Her Own Soldier - 2

53 4 6
                                    

AN: Here's the update :))))

------------------

Her Own Soldier - 2

------------------

LIAM

Maaga akong nagising dahil may pasok na naman ngayon, ganito talaga ang buhay estudyante, nagpupuyat magdamag tapos magrereklamo pagkagising na kulang ang tulog.

Isa lang naman ang dahilan ng pagkapuyat ko eh, ginugulo ako ng Sadako slash bampira na si Bella. Ewan ko ba, biglang binubulabog ang ulirat ko kagabi kaya ayun mag-a-alas dos na akong nakatulog.

*tok tok tok*

"Iho, Liam, gising na. Hinahanap kana ng Mama at Papa mo sa baba," rinig ko ang tawag ni Mang Min, yaya ko simula pagkabata.

"Sige po, lalabas na," tugon ko dito.

Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo, nagbihis na din ako ng casual attire dahil next week pa naman ang pagsusuot ng uniform at doon na bumaba.

"Good Morning Mom," sabay halik sa pisngi ni Mama.

"Good Morning Dad," at nagfist bump kami.

Masasabi 'ko na maswerte ako dahil close ako sa pareho 'kong magulang, sa kabuuan, wala silang pagkukulang sa'kin, sa amin pala ng kapatid ko. Oo, may kapatid ako, babae siya actually. Pero....

Balik sa realidad. Umupo ako sa silyang kaharap ng kay Mama.

"So, how's your first day baby?," malambing na tanong ni Mama sa'kin.

"Your son is not a baby anymore, Hon," giit ni Papa kay Mama.

"He is still a baby to me, Hon," sagot naman ni Mama kay Papa. Itinaas na lang ni Papa ang pareho nyang kamay na para bang sinasabi niya na,'okay suko na ako, kung di lang kita mahal eh'. I smiled.

"So, how is it nga baby?," tanong ni Mama sa'ken.

"Ordinary Mom, yun lang," sagot ko sabay kagat sa bacon na nasa tinidor ko.

"Bakit ayaw mo kasing malaman nila na ikaw ang may-ari ng school anak? Your life will be so much easier," sabi ni Dad at uminom ng tsaa.

"Easier and miserable, Dad, napag-usapan na po natin 'to. Ako na po munang bahala at kapag di ko na kinaya, doon ko na lang ibo-broadcast na ako ang may-ari ng school," sabi ko sa kanila.

"Okay, okay fine, you win again," sagot ni Dad, at ayun nakataas na naman ang parehong kamay niya.

Umiling na lang ako habang natatawa.

****

"Magpahatid ka sa driver anak, wag matigas ang ulo mo. Malaki ka na," sabi ni Dad habang pababa ako sa hagdan, pumanhik muna kasi ako at kinuha ang bag ko.

"Yun na nga Dad, malaki na 'ko. I can handle myself," sagot ko sa kanya.

"No, delikado ang pagko-commute sa panahon ngayon, take the car," pamimilit ni Dad.

"Delikado rin po ang magdala ng kotse sa school, you know baka ma-carnap," hirit ko pa.

"William Edmund," bumuntong-hininga ako. Wala na, binuo na niya ang pangalan ko. Huwag ko nang hintayin pa na pati apelyido namin ay masali. Nasa critical level na yun.

"Fine, okay Dad," at ako naman ang nagtaas ng kamay.

"Good boy," at ginulo niya ang buhok ko. Di bale, messy style naman kaya di na magugulo pa.

Pumasok ako sa kotse na ida-drive ni Mang Dino.

Tahimik lang sa buong biyahe. Minsan hihinto dahil sa manaka-nakang traffic pero madali lang naman.

Her Own Soldier (Short Story)Where stories live. Discover now