"Nasaan si MK?" Tanong ko kay Paul. Halos isang oras na kasi akong naghihintay sa rooftop e.

"Huh? Akala ko ba nagprapractice na kayo?"

"Magtatanong ba ako ngayon kung kasama ko siya?"

"Sorry boss. Huli ko siyang nakita e pabalik siya sa library building para kunin ang bag niya." Sagot ni Paul. Iniwan ko na siya para tumungo sa kabilang building. Paakyat na ako sa second floor nang marinig ko ang boses ni Patrick, ang isa sa mga groupie ni Denver.

"Ano ang inilagay mo dito? Shit!" Sigaw ni Patrick. Umakyat ako at nakita ko si MK, Denver, Patrick at dalawa pang classmate naming lalaki na nakatayo sa tapat ng isa sa mga computer labs namin.

Ha. They really did open the CD.

"MK, please." Sabi naman ni Denver.

"Video para sa monthsary natin." Sagot ni MK. Her face is really pale.

"Nag-break na tayo kahapon MK. Siguro nga ay galit ka sa akin pero hindi mo naman kailangang lagyan ng virus itong CD. Damn it, isinaksak namin ito sa isang unit sa computer lab kanina. Take responsibility, sabihin mong ikaw ang may kasalanan." Kabadong sabi ni Denver. Napangiti ako. That stupid fuck.

"Hindi ko alam kung anong virus 'yang sinasabi mo. Oo, alam ko na nakipagbreak ka sa akin kahapon. Oo, ibinalik mo ang CD sa akin dahil break na nga tayo. Pero ibinigay ko ulit 'yang CD para sana maging memorabilia. Hindi ko----" Litanya ni MK pero siningitan siya ni Denver.

"I don't want drama, MK. Halika, ipapakita ko sa'yo kung ano ang ginawa mo." Hinila ni Denver si MK hanggang sa loob ng computer lab. Tahimik ko silang sinundan at pinanood.

"Look. Ganyan ang nangyari sa lahat ng computer sa lab. Baka nga kumalat pa sa buong school e! MK, take responsibility." Denver's jaw tensed. That's it, panic.

'EZ KATKA---YOU'VE BEEN HACKED' ang lumitaw sa screen ng isang computer sa lab.

"Hindi ko talaga alam kung anong ibinibintang mo sa akin, Denver. Tska, bakit mo naman isasaksak iyong CD dito sa school." Mahinang sabi ni MK at puno ng hinanakit ang boses niya.

"This is fucking bad, bro." Kabadong sabi naman ni Patrick. Sumang-ayon ang dalawang kasama nila.

"Tara sa office, MK. Kailangan mong sabihin sa kanila na ikaw ang may kasalanan." Matigas na sabi ni Denver.

Ting. Parang deja vu. On the back of my mind was that same shitty line. 'Kyle, please. Kyle, save me. Tara sa office, sabihin mong ikaw ang gumawa niyan.'

Hinihigit na ni Denver ang kamay ni MK nang pumasok ako sa loob ng lab. "What in the fuck are you doing?" Direkta ko sa grupo nina Denver. Hinila ko si MK at pinapunta sa may likuran ko.

"Huwag kang makialam dito." Sabi ni Patrick. Napansin ko na tinatakpan na ng isa sa mga kasama nila ang screen ng computer. Ha.

"Kyle, umalis ka na dito." Bulong ni MK mula sa likuran ko.

"You shut up." Madiin na sabi ko kay MK dahil sa sobrang pikon na napasok ako sa ganitong sitwasyon. Hinila ko nalang si MK palabas ng lab.

"Bitawan mo ako." Pilit niya. Binitawan ko naman siya.

"Halos isang oras kitang hinintay sa rooftop. Sana sinabi mo nalang na may mas importante kang gagawin para hindi nasayang ang tanginang oras ko." Hindi ko mapigilan ang galit ko.

"Mauna ka na. Back out na kung back out. Pero hindi puwedeng makipagbreak si Denver sa akin." Mahinang sabi niya.

"You're not just dense, but a fucking idiot too."

Sa gitna ng sagutan namin ni MK ay lumabas sina Denver mula sa computer lab. Pinalibutan nila kaming dalawa ni MK. "Umalis ka na kung ayaw mong madamay." Banta ni Patrick sa akin.

 "Nakialam na ako kaya sasagarin---" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bumuwelo ng suntok si Denver. Buti nalang at naiwasan ko iyon. Kaso nga lang ay bigla naman akong hinawakan ng dalawa pa.

Nimrods. Cowards. Sunod-sunod na atake ang natanggap ko mula sakanila hanggang sa bumagsak ako sa sahig. Doon ko lang napansin si MK---

She's crying.

"Tama na! Tama na! Huwag niyong saktan si Kuya! KUYA! KUYA! TAMA NA!" Sigaw niya habang nag-iiiyak. Lahat ay huminto dahil doon. But then, she passed out---on top of me.

"Anong nangyayari dito?" Lumitaw si Akie sa may bukanan ng floor. Idinapo ko ang palad ko sa noo ni MK--- ang taas ng lagnat niya.

"Denver, sinabihan na kita." Bigla nalang sinuntok ni Akie si Denver sa may bandang dibdib niya. Nagawa ko namang makatayo ng maayos habang inaalalayan ang walang malay na katawan ni MK.

Hindi ko na pinansin kung ano man ang ginawa ng grupo nila. Binuhat ko nalang si MK hanggang sa may clinic. Agad siyang inasikaso ng school nurse. Nagising kaunti si MK kaya napainom pa siya ng gamot ng nurse.

Babalik pa sana ako sa computer lab pero nakasalubong ko si Akie sa may labas ng clinic.

"Let it go. Wala kang mapapala kapag papatulan mo ang mga 'yun." Sabi niya.

"Sinong nagsabing sila ang babalikan ko?" Pabalang na sagot ko.

"Suite yourself." Sabi lang niya bago siya pumasok sa loob ng clinic. Kung tama ang pagkakaalala ko, magkababata silang tatlo: si Paul, Akie at MK. Sumilip ako sa loob ng clinic. I saw how Akie looked at MK. He definitely likes her.

That made me...Somehow uneasy.

Isinuot ko ang hood ko at dumiretso pabalik sa computer lab. Wala na sina Denver doon. Kinuha ko ang CD at sinira iyon. Inilabas ko ang phone ko at isinaksak sa infected na computer.

EZ KATKA. Easy game. Nilinisan ko ang lahat ng computers. That was a fucking bad idea. Hindi ko naman inakala na ganoon ang gagawin ni MK.

---

Stuck On YouWhere stories live. Discover now