"Tatlo! Kapag umabot ng apat, hahalikan kita. Sa lips. Yung torrid!" pagbabanta pa nito.

            Bigla siyang napabalikwas ng bangon at tinignan ng masama ang asawa. "Nasaan na ang walis at panglampaso?"

***

"SIGE, ipunin mo lang ang dumi, Misis. Ayan. Ganyan. Tapos saka mo ilagay sa dustpan. Okay. Ganyan nga. Sige, tama 'yang ginagawa mo."

            Napabuntong-hininga si Sapphire. Marami nang alikabok sa hawak niyang dustpan at gustung-gusto niya nang isaboy ang lahat ng iyon sa pagmumukha ni Johann. Pero dahil hindi naman pala ganoon kahirap ang pagwawalis, palalagpasin niya ang balak.

            Kinuha na sa kanya ni Johann ang walis at dustpan. Ito na ang nagtapon ng dumi sa likod-bahay. Pagbalik nito sa loob ay may dala na itong mop. Nagsimula na itong mag-demo kung paano siya maglalampaso mula sa living room hanggang sa kusina.

            Gusto sana ni Sapphire na hindi pansinin ang sinasabi ni Johann at gawing mali-mali ang mga tinuturo nito. Ang kaso, hindi niya alam kung bakit kahit anong pilit niyang pag-ignora kay Johann ay hindi niya mapigilang makinig sa tinuturo nito. 

            He's really an effective teacher. Gustung-gusto siguro ito ng mga estudyante nito.

            At kung effective teacher ito, dapat ay hindi siya magpatalo. Dapat niyang ipakita rito na 'good student' naman siya. Talk about pride. Kakabit na iyon ng pagiging isang Monteverde. Mommy niya lang siguro ang walang pride dahil naghahabol ito sa lalake kapag iniiwan.

            Nang ibigay sa kanya ni Johann ang mop ay nagsimula na siyang mag-mop ng sahig. Ten minutes later, she's done mopping. Wala siyang narinig na kahit anong angal o mali sa ginawa niya mula kay Johann. Tahimik lang itong nakamasid sa ginagawa niya.

            "Okay. I'm done here, Mister." Padabog na binalik niya rito ang mop. "Ano pang papagawa mo?" mataray na tanong niya.

            Nginitian siya nito at marahang pinalis ang pawis sa noo niya gamit ang kamay nito. "Ang bilis mong mapagod. Magpahinga ka muna tapos labas tayo sa may kanto. Kain tayong merienda."

            "Okay." Tinalikuran niya ito at dumiretso siya sa kuwarto. Kumuha siya ng tuwalya at saka lumabas para pumuntang banyo.

            After taking a bath, nagsuot siya ng red cotton shirt at white shorts. Pinatuyo niya ang buhok at sinuklay ng sinuklay. Nagtungo siya sa sala pagkatapos. Nakita niya si Johann na prenteng nakaupo at nanunuod ng TV.

            "Ang ganda naman ng misis ko," bungad nito nang makita siya.

            She rolled her eyeballs. "I want to eat na. We're going to have merienda pa, right?"

            Pinatay nito ang TV. "Yes, of course. Come with me. We're going to the kanto over there. Manang Lisa's banana que is so masarap. Like, oh my gosh."

            Kumunot ang noo niya at hinampas ito sa braso. "Are you making fun of me?"

            "Ang conyo mo kasi." Inakbayan siya nito at inakay palabas ng bahay. "Ang arte mo pa minsan."

            Malakas na siniko niya ito sa tagiliran.

            "Aray! Wala namang ganyanan."

            "Bakit mo ko sinasabihang maarte?"

            "Kasi maarte ka talaga. Alangan namang sabihin kong kulay yellow yang shirt mo kahit halatang-halata namang pula iyan?" Binuksan nito ang gate at lumabas sila. Magkasabay silang naglalakad nito at sa lahat ng makasalubong nila na tao ay binabati sila ng 'Congratulations'.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now