Chapter 20

3.3K 87 7
                                    

February 19, 2014

"Meme...." Sabi ni Archie na kagagaling lang sa may pinto dahil pinagbuksan niya ang taong nag-doorbell

"Oh? Ano yan Chie? May manliligaw ka na?" Natatawang tanong ni Buern kaya natawa din si Vice. May hawak kasi si Archie na isang boquet of flowers at isang box ng cake

"Gaga!" Lumapit naman si Archie kay Vice na nakaupo sa single couch "Para sayo oh" Sabi ni Archie at inabot ang flowers kay Vice. Nilagay niya naman ang isang box ng cake sa coffee table

Napakunot naman ang noo ni Vice dahil sa sinabi ni Archie "Ha? Para sakin?"

"Bungol lang teh? Sayo nga" Pigil tawang sabi ni Archie

"Ay!!! Baka galing kay jowa" Kinikilig na banggit ni Buern "Nag-dadalaga ka na naman meme"

Tumabi naman si Archie kay Buern at may binulong dito kaya napatakip sa bibig si Buern. Habang si Vice naman ay tinignan kung kanino galing ang flowers. Nakita niya naman na may nakasuksok na card at papel sa loob nito kaya unti unti niya itong kinuha.

"K...." Mahinang sabi ni Vice nang buksan niya ang pink card

Peace offering, I'm sorry :( - K

"I'm sorry" Sabi ni Buern kaya biglang napatingin si Vice sakanya at nakita niya na nakatingin sa cake si Buern na tila may binabasa

"Bongga naman ni Ms. K! Sariling bake pa ata eh oh, perfect wife!" Sabi ni Archie at pumalakpak pa

Tinabi naman ni Vice ang card at kinuha ang puting papel sa side table. He stood up from the small couch at paakyat na sana ngunit tinawag siya ni Buern

"Saan ka pupunta? Aayusan ka pa namin meme"

"May gagawin lang ako, saglit lang" Sabi ni Vice habang nakatingin sa puting papel

"Pwede na ba naming kainin yung cake?" Pahabol na tanong ni Archie ngunit hindi sumagot si Vice at patuloy na umakyat na lang ng hagdan

Nang makarating siya sa kwarto niya ay umupo siya sa may side at in-unfold ang puting papel na hawak niya. Isa itong sulat from Karylle.

Vice,

I'm sorry. I'm very sorry. Yun lang naman talaga ang gusto kong sabihin at isulat dito. I said sorry to you in person, pero hindi mo pa tinanggap, tinutulak mo pa ko palayo, you said na may sugat pa. Wounds heal, thus your wound already heals? Vice hindi ko na alam ang gagawin ko, nasasaktan din naman ako Vice. Oo, alam ko na nasaktan kita at nasasaktan kita. Pero Vice sa tuwing nasasaktan kita, nasasaktan din ako. Nasasaktan ako kasi, sinasaktan ko yung taong mahal ko at wala namang ginawa kung hindi mahalin ako.

Ang dahilan ba ng pag-iwas at galit mo sakin ay yung dahil parin kay Yael? O tungkol na to sa kasal ko? Vice sana maintindihan mo rin ako, maintindihan mo yung sitwasyon ko. Vice mahal kita eh, and that love is very complicated. Hindi ko minsan maipaliwanag kung anong pagmamahal yon pero alam ko higit pa yon sa kaibigan. Kaso Vice, Mahal ko din si Yael, mas una ko siyang minahal.....We talked about our 'thing and alam niya yon, but still he forgave me and accepted me, even if he knows that I have feelings for you. I don't want to hurt him again Vice, kaya nung sinabi niya na lumayo ako sayo ginawa ko for our relationship kaso I don't know, hindi ko kinaya Vice. I did something wrong to him that's why I'm making up to him.

I don't want to compare my love for you with Yael dahil I don't want to change my decision. Everytime na tinigtignan kita na nasasaktan at kita ko pa ang pagmamahal mo sakin, feeling ko mali ang decision ko na ginawa ko, hindi dahil sa naawa ako kung hindi dahil sa bumabalik ang nararamdaman ko. I'm getting married to him in a month and I don't know what could happen between us. I'd already made my decision and I know na masaya ko sa naging desisyon ko. I love you Vice, I really love you. But please? Let me go

Complicated Love | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon