Katatapos lang magbihis si Czarina ng pajama at puting kamiseta ng sumilip si Pamela sa pintuan ng silid na inookupa niya.
“Ate, buti at nakabihis ka na. Halika ng kumain, naghihintay na si Lola”, nakangiti nitong wika at nawala na ang ulong isinilip lamang sa kurtina.
Agad siyang sumunod sa dalagita. Sinaway siya ni Nana Purita ng akmang tutulungan niya si Pamela sa paghuhugas ng pinagkainan nila matapos mghapunan.
“Sige na. Magpahinga ka na muna. Siguradong pagod ka pa niyan sa biyahe mo. Kayang-kaya na ni Pam ang paghuhugas”, nakangiti nitong tapik sa kamay niya.
“Nakakahiya naman ho. Ako na nga ho ang nakakaabala sa inyo. Saka ho mayroon ho sana akong nais ipakiusap sa iyo”, lakas loob niyang wika.
Naupo muli ang matanda sa silya sa tabi niya habang itinutuloy na ni Pamela ang pag-iimis ng hapag.
Bumuntong-hininga muna siya bago naglakas loob magsalita. “Eh, Nana Purita, maaari ho bang dumito muna ako ng ilang araw habang hindi pa ho ako nakakakita ng matitirhan habang naririto ho ako sa San Juan. May konti ho akong dalang pera”, at inabot niya sa matanda ang tatlong lilibuhin na hindi tinanggap ng matanda.
“Ano ba namang tumulong kami sa iyo na walang hinihinging kapalit. Itago mo na lamang iyan. Ako naman ay may hanap-buhay at maayos namang magpasahod ang aking amo lalo at paborito ako nung kusinera. Dumito ka hanggang gusto mo. Sa totoo lang ay magaan ang loob namin nitong apo ko sa iyo. Saka mabuti na rin iyong may kasama si Pamela dito pag ako’y naaatrasado ng dating.”
Hindi napigilan ni Czarina ang mapaluha. “Marami pong salamat. Pero, tulong ko na ho ito sa gastusin dito sa bahay. Saka ho, medyo may edad na kayo, dapat ho sa inyo ay dito na lamang sa bahay. San ho ba kayo nagtatrabaho at baka ho maaring palitan ko na lamang kayo”, bukal sa loob na sabi niya. Batid niya kahit anong klaseng trabaho ay kanyang papasukin sapagkat hindi naman ganoon kalakihan ang dala niyang pera at ilang pirasong alahas lamang niya ang dala niya na maaari niyang isanla. Isa pa ay naaawa siya sa matanda, dahil mukhang namamasukan lamang ito bilang isang katulong.
“Naku, huwag mong isipin ang gastusin dito. Supply ng amo ko ang bigas at de lata. At saka hindi mahirap ang trabaho ko. Kumbaga ay amo ako ng mga kusinera sa mansion at sa resort ng amo ko gawa ng bata pa iyon ay ako na ang tagapagluto ng pamilya nila. Kung kaya’t nais niyang ako ang magsuperbisyo sa kusina sa mansyion at sa bago niyang tayong resort. Isa pa ay malimit akong may dalang ulam galing doon”.
May kumislap sa isip ni Czarina sa narinig. “Resort ho? Eh, Nana baka naman ho mayroong mapapasukan doon kahit ho tagalinis ng cottage”, pakiramdam ni Czarina ay ang kapal-kapal ng mukha niya.
Bahagyang nag-isip si Nana Purita. “Narinig ko noong isang araw na kailangan ng tindera sa souvenir shop sa resort. Hamusya at irerekomenda kita sa amo ko. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na. Kapag may bakante pa sa resort bukas papasundo kita dito”.
Nang iaabot niyang muli ang pera ay umiling ang matanda. “Itago mo na iyan. Saka ka na magbigay pag may trabaho ka na. Saka, huwag kang mag-alala kapag kailangan ko na ay sasabihin ko sa iyo”.
Nginitian ni Czarina ang matanda tanda ng pasasalamat. Pagpasok sa kwarto ay binuksan ni Czarina ang bagong cellphone niyang binili ni Jonathan. Lumang modelo ng nokia iyon. Nagtext siya sa kaibigang si Lira na nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at pinatay na niyang muli ang cellphone at nahiga na.
STAI LEGGENDO
If I let you go
Storie d'amoreIsang kasunduan ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Czarina na lumayo muna sa kanyang pamilya. Subalit sa kanyang paglayo, hindi kapayapaan ng loob ang nakamtan niya kundi mas lalong naging masalimuot ang buhay nya. Maitutuwid ba ng tunay na...
