PROLOGUE

461 12 0
                                    

"Ally!" Tawag saakin ng bestfriend kong si Danica, kanina ko pa siya inaantay dito sa tapat ng gate ng school namin, pero ang bruha mahigit isang oras ata akong pinag antay dito.



"At talagang nagagawa mo pang ngumiti at magpakita saakin pagkatapos mo akong pag antayin dito ng matagal?"


"Traffic sa pinas bes knows mo yan" natatawang palusot pa nito saakin



Nasa St. Vince University kami ngayon ni Danica, first year college na kami at dito nga namin napag kasunduang mag enroll. Simula palang ng elementary kami ni Danica ay hindi na kami nag hiwalay ng school na pinapasukan.



"Akala ko talaga wala na tayong mahahanap na school na babagay saakin" nairapan ko pa siya ng hawiin pa niya yung buhok niya na para bang siya na ang pinaka magandang babae sa mundo.



"Apaka tigas talaga ng mukha mo Danica, alam mo bang muntikan na tayong hindi umabot sa enrollan dahil sa napaka mapili mo sa school? Buong Cebu ata nalibot na natin. Malapit lang pala sa bahay namin ang gusto mong pasukang school" napa buntong hininga pa ako sa irita sakanya.



"Ang aga aga Ally high blood ka agad kalmahan mo nga muna. Ang ganda kaya dito sa school na 'to, kahit napaka mahal ay super worth it dahil puro mayaman and pogi ang mga pumapasok dito no. Malay mo dito na natin mahanap yung future ko" inirapan ko siya ulit at nauna nang pumasok sa loob ng campus.



Muntik pa nga kaming magkamali ng classroom na papasukan. Kung hindi pa nakita ni Danica yung isang kaklase namin na naisearch niya na pala agad sa Facebook nung lumabas yung master list ng klase namin.



"Si Marcus Mendez bes! Anak yan nung CEO nung sikat na sikat na company ng Lechon dito sa Cebu" Napangiwi ako sakaniya.



"Napaka bilis mong mang stalk"



"He's so gwapo kaya! Mas gwapo daw yung couz niya kaso mas bet ko talaga yung beauty ni Marcus, so I'll leave his cousin to you!" Hah! As if naman pag-ibig ang hanap ko sa school na to!.



Wala pa akong ilang oras na nasa labas ng bahay pero hapong hapo na ako sa ingay ng paligid ko, mas masarap talagang nasa loob lang ng bahay.



Nadatnan namin na maingay ang classroom namin dahil sa mga kaklase naming nag kwekwentuhan. Yung iba nag aasaran at nag tatawanan. Madami ding mga nagkalat na mga papel, pinagbalatan ng mga candy, at mga bote ng soft drinks at water.



Gusto ko nang umuwi~



"Ayun yung pinsan ni Marcus bes!" Bulong saakin ni Danica sabay turo dun sa lalaking nakaupo sa tabi ng bintana.



Mas pogi nga siya dun sa Marcus, but I'm not interested in having a relationship right now. No, hindi ko na gusto pang subukan pa ulit maging interesado.




Nauna akong maupo sa pinaka likod na bahagi ng classroom, sinundan lang ako ni Danica pagkatapos niyang makipag interact dun sa mga babaeng kaklase namin na feeling close agad.




Nakakatamad makipag usap~




"Ally seems like super masaya kabonding itong mga classmates natin this year! friendly sila not like our classmates last year super aarte nila" mas maarte pa nga siya sa mga kaklase namin pero wala akong magagawa dahil bestfriend ko siya at hindi ko pwedeng iwanan. Mayamaya lang ay dumating na yung adviser namin.




Binati kami nito at inutusan na linisin yung classroom namin bago siya magsimula sa orientation.




Agad din naman sumunod yung mga classmates namin at nagsimula nang mag dampot ng mga kalat. Kaya kahit tinatamad ako wala akong choice kung hindi tumulong sakanila.




May nakita akong nakabilog na papel sa gilid ng upuan ko. Dadamputin ko na sana yun kaso nagluha ng konti yung mata ko sa sakit ng may tumamang water bottle sa mukha ko. May laman pa yun at yung pwetan pa ang tumama saakin kaya solid yung sakit.





Tinignan ko kung saan nanggaling yung water bottle. Handang handa na akong sugudin kung sino man ang bumato saakin.




Dumapo ulit ang mata ko doon sa pinsan ni Marcus sa tabi ng bintana. Sakto naman at lumabas yung adviser namin kaya malaya akong naglakad palapit sakaniya.




"Bakit? Bakit ka nangbabato?" May luha pa sa gilid ng mata ko dahil masakit talaga yung pagkakatama sa mukha ko nung bote.




"I didn't" walang ganang sagot nito saakin.




"Kitang kita ko saiyo nanggaling yung bote na yun" pikon na pikon ako sa expression ng mukha niya ngayon, drained na drained na ako sa sobrang daming tao tapos sumabay pa siya, ang sakit nung ginawa niya ah!.




"Nasa likudan niyo yung trashcan, I threw the bottle, you bent down kaya tinamaan ka"




Ay gago to! Cool na siya nun?! Mahapdi yung mukha ko kaya hindi talaga ako makapayag e!




"Ally what happened? Anong ginagawa mo jan?" Pinandilatan pa ako ng mata ni Danica na para bang sinasabi niyang wag akong gumawa ng eksena lalo na sa harap nitong hayup na lalaking ito.




"Wala yumuko kasi ako kaya TINAMAAN ako nung water bottle" sabi ko at diniin pa yung tinamaan. Sige na palalagpasin ko na muna ito ayokong gumawa ng gulo sa first day ng klase.



"Ok. I thought nangaaway ka na agad ng classmate natin. Halika na nga baka abutan tayo ni ma'am na nakatayo"



Tahimik nalang akong nag antay sa adviser namin at hindi na tumulong pang mag linis. Nawalan na ako ng gana feeling ko mamamaga yung part ng mukha kong tinamaan nung bote.



Bumalik na yung adviser namin kaya natahimik na ulit yung mga kaklase naming nag kwekwentuhan.



"I'm Christina Lagutan ako ang advisory teacher niyo for this school year" Pagpapakilala nito saamin.




"Ayusin muna natin yung seating arrangement niyo ha. Mamimili din tayo ng mga class officers ng section niyo"




Hindi ko nakatabi si Danica dahil boy and girl ang ayos ng upuan namin, kanina pa siya natawag sa first row at bago nga siya naupo ay binulungan pa niya ako na kakampi niya daw yung tadhana dahil seatmate niya si Marcus.



Nag cringe naman ako sakaniya dahil sa sobrang dali niyang mainlove, well goodluck sakaniya sana hindi na siya maghost this time.



Nakatayo pa kami nung iba kong mga kaklase at nag aantay matawag.




"Ms Fara sit with Mr Grande here" Turo niya doon sa inupuan nung pinsan ni Marcus kanina, naupo ako sa tabi ng bintana.



"Ms, let's switch seats" Ngayon lang sa buhay ko pinag sisihan na lettter F ang simula ng surname ko, tsk! Bat kasi walang ibang babaeng may apilyido sa mga classmates namin na letter F or letter G ang simula? Natabi pako sa kupal na to.

My Elusive Beau Where stories live. Discover now