Her Own Soldier - 4

51 4 0
                                    

AN: Hello, here's the update. Enjoooy~! ♥

----------------

Her Own Soldier - 4

----------------

LIAM

Pagka-uwi ko, dali-dali naman akong sinalubong ng yakap ni Mom.

"Namiss ko ang baby ko," bulong niya habang nakayapos pa rin sa'kin.

"Mom, galing po akong school hindi New York," bulong ko naman pabalik.

"Heh! Kahit saan ka pumunta, lagi kang miss ni mama, teka baby ko, may girlfriend ka na ba?," tanong niya.

Bigla akong napahiwalay sa yakap niya. Kunot noo ko siyang tinignan. Halatang naghihintay siya ng matinong sagot.

"Seryoso ka Ma? Wala po!," sagot ko sa kanya. Ano bang trip ng maganda kong nanay na naitanong ang kalakohan na 'to.

"Uy, defensive ang baby ko. Alam mo anak, okay lang naman sa'kin yun eh, basta hanggang kiss lang kayo ha?," diretsahang sabi ni Mama sa'ken. Ugh, facepalm.

"Pwede ba Mama, tigilan nyo ako sa mga ganyan, sige na po pasok na ako sa kwarto ko," at agad akong tumakbo sa kwarto ko.

Ano bang naisip ng nanay ko? Shoot, girlfriend? Not now.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. I sighed. Another day, nakasurvive ako sa school namin.

Bigla kong naalala ang notebook ni Sadako. Kinuha ko yun sa bag ko at umupo sa kama ko, hindi ko pa inaalis ang uniform ko, nga pala, ang uniform naming boys, short sleeve polo at may dark blue na vest na pinapatong dito. At gray pants. Sa girls, above the knee gray skirt, short sleeve polo and may dark blue vest din. Mataas din sa medyas ang suot nila, kulay black.

Back to the notebook, binuksan ko ito. Luma na ang pahina ng notebook niya.

Random ang pages na binabasa ko, puro mga to-do list lang. Gaya ng; 4:00 am, gigising, Check. Magluluto ng agahan, Check. Maglalaba, Check.

Naglalaba na sya? Wow.

Binalik ko ang atensyon ko sa mga pahina ng notebook niya. I just flipped it on each side. Ganun lang palagi.

Itatabi ko na sana ito ng nabaling ang atensyon ko sa ilang page nito sa likod.

I just wanna die.

I wonder if suicide hurts.

Gusto ko ng mamatay.

Sana maglaho na ako.

Masakit na sobra.

Nahulog ako sa hagdan kanina.

Sana nabagok na lang ang ulo ko.

Hinarang ako ng mga adik, sana tinaga na lang nila ako.

I wish that the ice would kill me now.

Hindi ko mabilang ang pasa at sugat ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Own Soldier (Short Story)Where stories live. Discover now