2.

220 13 0
                                    

2 years ago

"Ally!" Sigaw saakin ng binatang si Edward




Si Edward Buenaventura ang manliligaw kong makulit at suksukan ng daldal. Napaka bait niya saakin kaya nitong mga nakaraang araw pinag iisipan ko na kung sasagutin ko na ba siya o hindi. Alam kong bata pa kami at nasa rules ko na 18 ako mag boboyfriend pero wala e. Hindi kona kayang pigilan yung nararamdaman ko sakaniya. Nahulog na ako




Si Edward kasi yung unang lalaking nag paramdam saakin paano alagaan at mahalin ng isang lalaki. Sa simpleng mga ginagawa niya hindi ko mapigilang mahulog sakaniya.




Nasa music room ako ngayon kung saan kami unang nagkakilala. Pareho kaming kasali sa club ng music. Ito yung lugar na saksi sa lahat ng efforts na ginagawa saakin ni Edward. Saksi sa unti unti kong pagkahulog sakaniya. At ngayon magiging saksi sa pag sagot ko sakaniya bilang first boyfriend ko.




"Ang bilis ah! Nag marathon kaba papunta dito? Wala pang 10 minutes nung chinat kita" Nangingiting sabi ko sakaniya na sinuklian niya naman ng napaka tamis na ngiti niya.




"Syempre ikaw ang kikitain ko ngayon. Kahit ata lumipad magagawa ko makarating lang dito at makita ka"




Sweet talks. Dati sukang suka akong makarinig ng mga ganoong salita mula sa mga mag jojowang kilala at nakakasalamuha ko pero ngayon na sa lalaking mahal ko na ito naririnig naiintindihan ko na kung bakit  sobra nalang ang kilig ng mga babaeng nakakarinig ng mga matatamis na salita mula sa mga kasintahan nila.




"Naku ewan ko sayo napaka dami mong alam" kunyari pag tataray ko sakanya para itago yung kilig ko. Maharot na kung maharot!




"Ano bang meron Ally? May sasabihin kaba saakin?"




"Um, kasi diba, mahigit dalawang buwan ka nang nanliligaw saakin?"




"Oo?" Medyo kumunot ang kilay niya.




"Hey" malambot ang boses niya para bang pinipilit intindihin yung sinabi ko.




"Don't tell me papatigilin mo na akong manligaw sayo? Walang talab lahat ng pa cute ko sayo? Ally..."




Napatawa ako ng kaunti. Masyado ba akong unromantic para isipin niyang walang talab lahat ng efforts niya saakin at hindi ko siya kayang magustuhan?




"Kaya kita pinapunta dito kasi may nakakalimutan ka na atang itanong saakin" kumunot ulit yung kilay niya




"Um wala naman? Anong itatanong ko saiyo?"




"E diba nga mahigit dalawang buwan mo na akong nililigawan"




"Oo nga gusto mo na ba akong tumigil sa panliligaw?"  Bakas sa boses niya ang dismaya.




"Damn it! Tanungin mo ako kung sinasagot naba kita!" Natigilan siya  sa sinabi ko




"Sinasagot mo na ba ako?" Medyo nag aalin langan pa siya ng tanong kaya naman hindi ko na napigilan na mapatawa ng malakas.




"Oo sinasagot na kita"




"......" Napatulala siya saakin ng tingin




"Seryoso ba Ally?! Damn! Akala ko talaga papatigilin mo na ako sa panliligaw! Thank you i love you!" akmang hahalikan niya ako sa labi pero iniwas ko sakaniya yung labi ko.




My Elusive Beau Where stories live. Discover now