at salubungin siya.
“Good morning, Charie”, magiliw nitong bati sa kanya.
Sinuklian niya ang ngiti nito. “Good morning din po, Sir”.
“Masyado na ba akong matanda sa paningin mo at pino-po mo pa ako. Saka pwede bang Gabriel na lamang ang itawag mo sa akin”.
Nagulat siya sa sinabi nito sapagkat kahit si Nana Purita ay Sir Gabriel ang tawag dito, kahit na kaytagal na nitong naninilbihan sa pamilya Fortezza.
“Naku, pasensiya na po kayo. Hindi ko po mapagbibigyan ang nais ninyo sapagkat baka magtaka ang mga kasamahan ko dito sa trabaho at sabihing hindi ko na po kayo iginalang”, sinalubong niya ang mga mata nitong nangungusap at kung tititigan mo ay hindi ka magsasawang tingnan.
Bumunting-hininga ang kaharap. “Lahat naman kasi kayo ay sinabihan kong Gabriel na lamang ang itawag sa akin, subalit walang sumunod”, iiling-iling na sabi nito.
“Nais lang po naming ipahatid sa inyo na kayo ay aming iginagalang”.
“Sige, talo na ko”, anito na itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Pero pwede bang huwag mo na akong isi-sir pag tayong dalawa lamang saka pakitanggal na ang po at opo kasi feeling ko tuloy tingin niyo sa akin ay kasing-tanda ako ni Lolo Jacobo”.
Hindi agad siya nakasagot.
“Please…”, anitong painagsalikop pa ang dalawang palad sa pakikiusap sa kanya.
“Sige na nga. Pero pag tayong dalawa lamang ang nag-uusap ha”, sinang-ayunan na rin niya ang binata sapagkat batid niyang bihirang magkausap sila ng sarilinan sa dami ng trabahor ng resort at ng hacienda na nakapalibot sa kanila.
Madali niyang magamayan ang trabaho at nakasundo na niyang talaga ang kasamang si Marie. Malimit silang kausapin ni Gabriel sapagkat nahingi ng kanilang ideya at suhesyon para sa souvenir shop ng hotel.
Malimit din siyang biruin ni Marie na may pagtingin yata sa kanya ang amo sapagkat mas malimit daw itong sumilip ngayon sa souvenir shop mula ng dumating siya na tinatawanan lamang niya at sinasabing kaya lagi itong nakasilip ay sa kadahilanang nais nitong tingnan ang progreso ng shop at kung ano pa ang pwedeng idagdag na paninda sa expansion nila.
Isang hapon pagkatapos niyang magsara ng shop, pinauna na niyang umuwi si Marie sapagkat masama ang pakiramdam nito. Nakasalubong niya sa Gabriel sa entrada ng resort.
YOU ARE READING
If I let you go
RomanceIsang kasunduan ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Czarina na lumayo muna sa kanyang pamilya. Subalit sa kanyang paglayo, hindi kapayapaan ng loob ang nakamtan niya kundi mas lalong naging masalimuot ang buhay nya. Maitutuwid ba ng tunay na...
