Chapter 3

5.2K 118 6
                                    

"Hey, I love you" malambing na sabi ni Yael sa kabilang linya

"I love you too, Yael"

"Cheer up, okay? I love you so much Mrs. baby" Sabi ni Yael at nagmake sound ng kiss at binaba na rin ang telepono

Napatingin naman si Karylle sa salamin at kinausap ang sarili "Gago ka ba?" Sinampal naman, lightly ni karylle ang pisngi niya "Naguguluhan ka na naman ba? Ano ba!" Tinawanan na lang ni karylle ang sarili "baliw ka na, karylle!"

"Oo nga, baliw ka na talaga" nagulat naman si karylle bigla ng may magsalita sa likod niya

"Vhong naman.." Sabi ni karylle habang nakahawak sa dibdib niya dahil sa gulat "Bakit ka ba nandito?"

"Wala lang, hehehe"

"Ano nga?"

"Pinapatawag na kasi tayo, malapit na magsimula, yun lang naman" Umupo naman si Vhong sa may maliit na couch

"Pinapatawag na tayo tapos uupo ka pa? Bakit nga kasi!"

Napasigh naman si vhong "Si Vice...."

"Ano meron kay Vice?"

"Okay ba kayo?"

"Oo naman, mukha ba kaming hindi okay?" Tumawa naman si karylle

"Hindi, kasi pag oncam, oo close kayo. Nagyayakapan, etc. Pag offcam minsan hindi mapaghiwalay pero madalas hindi"

"Busy lang kami ganon"

"Nagiiwasan kayo noh? Bumalik ulit noh?"

"Nagiiwasan at bumalik ka diyan! Ikaw yung nababaliw eh" natatawang sabi ni karylle

"Bumalik ba, karylle?"

"Wala namang umalis, Vhong" ngumiti naman si karylle at hinila si vhong para makatayo "Lumabas ka na nga! susunod ako" masungit na sabi ni karylle

"Sungit, magsama kayo!" Sabi ni vhong at lumabas na DR ni Karylle

Napahawak naman si karylle sa noo niya at tinanong ulit ang sarili "Tama ba si Vhong? Bumalik ba ulit o Wala din naman atang nagbago?" Napailing na lang si Karylle "Wala lang to, nababaliw lang talaga ko" nagayos naman muna siya bago lumabas sa dressing room niya

---

"Sapat" sabi ni billy ng ipakita ng trabahandel ang board

"Uhmm....sapat, anong english ng sapat?"

"Enough po" sabi ng lalaki

"Ok, let's move on to-"

"Hindi, tanungin mo ng maayos" sabi ni vhong

"Para madali, hindi na overtime oh diba?" Sabi ni Vice at nagtawanan naman ang lahat "Pero, teka lang, may itatanong ako. Ikaw, billy, sapat ka na ba?"

"Oo naman, dahil akin na si coleen" sabi ni billy at kinilig

"Ikaw, Vhong?"

"Malapit na"

"Pagnatapos na yung kaso, ganern?" Sabi ni vice. Pinandilatan naman siya ng mata ni vhong, tumawa si billy at karylle pati ang madlang people

"Ikaw, Karylle? Ay, hindi ka na dapat tanungin, ngiti mo pa lang halatang masaya ka na sa buhay may asawa" Sabi ni Vice habang nakangiti

"Hindi rin ah, may kulang"

"Ano naman yon Karylle?"

"Yung mga gamit sa nilipatan naming bahay, hindi pa kasi kumpleto" sabi ni karylle, tumawa naman ang dalawa habang si vice ay napaface palm sa sinabi nito

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon