Chapter 26

3K 82 3
                                    

"Vice ano ba!" Sabi ni Karylle habang hinahabol si Vice sa may hallway ng hotel, ngunit hindi ito sumagot and mas binilisan pa ang lakad. Kaya tumakbo siya at sa huli ay naharangan niya rin si Vice.

"Ano bang problema?" Tanong ni Karylle

"Walang problema Karylle, kaya please. Gusto ko ng pumasok sa kwarto ko"

"Walang problema pero hindi mo kinakausap Vice? Bakit ka ba ganyan?!"  Naiinis na nitong tugon

"Anong bakit ako ganito? Eh ganito naman talaga ko?" Nang-aasar pang wika ni Vice "Wala kong time para sa ganto Karylle. See you tomorrow" Sabi ni Vice at lumakad papalayo kay Karylle, ngunit hindi pa siya nakakalayo ay napatigil siya agad dahil biglang may sinabi si Karylle

"Ganyan ka ba talaga? Hindi mo ko kakausapin ng walang rason? Ng walang dahilan kung bakit hindi mo ko kinakausap? Bakit ka ba ganyan Vice?!"   Halos pasigaw na nitong sabi dahil hindi niya na napigilan ang emosyon

Vice clenches his jaw at naglakad pabalik kay Karylle. "Gusto mong malaman kung bakit? Gusto mong malaman ha?" Tanong niya at tinignan ng malalim si Karylle "Naiinis kasi ako Karylle! Inis na inis ako sa sarili ko, naiinis ako kasi mas nilapit ko ang sarili ko sayo at sa mga araw na nilalapit ko ang sarili ko sayo, bumabalik ngayon ang lahat na paniguradong pagsisihan ko na naman. Pagsisihan ko kasi walang kapalit, pagsisihan ko kasi masasaktan na naman ako" May diin nitong sabi "Naguguluhan na naman ako Karylle" Malungkot nitong sabi

Karylle bites her lip and looks away from Vice. Narinig niya naman na napabuntong-hininga si Vice at aalis na sana ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa wrist ni Vice

"Bakit ako ba hindi? Sa tingin mo ba ngayon hindi rin ako nagdadalawang-isip?"

~

"Hey....are you okay?" Tanong ng kausap ni Vice na napatigil sa pagtulog ng kwento niya at nag-wave pa sa camera

"Ha?" Tanong ni Vice dahil hindi niya narinig ang tanong ng nobya

Nag-pout naman ang lalaki "Hindi ka rin pala nakikinig sa kwento ko....." Malungkot nitong batid

"I'm sorry...."Sabi ni Vice na nakaramdam bigla ng guilt

"It's okay..... are you okay, babe?" Nag-aalala nitong tanong "Mukhang kanina ka pa may iniisip"

"W-wala....I'm just tired" Pag-sisinungaling ni Vice at napayuko bigla

"Sure?" Tanong ni Theo dahil hindi siya naniwala sa sinabi ni Vice

Tumingin si Vice sa camera at ngumiti "I'm okay"

Napangiti naman si Theo sa sinabi nito at nag-thumbs up. "You're really tired. You should take a rest babe. Pahinga ka na baka magkasakit ka pa" Malambing niyang sabi "I love you...."

"I-i love you too" Sabi ni Vice at ngumiti ng kaunti kay Theo.

As soon as they bid their goodbye's ay humiga agad sa kama si Vice at minasahe ang temple niya. He closes his eyes and sighs. Naramdaman niya na lang bigla ay may tumutulo sa bandang gilid ng kanyang mata, doon niya na lang napagtanto na napaluha na pala siya. Umupo siya at kinuskos ang mukha gamit ang dalawang kamay "Gulong gulo na ko"

+++

"Lalo na kong napapamahal sayo, Karylle eh" Pag-amin ni Vice habang diretso na nakatingin sa dalawang mata ni Karylle.

"Vice, Ano ba! Gulong gulo na ko" Sabi ni Karylle at iniwas ang tingin

"Ayoko namang mangyari to eh" Sabi ni Vice na halata sa boses ang panghihinayang.

Hinarap ni Karylle si Vice at diretsuhan itong tinignan "Unlove me"

Hinawakan ni Vice ng madiin ang kamay ni Karylle "If you can unlove me too"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A/N: Early but short update 😃 asahan niyo din muna ang slow update dahil nagdadrafts na ko para tuloy tuloy na din sa susunod 😄

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon