STLPOA: GOLD AND RED

13.3K 448 10
                                    

ZAISHIN

"Let the REAL battle begin" bulong ng babaeng nasa harapan ko ngayon na ikinatindig ng aking balahibo... Nakakatakot ang aura nya ngayon pero kailangan ko ipakita na hindi ako natatakot

"Bring it on Sapphire" di ko alam kung saan ko pa nahugot ang tapang ko kaya nasabi ko ito

Maigi kong tinititigan si Sapphire upang malaman ang galaw nito ngunit parang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana...hindi ko mawari kung ano ang su-

Sh't! Ansakit!!!!

Hindi ko na natapos ang aking iniisip ng bigla akong binalibag ni Sapphire kaya napunta ako sa kabilang gilid ng entablado

Napahawak naman ako sa ilong ko ng tumulo ang dugo nito patayo pa lamang ako ng bigla na naman akong nabalibag sa gitna na ikinabuga ko ng dugo mula sa aking bibig

Merciless b'tch! Argh!

Tumayo agad ako at kitang kita ko kung pano tumingkad lalo ang mga mata ni Sapphire at ang pagbago ulit ng kulay ng buhok nito

Kulay PUTI na ito ngayon at ang isang mata ni Sapphire ay kulay ginto na

Kakaiba, nakakalinlang... Sino ba talaga si Sapphire?

"Díańlè Màjìcà Śíń! I declare all the Souls shall come thee!" pag susumamo ko sa mga kaluluwa na nasa harapan ko ngayon

'Oh no! Eto na....'

'Bat inilabas bigla ni Princess Zaishin ang combo nya?'

'She can't do that Headmistress!'

'Its too dangerous!'

'No one can stop them, lalo na't matibay na seal ang inilagay ni Sapphire'

'Pano nagawa ng transferee ang bagay na iyon?'

'Paano nya natatapatan ngayon ang prinsesa?'

'The transferee is indeed too powerful too'

Tila isang malakas na pwersa ang pumalibot saakin

"Dìenbòèn Śèntìpícà!" pag bigkas ko na inuutusan ang mga kaluluwa na mag sama sama silang lahat at kunin ang kaluluwa ni Sapphire...

Dumaan ang ilang minuto at ang pag ngisi ni Sapphire ang narinig ko at lalong pag kinang ng mga mata nito

"You can't use it to me Princess, Darkness can't consume me... Neither YOU" nakakakilabot na sabi nito at biglang pagdilim sa entablado

Mismong mga mata lamang ni Sapphire ang nakikita ko sa liwanag... Ang nakakatakot na mga mata na tila hinihigop ang aking kaluluwa

Pula at Ginto....maganda sa paningin pero delubyo ang dating

Kaliwa ay kulay Ginto habang ang isa ay kulay Pula

"What kind of sleep do you want your Highness? Daydream or Nightmare?" nakakakilabot na sabi ni Sapphire na umalingawngaw sa buong lugar

"Oh, let's play first. I got bored anyway" tila isa itong insulto saakin, gusto ko man magalit pero nananaig ang takot sa aking katawan

"Díèntè" maikli na sabi nito habang titig na titig sa aking mga mata...

At sa gulat ko, biglang lumabas ang mga kaluluwa at nasa harapan ko silang lahat, may mga ngiting nakakatakot

Anong ginagawa ng sarili kong kapangyarihan saakin?!

'How can she do that?!'

'Headmistress let's stop them!'

'Hell, this is hell!'

Ngunit parang wala na akong marinig sa paligid ng unting-unti nang humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan

Sapphire manipulated me using my own power!

"Dèíśińt" tila nawala ang mgakaluluwa at nanghihina akong bumagsak sa sahig...

Puro sakit ang aking nararamdaman... Sugat, pasa at dugo na ang naghahalo halo sa aking katawan

Di pa man ako nakakahinga ng maayos ng ibalibag muli ako ni Sapphire sa kabilang dulo at lumabas ang kanyang weapon....

Ang QUECHERY! A POWERFUL WEAPON!

Tila nag bago ang kulay at hugis nito at naging apoy ngunit kulay ASUL ito!

Narinig ko ang singhapan ng lahat, lalo na ang mga bisita, paano naging ASUL ang isang apoy?

At huli na ng makita kong nasa harapan ko na ang isang malaking asul na apoy

"Bye" rinig ko bago ako lamunin ng dilim... At sigurado akong nginitian ako ni Sapphire






A devilishy smile




To be continued...

She's the Lost Princess Of Airidom [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin