Unknown Error -1 (OneShot)

30 10 2
                                        


                         ~ Sheila ~

Pabalibag na isinara ni Sheila ang pinto ng taxi. Sinamaan siya ng tingin ng driver dahil sa pagdadabog niya.

"I swear to the heavens, this is not my day," Bulong niya habang papasok sa dorm na tinutuluyan niya.

Pagkapasok niya ay kasalukuyan nang kumakain ang roommate niyang si Alex ng hapunan.

"Ms. Sheila Ybañez, bakit na naman nakabusangot mukha mo diyan?" Bungad na sabi ng isa pa nilang kasama sa dorm na si Jhie. Kagagaling lang nito sa CR at naka-ikot pa sa ulo nito ang tuwalya.

"Alas-otso na, aalis ka pa?" Pag-iiba ng usapan ni Sheila saka dumiretso na sa lamesa.

"Graveyard shift ako, e. Start ngayon pero kakain muna ako."

Naunang tumira sa dorm si Alex at Jhie. Last 2 years lang siya napunta dito dahil gusto niya makatipid habang nagtatrabaho. Hindi niya rin p'wedeng iluwas ng Cavite ang buong pamilya dahil kaunti pa lang ang ipon niya.

3 years ago, grumaduate si Sheila sa kursong Human Resources. May kahirapan ang trabaho niya dahil p'wede siyang all around sa opisina.

"O, bago ako umalis, care to explain kung bakit ka nakasimangot?" Pagbalik ni Alex sa topic.

"Madami lang applicants kanina."

"Alam mo, sa tingin ko dapat ka nang maghanap ng boyfriend. Alis na 'ko," Biglang sabi ni Jhie saka kinuha ang bag at umalis na.

"Bakit naman napunta diyan ang usapan?" Iritang sabi niya.

"Look at you, Sheila, 22 years old ka pa lang pero kung umasta ka ay para ka ng matandang dalaga," pagpapatuloy ni Alex sa sasabihin ng kaibigang umalis.

Natahimik si Sheila. Oras na ba para sa mga ganoong bagay? Marunong naman siyang mag-balance ng oras kaya sa tingin niya ay hindi ito magiging hadlang sa pag-iipon niya. Ang problema nga lang ay hindi siya interesado.

Nag-ayos na para matulog ang dalawa. Pumwesto na sa upper bunk ng double deck si Sheila at sa baba naman si Alex. Nakahiga na siya pero nasa isip pa rin niya ang sinabi ng mga kaibigan.

Aminado naman siyang minsan ay naiinggit siya kay Jhie na kahit paiba-iba ang schedule e nakakahanap pa ng oras para sa boyfriend niya. Si Alex naman ay nakikipag-date.

Ang pinagtataka pa niya ay magkakasing-edad lang naman sila pero bakit parang hirap na hirap siya pagdating sa ganoong bagay.

"Alex?" Tawag niya sa kaibigan.

"Alex, gising ka pa?" sabi niya saka sinilip sa baba ang kaibigan.

"Bakit?"

Lumingon sa kaniya si Alex na bahagyang nakangiti pa. Sa isip-isip ni Sheila ay siguro naglalandian na naman sila ng ka-date niya.

"tingin mo tama si Jhie?"

Bahagyang napatawa si Alex sa sinabi ni Sheila. Palibhasa'y alam nito na kulang lang sa kilig ang kaibigan.

"Oo, saka subukan mo 'tong online dating site. Love Theory, i-install mo. Mag-ingat ka lang at madaming bastos doon pero malay mo 'di ba? Pangunahan mo na na hindi ka interesado sa sex -- hindi pa," sabi ng kaibigan sabay halakhak.

"Gaga," tanging nasabi lang ni Sheila saka bumalik na sa pagkakahiga.

Ilang minuto ang lumipas, ilang beses niya pang pinag-isipan bago niya kinuha ang cellphone na nasa gilid ng unan. Wala naman sigurong masama magbaka-sakali.

Unknown ErrorWhere stories live. Discover now