STLPOA: HER IDENTITY

14.1K 462 3
                                    

SAPPHIRE

Naalimpungatan ako dahil sa ingay nang pagkatok.

"Hey esha, wake up. Dinner na" rinig kong sabi galing sa labas

7:30 PM na pala. Ang haba naman nang tulog ko

Agad ako pumunta sa banyo at naghilamos na pati nag toothbrush

"Good evening Esha" naka ngiti nitong bati saakin

Tumango lamang ako at nauna nang maglakad rito

"Ano gusto mo?" tanong nito habang naka pila kami

"Strawberry cake, Milk" maikli kong sabi rito, napatango naman ito at sinabi saakin na humanap na ako ng mauupuan namin

Tahimik kaming kumakain ng biglang may pagsabog na naganap sa isang building

Girls Dormitory

Puro tilian at takot ang namayani sa buong lugar

'Buti nalang nasa labas tayo'

'Si Bianca!'

'Noooooo!'

'Si Janna huhuhuhu'

'What happened?'

'Hindi na tayo ligtas dito'

"Students Calm down!" sigaw ng isang guro saaming mga nasa canteen

Napatahimik nalamang sila pero di kalaunan ay may naka itim na cloak ang pumasok dito sa canteen

Naka tingin ito saakin na may kilabot sa kanyang mga ngiti

Bigla itong sumugod saakin na may kakaibang bilis dala ang isang kutsilyo, napatalon na lamang ako patalikod dahil mabilis nga ang kilos nito hindi pa man ako nakakabagsak ng tuluyan sa lupa ay nagawa ako nitong sipain kaya tumalsik ako sa dulo ng canteen, ramdam ko naman ang dugo saaking braso dahil sa dala nyang kutsilyo agad ko namang inilabas ang aking weapon at ginawang espada

Fallen Angel Scyth

Gamit rin ang aking bilis ay nagawa ko itong sabayan para na kaming hangin na naglalaban, nagawa ko itong mahiwa sa braso nito at sa pisnge, nakita ko naman na napangiwi ito dahil sa hapdi, habang dinadama nya ang sakit ay ako naman ang sumipa sa kanya patungo sa gitna ng canteen at sinapak, sinipa sa mukha nito

"Soon, sasama ka na sakin" sabi nito habang nakatingin ng deretso saaking mga mata, ramdam ko naman ang pagtingkad ng aking pulang mata habang ang isa na kulay ginto ay normal pa rin ang kulay

"I don't know who you are" malamig kong sabi rito habang sakal sakal ko ito, kita ko naman ang pag ngisi nito kahit may sugat na ito sa kanyang labi na patuloy nag durugo

"It's not about me, Its' all about you. You already knew who you are, stop denying it" ramdam ko naman ang pag iiba ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na itong naging parehas na pula

"DIE" malamig na sabi ko dito at pinugutan ng ulo

He doesn't deserve any mercy, they let them drown her into like that


ALDRICH

Nakakagulat, lahat kami ay hindi inaasahan ang ganoong pangyayare pero mas lalong hindi namin inasahan ang nakakatakot na aura ni Esha. Mas lalo pa itong naging nakakatakot nang pugutan nya ng ulo ang lalaking naka itim na cloak.

Ngayon tinitignan ko si Esha na punong puno ng dugo sa kanyang uniporme, nabahiran na rin ang kanyang pisnge... May mga galos at sugat na rin ito pero parang hindi ito nararamdaman ni Esha dahil dama parin namin ang sobrang bigat na aura na nang gagaling mismo sa kanya

Napatigil ako sa pag iisip ng bigla itong tumayo at parang hangin na umalis sa canteen.

Kakaibang bilis...

Anong meron? At bakit ka inatake ng lalakeng iyon?

Di man namin naririnig ang pag uusap nila pero tiyak kong sobrang halaga nito dahil nagawang makapatay ni Sapphire sa harap naming lahat....

Sino ka ba talaga Esha? Bat parang napakarami mo'ng sikreto?

Pero isa ang sigurado ako....

Isa itong Sikretong nakakamatay at makakagimbal sa aming lahat.


SAPPHIRE

Nakakainis na isipin na ganoong klaseng tao ako.

Ayoko mang tanggapin, pero ayun talaga ako.

Ganun din ang bagsak ko


-katulad nang nangyari sa kanya

She's the Lost Princess Of Airidom [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin