Chapter 18

2.8K 79 10
                                    

January 30, 2014

"Anong umiiwas direk? Kinakausap naman ako ni Karylle ah, Bakit siya iiwas sakin?" Naguguluhang tanong ni Vice dahil pinapunta siya ni Direk sa office niya nang matapos ang showtime

"Yeah you're right. Kinakausap ka ni Karylle on cam" Sabi ni Direk emphasizing the final word "Eh pag off cam? Pansin mo naman siguro ang pag-iwas niya sayo diba"

Tila naman napaisip si Vice sa sinabi ni Direk. Nahahalata niya nga ito pero di niya na lang pinansin masyado kasi sa pagkaka-alam niya naman, okay sila.

"Bakit iiwas? Anong nangyayari?"

Direk sighed "I was about to tell you this last week kaso masyado akong napaisip kasi baka pag-awayan niyo at ayoko ng ganon. Ayokong mag-away ang mga anak ko. Pero kailangan mo din kasi talagang malaman"

"Ano ba yon direk?" Nakakunot noong sabi ni Vice

"Nakiusap kasi si Karylle na kung pwede itigil na ang loveteam niyo. Nagagalit na daw kasi si Yael"

Napataas naman ang kilay ni Vice nang marinig ang sinabi ni Direk ay sumandal sa sandalan ng upuan "Nagagalit?" He said with a grin

"Parang nahe-hurt siya at hindi niya matanggap na sa dinami-dami ng pwedeng i-pair up sa girlfriend niya, sa bakla pa" Pag-explain ni direk

Tila naman napikon si Vice sa mga narinig niya. "Wow-"

"Patapusin mo muna ko" Sabi ni Direk "Sobra na daw siyang pissed off na sobrang sasabog na at anytime ay susugod sa studio" Direk raised his left hand dahil magsasalita pa dapat si Vice. Kita din naman sa mga mukha ni Vice na hindi niya siya natutuwa

"Wag kang mag-alala ako ang bahala kung sumugod man si Yael dito. Subukan niya lang, malalagot siya sakin. Hindi niya man lang sana isipin na issue yon kung mangyayari" Umiiling-iling na sabi ni Direk

"Unang una sa lahat. Ano ang offensive sa pagiging bakla ko?' Kumbaga, mayroon tayong 'I Am Pogay,' mayroon tayong 'That's My Tomboy. Mayroon tayong mga ganitong segments kasi ine-empower natin itong mga minority. Binibigyan natin sila ng acknowledgement, binibigyan natin sila ng empowerment.Tapos ganun ang tingin niya sakin, dahil ang ka-loveteam niya ay bakla? WOW!" Sabi ni Vice at nag-fake ng laugh "Tapos ano susugod siya? Susugod siya dito dahil sa nagagalit na siya? Sa anong dahilan? Wala siyang karapatan. Trabaho lang naman ang ginagawa namin ni Karylle" He added and shooked his head

"Sabi ko nga kay Karylle, dapat hindi siya hayaang kontrollin ng ganoon ni Yael."

"Nakakalungkot lang....." Sabi ni Vice and He sighed deeply "Nakakalungkot kasi sa iba pa nanggaling, dapat deretsuhan niyang sinabi at nakakalungkot din kasi okay na kami kaso magkakagulo na naman. Sige direk, ako na yung mag-aadjust." Yun na lang ang huling sinabi ni Vice at lumabas ng office ni direk

+++

January 31, 2014

"Pwede bigyan niyo muna kami ng privacy ni Karylle?" Coldly na tanong ni Vice nang makapasok siya sa dressing room ni Karylle

"Su-" Hindi naman naituloy ni Sid ang sasabihin niya dahil pinigilan siya ni Karylle at tumayo sa Vanity chair nito

"Ah..eh, hindi pa-"

"Tama na Karylle, sabihin mo na lang kasi sakin na iniiwasan mo ko. Okay lang naman" Sabi ni Vice at nginitian siya fakely

Naramdaman naman ni Sidney ang tension sa dalawa kaya agad siyang lumabas. Napa-lip bite naman si Karylle nang marinig ang sinabi ni Vice

"Ano susugod na ba si Yael? Kasi kung hindi pa dadalhin kita sa gitna ng stage, sa harap ng maraming tao at hahalikan ka. Excited na kasi ako sumugod siya dito at magalit sa baklang kaloveteam ng girl- oh wait, Fiance pala." Vice sarcastically said

Napayuko naman si Karylle sa narinig. Lumapit sakanya si Vice ng sobrang lapit at nag-confront ito. Sinabi niya lahat lahat ng sinabi ni Direk

