24

3.4K 54 16
                                    

Sheilla's Pov.

Gumising ako na para bang may mabigat sa aking nakadagan. At bigla kong naalala ang nangyari ng gabing iyon.

Akala niyo ba meron nangyari? Ay nako syempre wala hahaha.

Huwag muna natin madaliin ang mga bagay. Dahil ngayon ang mahalaga ay nandito na siya.

Ang mahalaga nandito yung taong nagpapasaya sa akin.

Dumilat ako at hinawakan ang mukha niya. Napakahimbing ng tulog ni Zero. Napaka-inosente ng mukha na para bang isang anghel na nahulog mula sa langit.

Ngunit hindi ko rin maitanggi, ang pagkabagabag ng aking puso. Paano ba naman, ang daming weirdo na bagay ang nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw.

Dapat ko bang sabihin yon kay Zero? O ako nalang mismo ang lulutas ng mga bagay na iyon? Hays hindi ko din alam ang kung anong gagawin ko. Bahala na nga.

Tumayo na ako ng dahan-dahan at inaayos ang kumot kay Zero. Lumabas ako ng kwarto at pumunta na muna ng kusina para magluto.

At syempre bagong putahe ang lulutuin ko ngayong araw, dahil gusto ko lang naman ng pasta. Kaya naisipan kong magluto ng "Alfredo Pasta" isa ito sa mga paborito kong pasta sa buong buhay ko. Napakasarap kasi nito kaya gusto ko din itong i-share kay Zero dahil tutal napakahalaga niya sa buhay ko.

Hindi kasi ako mahilig mag share ng isang bagay, lalo na kung paborito ko ito. Kaya maswerte ka kapag sinabihan kita ng mga hilig ko.

Pag tapos kong magluto ay naligo na ako at gigisingin si Zero dahil anong oras na at gutom na ako.

"Zero bangon na anong oras na." At tinapik ko ulit siya dahil ayaw talagang magising.

"Zero tara na gutom na gutom na ako halika na. Pero kung ayaw mo mauuna na akong kumain." Sabay tayo ngunit hinala niya ang kamay ko kaya napaupo ulit ako sa kama.

"Good morning Darling!" At hinalikan ako nito sa noo.

"Aba napaka-ganda ata ng gising mo at ngiting ngiti ka diyan." Napangiti ako sa ginawa niya. Ano ba yan napakaaga at pinapakilig ako ni Zero.

"Sino ba namang hindi matutuwa kung ikaw ang makikita ko sa umaga." At hinalikan niya ako sa pisngi.

"Nako tara na, gutom na gutom na ako. Halika na nagluto ako ng masarap at for sure magugustuhan mo 'yon." At hinala na siya at tumayo naman siya.

Inayos ko muna ang pagkakainan namin at si Zero naman nakatitig lang sakin at sinusundan ako sa kung anong ginagawa ko.

"Matagal pa ba 'yan by?" At parang naiinip na kunwaring tanong niya.

At natawa naman ako doon.

"Ito na po mahal na hari." At nilagay na sa lamesa ang "Alfredo Pasta".

Fave ko din yan Sheilla!!! Yang Alfredo Pasta heheheh.-Author.

Tinikman niya agad ito at parang batang tuwang tuwa dahil ang sarap daw ng pagkakaluto ko.

"Saan mo 'to natutunan? It's yummy." Habang sumusubo tinanong niya ito.

Napaisip tuloy ako. Matagal ko na kasing paborito ito, simula bata pa ako paborito ko na itong kainin. Pero hindi ko ito shini-share sa iba na ito ang paborito ko. Kasi para sa akin napakahalaga ng putahing ito. Ito kasi yung unang putahe na natutunan ko sa Mama ko. At nakaka-miss lang dahil miss ko na ang araw na iyon.

"Masarap talaga yan. Ako kasi gumawa niyan. Kumain ka lang diyan ng kumain." At biglang may nag doorbell kaya napatayo si Zero. Pero nag insists ako na ako nalang ang mag bukas.

Pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao pero meron nanamang bulaklak. At binasa ko ang nakasulat doon. May nakalagay na "@43 697 -@006 285- -8? ? Be careful."

Ano nanaman kaya ito. Sinarado ko na ang pinto. At pumunta ulit sa dining room at si Zero naman ay wala na doon. Kaya niligpit ko nalang ang pinagkainan namin at naghugas.


Nang matapos ko ang lahat ng gagawin ko, ay wala pa ring presensiya ni Zero kaya pumunta ako sa kwarto kaso wala siya. At pumunta din ako sa banyo at wala rin siya.

Nasaan na kaya iyon? Paano siya mawawala eh wala namang ibang pintuan dito. At tanging veranda lang ang meron.

Zero? Nasan kaba? Ano bang nangyayari?


Author's Note:
Hello milovesss pasensiya na dahil sobrang tagal kong nakapag update. Pasensiya na din kung maikli ang pag update ko. Pero promise ko na mag a-update ulit ako. Maraming salamat sa inyo milovessssss. Maraming salamat sa lahat ng support niyo sa akin. Thank youuu thank youuuuu!!

T.O.D
When you fully trust someone without any doubt, you finally get one of two results: A person for life or A lesson for life. - Lifehacks.io

Saturday, April 27 - 2019

A Wife Sacrifice in HellWhere stories live. Discover now