Napansin ko ang pagbaba ng tingin niya sa mga labi ko na agad din namang ibinalik sa mga mata ko.

Ano na, Elya?! Bakit wala kang ginagawa?!

Napailing ako at itinulak siya dahilan para mabitawan na niya ako.

" E-Ewan ko sayo!" utal kong sabi at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

Sigurado akong para kong kamatis dito dahil namumula na iyong mukha ko dahil kay Kipp.

Nakita ko ang pagngiti niya kasabay ng pag-iling. Halatang natutuwa siya sa nangyayari ngayon. P'wes ako hindi!

"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?"

Napatuwid ako ng tayo at nagmadaling kinuha iyong cellphone ko.

'7 missed calls'

"Kainis! Lagot ako kina Mama nito!" Saad ko at tumingin ako sa kalsada kung may jeep bang dadaan.

Sa mga oras na 'to, paniguradong nakahanda na ang bibig ni Mama sa pagsermon sa akin. Ngayon lang ako inabot ng ganitong oras sa labas. Huwag lang talaga kong maunahan ni Papa sa pag-uwi dahil paniguradong hindi lang sermon aabutin ko.

"Hatid na kita."

Nalipat ang tingin ko sa nagsalita.

"Ikaw, kasalanan mo 'to! Kung sana hindi mo sa akin binigay iyong bag mo, e' di sana kanina pa ko nakauwi!" Singhal ko pero parang wala siyang pake sa sinasabi ko.

Patuloy lang siya sa pagc'cellphone.

Gusto ko nang sabunutan ang lalaking 'to. Kahit isa lang.

"Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, ikaw may kasa--"

"Nandito na si Kuya Wack, siya na lang ang maghahatid sayo. Hindi na kita masasamahan dahil mapapatay na ko ni Daddy sa galit niya."Aniya sabay pakita ng screen ng cellphone niya.

Ang daming message ng 'Daddy' ni Kipp sa kanya at lahat ng iyon ay mura.

" See? Hindi lang ikaw malalagot ngayon. Relationship goals. " Nakangising sabi niya.

" Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Uuwi na ko. Huwag mo na kong ipahatid. Kaya ko na."

Wala ba talagang dadaang pwedeng masakyan? Ramdam ko na yung galit nila Mama.

"Delikado na sa oras na 'tong bumyahe mag-isa. Lalo na' t bata ang sasakay."

Napalingon ulit ako sa kanya at napakunot ang noo ko.

"Anong 'bata'? Eighteen na ko!"

"So what if you're eighteen? You still look twelve."

"Hiyang-hiya naman ako sa tangkad mo, 'Kuya'" Nang-uuyam kong sabi at inirapan siya.

"Talagang matangkad ako. Malaki rin."

Kusa akong nasamid sa sinabi niya at nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin do'n!

"A-Ang bastos mo talaga!" Sigaw ko. "Wala bang preno 'yang bibig mo?!"

Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya ng mautal ako.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Kung walang preno ang bibig ko, e' di sana sinabi kong malaki ang --"

Agad kong tinakpan ang bibig niya para putulin ang sasabihin niya.

Tinanggal ko iyon ng tumigil siya at tinignan ko lang siya ng masama.

"Dapat talaga hindi ako pumayag na sumama rito."

Napakibit-balikat naman siya at may itinuro sa likuran ko. Sinundan ko iyon ng tingin at may nakita akong magarang sasakyan.

"Sumakay kana. Sinabi ko na kay Kuya Wack kung saan address mo."

"Okay lang namang--"

"Kapag nagtagal ka pa rito, baka sa labas kana ng bahay niyo matulog."

Napapikit ako ng mariin at tumango. Tama siya, talagang malalagot ako kina Mama kapag hindi pa ko uuwi ngayon.

Pero bago ako pumunta sa sasakyan niya, hinarap ko siya. "Pero paano ka? P-Pwede ka namang sumabay na din."

Umiling siya at nilagay iyong dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa niya.

"Hindi na. Ako ng bahala." Aniya at sinenyas sa akin na pumunta na ko sa sasakyan niya.

Sa tagal kong nakikita si Kipp sa labas ng school kapag labasan ng mga college non, kilala ko na ang isa sa mga sasakyan niya. At ang isang to ang madalas niyang gamitin.

"S-Sige. S-Salamat." Nahihiyang sabi ko at patakbong lumapit sa sasakyan niya.

Pumasok na kaagad ako.

"Hello po." Bati ko sa driver nila Kipp.

"Magandang gabi ija." Nakangiti naman niyang sabi.

Sinimulang paandarin ni 'Kuya Wack' yung sasakyan. Tumingin ako sa labas at nakita ko pa ring nakatayo lang doon si Kipp habang nakatanaw lang sa amin.

Hindi siya umalis doon hanggang hindi pa rin kami nakakaalis.

Nang tuluyan na kaming makaalis sa lugar na 'yon, saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ako nakapanood sa performance nila Xyler. Pumunta ako sa laro ni Kipp para maghatid ng jersey niya. Inaya niya akong kumain sa mamahaling restaurant na isa din pala sa pagmamay-ari nila. At ang huli, sinabi niyang gusto niya ko.

Ayaw kong maniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung isa nanaman ba 'to sa mga kalokohan niya.

Sa nakikita ko kasi sa estado nang buhay namin ni Kipp, malaki ang agwat naming dalawa.

Kaya imposible talaga ang sinasabi niya.

It's You [COMPLETED]Where stories live. Discover now