Her Own Soldier - 1

244 6 5
                                    

AN: Ewan ko kung anong nakain ko at naisulat ko 'to. Haha. Pero sana mabasa and magustuhan nyo. So this is it. You can also listen to the song in the multimedia panel. Thank you.

If there are any stories related to this one. That is purely coincidential.

This is a work of fiction, PLAGIARISM is a crime.

All rights reserved. ©EllaSicat.

------------

Her Own Soldier - 1

------------

"Mom, alis na po ako," sabay halik sa pisngi ni Mama.

"Ingat anak," at tinanguan ko sya.

Lumabas ako ng bahay nang batiin ako ni Mang Dino, driver namin.

"Oh, sir, hatid ko na po kayo," pasakay na sya sa itim na Chevrolet namin nang pigilan ko sya.

"Tay, wag na po, nagko-commute na lang po ako, alam naman yun nina Mom and Dad," sabi ko at tsaka sya nginitian. Ngumiti naman sya pabalik.

Lumabas na ako sa gate ng bahay at naglakad sa subdivision namin. First day of school ngayon, at first time kong makakapasok sa eskwelahang pagmamay-ari namin.

Nga pala, ako si William Edmund Monteverde. Tama, pagmamay-ari namin ang Monteverde Academy, ngayong taon lang ako papasok doon dahil nag-shift ako, bakit? Mahabang istorya, basta ang mahalaga, isang normal na estudyante lang ang role ko sa eskwelahan na yun. Mahirap kasing gumalaw sa lugar na alam mong nakatutok lahat ng atensyon nila sa'yo. Magugulo lang buhay ko kapag nalaman nila kung sino ako, so better to have a hidden identity right?

Nagpara ako ng jeep at doon sumakay. Feeling independent is like having your own freedom. Hindi man lang nga nag-isip sina Mom & Dad nang sinabi ko yung plano ko na 'to ehh. They even told me that they're so proud because I am making decisions on my own feet. Believe me, OA sila. Facepalm.

Di ko namalayan na medyo lumampas na pala ako sa school ko. Kaya medyo naglakad ako ng konti.

"Good Morning! Welcome to Monteverde Academy students!," Paulit-ulit na bati ng mga speakers sa main gate.

Tinanguan ako ng mga guards, ngumiti naman ako. Bilang lang ang mga taong kilala ako, mga guards, ilang faculty members, ilang tao lang talaga.

Ibinulsa ko ang mga kamay ko at nakayukong naglakad.

Lumi-lingon lingon ako sa ilang nag-aaral dito, uso ba talaga ang punk look? Pati na ang kinapos na telang suot? Mas mukha pa silang tambay kaysa sa nag-aaral eh. I'm not mean, pero matino naman suot ko, gray shirt and pinatungan ko ng black na short-sleeves polo na bukas lahat ang butones, black skinny jeans at black Vans. Matino naman 'di ba?

Inalis ko na lang ang atensyon ko sa kanila at nagtungo sa registrar. Kukuha kasi ako ng schedule ng mga klase ko. At ng matapos na nila, ay dumiretso ako sa una kong klase.

Fourth year high school student na 'ko kaya pumunta ako sa building na exclusively for fourth year students lang, may pagkakahati-hati kasi ang bawat building na nakatayo, isa rin ito sa mga kagandahan ng school namin. Organized, kumbaga.

Papasok pa lang ako sa building, dinig na dinig ko na ang ingay ng mga estudyante.

Umiling na lang ako.

Don't mind them Liam, just stay cool.

Paakyat na ako sa hagdanan ng biglang may nahulog mula dito. At dahil sa nangyaring 'yon, mas dumami ang mga estudyanteng nagtatawanan at nahihiyawan, ang iba pa nga kumukuha pa ng litrato nung babae na nahulog eh.

Her Own Soldier (Short Story)Where stories live. Discover now