Part 3: Ang Pagtataksil

61 0 0
                                    

Lumaking matalino,matipuno,moreno at matangkad si Fred na tyak si Martha na minana ng kanyang anak sa amang si Nestor.samantalang Mestizo at matangkad naman si Luther na medyo singkit ang mata katulad ng kanyang ina.

Sabay na Lumaki sina Fred at Luther sa iisang bubong kaya parang magkapatid at magkadugo ang turingan nila sa isa't isa

Lumaking magkasundo ang dalawa halos sa lahat ng bagay

Madalas din binibigyan ng mga mamahaling damit ni Luther si Fred

"Luther maraming maraming salamat ah mana ka talaga sa mommy mo sobrang bait mo din" sabi ni Fred

"Oo naman kuya Fred goodboy ata to hahaha!" Malakas na paghalakhak ni Luther

"Goodboy na Gwapo pa" haha! pahabol ni Luther

"Saang banda?pasaring naman ni Fred sabay halakhak hahahahahaha! Oo na gwapo kana man talaga Luther mana ka lang sa akin

Sabay hawak sa ulo ni Fred at tila nag wrestling ang dalawa sa sahig habang tawang tawa

Waaaaaaaa! Mana pala ahhhh hahahaha! Sabi naman ni Luther

"Hay! Naku,naku ang mga binata dito sa bahay parang mga bata pa din.tama na muna ang harutan nyo dyan Fred tulungan mo muna ako sa mga gawaing bahay habang wala kang pasok magdilig ka ng mga halaman ni Maam Eden dun" Bilin ng nanay Martha nya

"Opo Nay sige po liligpitin ko lang muna mga kalat po namin dito sa susunod ulit Luther teka teka may gagawin muna ako.saglit" pakiusap ni Fred

"Nay Martha asan po pala si Mommy? Tanong ni Luther kay Martha

"Ah pupunta muna dw sya sa banko mag wiwithdraw tas sasaglit sa mall mag ggrocery"

"Ah okay po.bat di po kayo sumama? Tanong ulit ni Luther

"May gagawin pa kasi ako magluluto ako ng hapunan,hulaan mo kung ano ang niluluto ko? Clue paborito nyo ni Fred haha!

"Mmmm alam na Adobo sa asin" haha! Pananabik ni Luther sa niluluto ni Martha

Toooooot! Tooooooot!

Agad namang binuksan ng guard na si Mang Berto ang napakalaking gate..

"O dyan na ang mommy mo tamang tama nakapagluto na ako".

Nagsalu salo silang lahat sa hapunan yun kasi ang gusto ni Eden ang masayang hapagkainan

"Ah Martha may binili pala akong sausage dyan at Sandwich yun nalang ang I serve mong breakfast bukas.bago pumasok ang dalawa nating binata" utos ni Eden

"Opo maam sige po" magalang na pagsagot ni Martha

Mabilis na lumipas na ang oras.magkasama sa isang kwarto sina Martha at ang anak nyang si Fred.

Nang biglang magtanong si Fred sa nanay kung kaylan nya masisilayan ang ama agad agad namang tinawagan ni Martha si Nestor

Riiiiiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiiiiing!

Hangang sa nakatulog na si Fred di parin sinasagot ng amang si Nestor ang tawag kaya lubos ang pag aalala ni Martha

Kinaumagahan pagpasok sa paaralan ni Fred at Luther sinubukan muli ni Martha na tawagan ang Asawa.buti at sinagot na naman

"Ah Nestor nag alala ako kagabi di mo sinasagot tawag ko.magpapadala pala ako mamaya ng pera dyan at baka sa susunod na linggo uwi kami saglit ni Fred dyan gusto ka nyang makita. Magpapaalam pa ako kay maam Eden" tugon ni Martha

"Okay sige sige salamat tawag nalang ulit kayo marami pa kasi akong ginagawa dito tawag ako pag nakuha ko na padala mo" madaling pagsagot ni Nestor na tila nagmamadali sabay bagsak ng Telepono.

Napaisip si Martha na tila parang may pagbabago sa asawa na dati'y sobrang lambing.

Pagsapit ng gabi muling nabigo si Martha ng tawagan si Nestor

Naka off ang Telepono nito...

May katagalan na kasing hindi umuuwi si Martha sa probinsya magmula pa nung unang umapak sa Maynila kayo siguro nanlamig na si Nestor sa kanya.

Nang sumunod na araw muling tinawagan ni Martha ang asawa

Riiiiiiing! Riiiiiiiing! Riiiiing!

"Hello! Hello! Hello! Anong kailangan mo sa asawa ko? Sino ka ba? Bakit ka tumatawag wala dito ang asawa ko nasa trabaho!"

Nanlambot si Martha sa narinig sa telepono ng kanyang asawa isang boses babae.nag asawa na pala ng iba si Nestor

Huhuhuhuhu! Malakas na paghagulgol ni Martha sa isang sulok ng bahay na narinig ni Eden." Oh bakit Martha? May problema ba? Tanong ni Eden

Maam hu hu hu maam hu hu hu ang asawa ko may asawa na palang iba! Nanghihinang sagot ni Martha

Nang biglang dumating si Fred

"Oh nay bakit po kayo umiiyak? Tanong ng butihing anak na si Fred

"Ang tatay mo may asawa ng iba" binalewala na tayo anak hu hu hu.pag iyak ni Martha

"Hayaan nyo inay pagsisisihan nya ang ginawa nyang ito sa atin balang araw. ako ang kakampi mo nay tahan na mahal na mahal kita" pagpapakalma ni Fred sa Ina.

Ilang gabi ring tulala si Martha at walang tulog sa nangyari ngunit sa di kalaunan natanggap nalang ang masaklap na sinapit ng pamilya nya.

Lumipas na ang maraming taon nasa Kolehiyo na sina Fred at Luther.ilang taon na ding walang paramdam ang amang si Nestor

Bali balita pa nila may tatlong anak na daw ito sa bagong kinakasama.masakit pa sa parte nina Martha at Fred pero tanggap na tanggap na nila ang mga pangyayari.

LOVE POISON #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon