MASOM: DECEIVER ITSELF

12.8K 445 8
                                    


Nag punta agad sa harapan si
Adrianna upang tignan ang susunod nyang makakatunggali

Walang iba kundi si Sapphire

Di nya na inintay ang signal ay agad itong sumugod kay Sapphire, nasuntok nya ito sa tyan kaya napa atras ito, sisipa na sana ito ng maunahan sya ni Sapphire at sya ang isinipa sa tyan at mukha kaya tumalsik ito at napa ubo ng dugo
Pinunasan nya agad ito at sumugod ulit kay Sapphire ngunit gamit na ang kapangyarihan nito...nag palit ito ng katauhan at ginawang si Aldrich, kita nya naman ang pag kunot-noo ng dalaga kaya napangisi ito...mukhang napaniwala nya si Sapphire na si Aldrich ang kaharap nya ngayon

"You'll hurt me Sapphy?" pang gagaya nya sa bosesng prinsipe

"No... I won't...."

At muling napangisi si Adrianna dahil naloko nya ng ganun kadali si Sapphire

pero di nya napansin na tumalikod at tumalon si Sapphire sa itaas ng puno at biglang dumilim ang paligid kaya naalerto ito

"I won't hurt you, but I'll kill you" nagulat nalamang sya ng biglang nasa likod na nya si Sapphire at sinakal sya nito

At walang kahirap-hirap na ini-aangat lamang sya nito

"Yes look deeply in my eyes, Fall into your own trap" nakangising sabi ni Sapphire at inihagis ito sa mismong barrier kaya nasira na ito ng tuluyan

Lahat ng manonood ay natulala...

Tapos na agad ang laban?

Takang isip nila

Agad nilang nilapitan si Adrianna na pilit hinahabol ang kanyang hininga at binigyan ng Healing Candy upang mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman nito at ganun na rin ang ginawa sa ibang mga estudyante

"Tsk, Heartless... Pahinga muna then we will start again. 20 mins break" iling na sabi ni Lysander

Pagkatapos ng laban ng bawat isa ay binigyan muna ang lahat ng benteng minuto upang mag pahinga

Napaupo agad si Sapphire sa ilalim ng puno at ipinikit ang kanyang mga mata

Lumipas ang 15 mimuto ay napatayo ang mga royalties at ang mga piling estudyante ng makita nilang namimilipit sa sakit si Adrianna habang naka hawak ito sa kanyang ulo

"Stop!"

"Please!"

"No!"

"Pl-plea-ase"

"No!"

At kita ng lahat ang pag iyak nito habang naka pikit

She's having a nightmare...

ayan ang nasa isip ng mga naroon, napatigil lamang sila sa pag iisip ng dumilat si Adrianna na nanlalaki ang mga mata na tila takot na takot

At naka turo ito kay Sapphire

"It won't affect on me" nakangising sabi nito na ikinagulat ng lahat at nakita nilang nakataas pala ang kamay nito na may lumalabas na kulay itim at lila na kapangyarihan mula sa palad nito at tila kinokontrol ni Sapphire si Adrianna kaya hindi makagalaw sa pwesto nito

"How could you! You used my own power against me!" nanginginig na sabi nito

"It isn't yours, Its THEIRS" pandidiin ni Sapphire at tila nakakita ng multo si Adrianna sa sobrang putla nito at nanginginig na ito

"Do you like what you saw?" tila nag iba ang ihip ng hangin at biglang sumeryoso at mas lalong lumamig ang boses ni Sapphire kaya di napigilan ng mga naroon na kabahan lalo na't nag iiba ang kulay ng mata nito

Lumalabas ang kulay ginto, pula, itim
Naglalaro sa loob ng mga mata ni Sapphire

"You see, you'll regret entering my mind... Yes what you saw is true....pure real, that's me Adrianna" huling lintanya ni Sapphire bago nya ikinumpas ang kanyang kamay at tuluyang pag bagsak ni Adrianna sa lupa na nababalutan ng sarili nitong dugo










Lahat napasinghap ng punitin ni Sapphire ang isang sleeve ni Adrianna at doon tumambad ang isang signatura na nagpapatunay na isa itong kalaban


••••••••••••

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!!!!

GOOD MORNING!

She's the Lost Princess Of Airidom [COMPLETED]Where stories live. Discover now