"H-hindi yan totoo. Wala akong sinabi na ganoon" She said while shooking her head

Nagsalubong naman ang kilay ni Vice nang marinig ang sinabi ni Karylle "Kung wala kang sinasabi na ganoon, hindi na tayo ang may issue, kayo na ni Direk Bobet. Mag-usap kayong dalawa ni Direk" Sabi ni Vice at lumabas ng dressing room ni Karylle

~

"Ano ako para sirain yung grupo ko, pag-awayin kayo?" Tanong ni Direk sa dalawa

"Karylle, kung ano man ang dahilan mo at binago mo ang storya, nasa sayo na yon. Naiintindihan kita kung gusto mong pangalagaan yung boyfriend mo. Pero iyan yung sinabi mo sakin. Kailangan niyong mag-usap, nakikita ko yan sa dalawa niyong mata. Gusto ko magka-ayos kayo, ayokong mapahamak ang show na ito. Dito na kayo mag-usap sa office ko para safe, I'll leave the both of you" Sabi ni Direk at lumabas na

Naiwan naman si Vice at Karylle na nakaupo pareho at magkapatapat.

"Nao-offend ako, nagdamdam ako" Sabi ni Vice upang mabasag ang katahimikan "Karylle, pwede mo namang sabihin na itigil na natin yung loveteam nang dahil sa nao-offend si Yael eh. Hindi yung sa iba ko pa malalaman"

"Bakit to ginagawa ni Yael? Dahil ba sa nagseselos siya? Natatakot siyang maagaw kita sakanya?" Tanong naman niya ulit with a smirk on his face

"Vice, can you let me explain?"

"I've heard enough Karylle and I'm so done with it. I'm tired. Pagod na pagod na ko, nakakasawa na" Vice said while his voice was starting to crack

"I'm just protecting Yael, Vice" Sabi ni Karylle

"Dapat siya ang pumoprotekta sayo Karylle! He should be the one doing that!"

"Vice.... Ginagawa ko lang naman to kasi mahal ko siya"

"Bakit hindi niya to ginagawa sayo, hindi ka niya ha mahal? Kasi Karylle kung hindi, babawiin kita. Aangkinin kita. Kasi hindi mo deserve yan Karylle, "

"Vice...." Nakayukong sabi ni Karylle at nilaro ang mga daliri

"Unang una hindi ko naman gusto yang may pakana ng loveteam na yan. Baklang bakla nga ako tapos may ganoon? Let's face it Karylle, let's be realistic, mas nakatulong yun sayo. Hindi ako teen star or heartthrob kaya hindi ko naman talaga kailangan ng loveteam. Komedyante ako, puro patawa ang palabas ko. Sinabi ko na ayoko ng loveteam simula palang nung una dahil baka isipin ng ibang niloloko lang natin sila pero dahil nag-enjoy ang mga tao at sinabi ng staff na ituloy ko, ginawa ko kasi para din naman sayo yun. Tapos sasabihin sakin ng fiance mo, bakit sa bakla pa?" Vice said. Tumayo siya at tumawa sarcastically

"Vice, I-I don't know...... Hindi ko na alam gagawin ko, I'm sorry" Sabi ni Karylle at hindi na mapigilan ang luha

"Bakit pa kasi humantong sa ganito eh? Bakit pa kasi dumating pa ko sa punto na nahulog pa ko sayo? Ang dami naman iba diyan, bakit ikaw pa? Bakit sa maling tao pa?" He paused. Pinikit niyang ang dalawa niyang mata at naramdaman niya na lang na may basa sa bandang cheecks niya

"Ako na ang mag-aadjust Karylle, ako na ang iiwas, hindi kita kakausapin, hindi kita lalapitan, ni isang tingin sayo hindi ko gagawin para hindi sumugod si Yael, para hindi ka mahirapan ng ganto. Hindi ko alam kung magiging okay pa tayo Karylle pag-tapos nito, basta ang alam ko umakto na lang tayo na hindi tayo magkakilala. Na para akong multo sa paningin mo at para ka ding multo sa paningin ko, na may isang bata at may isang bata na may sakit na bawal pagtabihin. Simula bukas Karylle...wala na, ayoko na"

Palabas na sana si Vice ng office ni Direk nang biglang naramdaman niya ang yakap ni Karylle sa bewang niya. Narinig niya din ang hikbi nito

"Vice.....I'm sorry, sorry for everything, sorry kung nagagalit-"

"I'm not mad, I'm just hurt" Sabi ni Vice at ngumiti sadly bago alisin ang kamay ni Karylle na nakapulupot sa bewang niya

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon